Ang Bayan: Iharap si Ka Bart at hayaang makapagsalita—NDF-ST

Ang Bayan
June 21, 2011

Iharap si Ka Bart at hayaang makapagsalita—NDF-ST
Download PDF here

Iginiit ng National Democratic Front-Southern Tagalog na iharap si Kasamang Tirso “Ka Bart” Alcantara sa masmidya upang malaya siyang makapagsalita at makasagot sa mga tanong tungkol sa kanyang mga kundisyon sa loob ng kulungan.

Ito ang tugon ng NDF-ST sa pahayag na inilabas ng militar na sinabi umano ni Ka Bart na siya ay tinatratong mabuti sa loob ng kulungan bilang pagpapasinungaling sa naunang balita na siya ay nakakadena sa kanyang kama.

Si Ka Bart ay isa sa mga konsultant ng NDF sa usapang pangkapayaan. Dinakip siya noong Enero 4 at nakapiit ngayon sa Fort Bonifacio. Ang pananatili niya sa kulungan ay paglabag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Download PDF here