Matagumpay na pagpaparusa sa aktibong ahente sa paniktik ng 49th IB sa Irosin, Sorsogon

Ka Samuel Guerrero
Celso Minguez Command, NPA-Sorsogon
2 June 2011

Matagumpay na pinarusahan ng Bagong Hukbong Bayan sa Sorsogon ang aktibong ahente sa paniktik ng 49th Infantry Battalion -Philippine Army sa Bgy. Macawayan, Irosin nitong Mayo 27, dakong alas-8:00 ng umaga. Si Pfc. Efren Salcedo ay matagal nang minamanmanan ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan dahil sa kontra-rebolusyonaryong aktibidad ng pagbubuo ng Barangay Intelligence Network (BIN) sa lugar upang maniktik sa aktibidad ng masa at yunit ng BHB sa lugar. Sinusuhulan nito ng kakarampot na pabuya at iligal na shabu ang mga impormer kapalit ng impormasyong ibinibigay sa militar. Nagresulta ito sa tangkang pagkubkob ng militar sa isang yunit ng BHB sa lugar noong Agosto 5, 2010. Dahil sa kabiguang mapatay ang mga pulang mandirigma, pinagbalingan ng galit ng militar ang dalawang sibilyan at ang mga ito'y iligal na inaresto at ipinakulong.

Labis na ikinalulungkot ng Celso Minguez Command ang di-sinasadyang pagkadamay ng isang sibilyang babae sa lehitimong operasyon ng BHB. Sa panimulang imbestigasyon ay lumilitaw na tumagos sa katawan ni Pfc. Salcedo ang bala at ito'y tumama sa babae. Tanging si Pfc. Efren Salcedo ang lehitimong target ng pag-atake ng BHB. Inaako ng CMC ang pananagutan sa naturang insidente at patuloy na nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy ang mga kahinaan at pagkakamali sa operasyon ng BHB sa layuning maiwasto at maiwasan ang mga ito sa mga operasyon ng BHB. Humihingi po kami ng tawad at pang-unawa sa pamilya ng sibilyang nadamay at nakahanda ang CMC na magbigay ng bayad-pinsala sa mga kapamilya.

Inililinaw din ng CMC na ang ganitong pag-atake ng BHB sa mga aktibong kombatant ng AFP ay selektibo at nakatuon lamang sa mga aktibong ahente sa paniktik at sagad-saring mga elemento na may malulubhang krimen sa mamamayan at marahas na lumalaban sa rebolusyonaryong kilusan. Walang dapat ipangamba ang mga karaniwang sundalo na nagnanais dumalaw sa kanilang mga mahal sa buhay sa loob ng mga sona at larangang gerilya basta't hindi sila magdadala ng armas, hindi mang-eespiya laban sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan, at maagap na magpaabot sa yunit ng BHB ng kanilang intensyon sa pamamagitan ng kanilang mga kamag-anak sa loob ng sonang gerilya.

Kaugnay nito, pinabubulaanan ng CMC ang paratang ni Capt. Obenieta na kagagawan ng BHB ang nabigong pagpatay sa isang Pfc. Edmar Resol noong Mayo 31, 2011 sa bahagi diumano ng Sitio Batching, Abuyog, Sorsogon City. Maling inaakusahan ni Capt. Obenieta ang BHB upang ilihis ang imbestigasyon ng PNP at pagtakpan ang pagkakasangkot ni Pfc. Resol at iba pang aktibong sundalo ng 49th IBPA sa bentahan ng iligal na droga tulad ng shabu. Away sa negosyo ng iligal na droga ang motibo sa tangkang pagpatay kay Pfc. Resol.

Mahigpit na binababalaan ng rebolusyonaryong kilusan ang mga impormer ni Pfc. Efren Salcedo at kasapi ng Barangay Intelligence Network (BIN) tulad nina Esing Guban, Casio Bongalos, Jonathan Guban, John Chris Guban at Dodong Mendones na itigil na ang pagpapagamit sa militar sa mga kontra-mamamayan at kontra-rebolusyonaryong aktibidad na magpapahamak sa mamamayan at mga kasama. Ituring ninyong isang malaking pagkakataon ito upang magbago at maghanap ng disenteng hanapbuhay at ibang mapagkakakitaan para sa kapakanan ng inyong mga pamilya.

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!