Greg Bañares
NDF - Bicol
Pebrero 5, 2011
Mariing kinukundena ng NDF Bicol ang karumal-dumal na pagmasaker ng mga sibilyan sa Brgy Villadima, Libmanan Camarines Sur nitong Pebrero 4 ng gabi. Namatay sa naturang pagmasaker ang magkakamag-anak na sina Federico Bico, Christian Bico, Christine Ramier, Armando Queto at isang Tiolo Borral. Tatlo pang mga sibilyan ang nasugatan nang sila’y walang pakundangang pagbabarilin ng mga armadong nakasuot ng bonnet.
Kinukundena rin ng NDF ang walang batayang paratang ng 9th Infantry Division na nagsasangkot sa Bagong Hukbong Bayan sa naturang krimen. Sa prinsipyo at sa kongkretong praktika ng BHB, hindi nito magagawang pumatay ng walang kalaban-labang sibilyan. Tanging ang mga armadong pwersa ng estadon tulad ng AFP-PNP-CAFGU ang may tapang-ng-sikmurang gumawa ng ganitong krimen.
Iniimbestigahan ngayon ng Eduardo Olbara Command ng BHB-Camarines Sur ang naturang insidente.
Ka Greg Bañares
Tagapagsalita, NDF-Bicol
Reference: Maki Oliveros, Media Officer. Mobile Number: 0918.3458061
