Mailap na katarungan ay panimulang nakamtan ng pamilya ni Escarlet Soriano

Samuel Guerrero
Celso Minguez Command - NPA-Sorsogon
August 5, 2011

Si Escarlet Soriano, 7 taong at 10 buwang gulang, Grade III pupil, taga Sitio Telegrapo, Aguada Sur, Magallanes, Sorsogon ay brutal na ginahasa at walang awang pinaslang. Dakong alas 11:00 ng tanghali noong June 25, 2011 nawala ang biktima habang naliligo ito sa ilog sa tabi ng bahay ng tiya. Agad na hinanap ito ng mga kapamilya at Bgy. Opisyal ngunit hindi nakita ang bata. Kinaumagahan, June 26, 2011, natagpuan nang bangkay ang bata sa di kalayuan sa kanyang pinapaliguan. Batay sa autopsy report, si Escarlet ay biktima ng rape bago pinatay. May galos sa noo at bahagyang paglubog ng bungo at mga sugat sa maseselang bahagi ng katawan ng bata tanda ng matinding sakit at paghihirap.

Matapos ang masusing imbestigasyon at maaresto ng mga kasama noong ika-19 ng Hulyo 2011, inamin ni Ronald Padro ang karumaldumal na krimen. Si Padro ay 35 taong gulang, may asawa at 2 anak, at isang Bgy. Tanod sa Cawit Ext., Magallanes. Pinangalanan ni Padro na utak ng krimen ang kanyang amo. Ito rin ang unang gumamit sa bata. Matapos halinhinang gahasain ay nag-alangan ang mga suspek kung ano ang gagawin sa bata na noon ay buhay pa ngunit latang-lata na. Tinangkang linisin nina Padro ang krimen sa pamamagitan ng isang maruming pakana: Muli nilang isinuot ang panty at pajama ng bata at nilunod nila upang palabasing namatay sa pagkalunod si Escarlet. Sinundan pa ito ng pagpapalaganap ng mga maling impormasyon tungkol sa mga suspek upang lituhin ang imbestigasyon ng PNP. Dagdag pa, inamin din ni Padro ang pagiging civilian asset nito ng 509th PNP Mobile Force at pag-iimpostor na NPA na nangungutong sa bayan ng Magallanes.

Katunayan, maging ang PNP-Magallanes ay nagpatumpik-tumpik sa pagturing na mga suspek kay Padro at sa kasama nito. Hindi ipinursige ang pagsisiyasat dahil mayaman at ma-impluwensyang tao ang makakabangga nila. Buo ang aming paniniwala na ang karumaldumal na krimen na iyon ay magagawa lamang ng mga demonyong manyak at lango sa droga.

Nitong ika-2 ng Agosto 2011, ipinatupad na ang hatol na kamatayan kay Ronald Padro. Ang nakakabahala ay hindi man lang kinakitaan ni katiting na pagsisisi sa kabila ng pag-amin nito sa krimen at ang tanging hiling ni Padro ay mapatawan din ng kaparehong parusa ang kanyang kasama sa krimen. Batid nating lahat na hindi magiging lubos ang pagkamit ng katarungan sa karumaldumal na panghahalay at pagpaslang kay Escarlet Soriano hanggat malaya at buhay ang isa sa mga tunay na salarin. Tulungan po ninyo ang inyong Bagong Hukbong Bayan upang ganap na makamtan ang katarungan para kay Escarlet Soriano at sa iba pang biktima ng mga karumaldumal na krimen sa inyong lugar.

KATARUNGAN PARA KAY ESCARLET SORIANO! PARUSAHAN ANG MGA SALARING DEMONYO!

MAGKAISA TAYONG LAHAT SA PAGSUGPO SA HALIMAW NA DROGA! ILIGTAS ANG USER, PUKSAIN ANG PUSHER!

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!