Ka Ramona Caceres
Public Information Officer
Eduardo Olbara Command, NPA-Camarines Sur
Isang tagumpay sa panig ng rebolusyonaryong kilusan at mga mamayang api sa lungsod ng Naga at mga karatig pook nito ang paggawad ng parusang kamatayan sa isang berdugo, mamatay tao, at dating CHDF/CAFGU na si Florencio Ona. Matagumpay na naisagawa ang isang operasyong isparo ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan ngayong Abril 17, 2010, 5:30 ng umaga sa kilometro 11, Brgy Carolina, Lungsod ng Naga.
Hindi kaila sa mga naninirahang magsasaka sa Carolina at mga karatig pook nito sa loob ng lungsod ng Naga at ilang lugar sa mga bayan ng Magarao, Bombon at Calabanga ang mga naging krimen ng armadong grupo o goons na kinaaniban ni Florencio Ona. Ang mga naganap na nakawan ng hayop (kalabaw, baka) at ilang kaso ng pamamaslang sa nakaraan ay kagagawan ng kanilang grupo. Mula pa dekada 80 habang siya ay isang kasapi ng CHDF/CAFGU at hanggang sa kasalukuyan ay idinadaing na ng mamamayan sa lugar ang mga iligal na aktibidad ng kanilang grupo. Hindi rin lingid ang mahigpit na pakikipag-ugnayan ni Florencio Ona sa ilang tropa ng militar na nagsasagawa ng mga marurumi at anti-mamamayang aktibidad sa lugar.
Nananawagan kami sa lahat ng mamayan sa buong lalawigan na aktibong labanan ang mga katulad nitong grupo at patuloy na makipagtulungan sa rebolusyonaryong kilusan para tuloy tuloy na usigin at papagbayarin ang may mabibigat na krimen sa mamamayan.
Ang pamamarusang ito ay magsilbing babala sa mga armadong grupo at goons ng mga pulitiko. Hindi lingid sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan ang presensya ng mga armadong grupo at goons na naghahasik ngayon ng takot sa ilang lugar. Hindi hahayaan ng rebolusyonaryong kilusan na hindi makamit ang hustisya sa anumang krimen laban sa mamamayan at kilusan.
