Prepare for escalation of Aquino's war of suppression

Communist Party of the Philippines
September 5, 2011

Judging by the acts and statements of the Philippine government (GPH) and its representatives over the past few weeks, it is becoming increasingly apparent that the Aquino regime is determined to put an end to peace negotiations with the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and further escalate its war of suppression under the US-designed Oplan Bayanihan.

The GPH has lost interest in peace talks with the NDFP after failing to use it as a tool for pacification. The NDFP negotiating panel has stood its ground, maintaining that agreements jointly entered into by the GPH and the NDFP should be upheld by both parties, obliging the GPH to abide by past agreements, including The Hague Joint Declaration of 1992, the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) and the Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CAHRIHL).

Working under the baton of his US counterinsurgency advisers, GPH President Benigno Aquino III and his negotiating panel have shown outright antipathy to abiding by the joint agreements, including the Oslo Joint Statements of January and February 2011, where his government agreed to expedite the release of at least seventeen JASIG-protected NDFP consultants currently detained by the GPH, as well as more than 350 political prisoners. The GPH has consistenly failed to honor its word as it adamantly refuses to be bound by the agreements with the NDFP. It has gone to the extent of declaring the JASIG as "inoperative," putting the entire peace negotiations with the NDFP on the brink of collapse.

After only a few months, it has become obvious that the GPH is only interested in using the peace negotiations with the NDFP as a bait to hook the revolutionary forces into agreeing to one ceasefire after another, without addressing the socio-economic and political issues that lie at the roots of the armed conflict.

Aquino has shown zero interest in addressing the roots of the civil war. His only interest is to decimate the revolutionary armed forces and put an end to the Filipino people's resistance through armed suppression. There has been a renewed campaign of extrajudicial killings against activists under the Aquino regime that has already claimed at least fifty victims. The Aquino regime has also repeatedly employed state brutality to suppress demonstrations and mass struggles.

The scourge of Oplan Bayanihan is wreaking havoc in the countryside, with the AFP carrying out intelligence, civil-military and "search and destroy" operations. The AFP targets entire communities where people are actively engaged in mass struggles, especially against the land grabbing and against the incursion of destructive foreign mining operations. Communities where people actively defend their political, economic, environmental and cultural rights are automatically suspected by the AFP of being "NPA sympathizers" and become subject to Oplan Bayanihan operations.

Under the signboard of "peace and development," fascist units of the AFP have been escalating militarization in the countryside, leaving a bloody trail of human rights violations. Entire villages are put under military rule. In violation of international humanitarian law, soldiers set up detachments in barrio centers, occupying school buildings and school grounds, taking over barangay halls and other civilian community facilities. The military requires villagers to contribute wood and other building materials and uses forced labor in the construction of its detachments. Young peasants are forced to serve as guides in the military's "search and destroy" operations.

The AFP imposes a reign of terror over wide swathes of the countryside. Reactionary troops violate the rights of thousands of people when they impose economic and food blockades, require identification documents for travel, restrict people from working in their fields, set limits to the volume of commodities they could buy and impose other fascist methods of population control. They engage in psychological warfare against the people. Under threat of harm, they force the people to identify local mass leaders and activists. They disguise their military operations with so-called medical missions and by combining with the social welfare department in implementing the Aquino regime's cash doleout program to draw the people away from waging democratic and mass struggles.

The Aquino regime prioritizes Oplan Bayanihan to the detriment of social services. In his proposed 2012 budget, Aquino allocates an additional 7.2% (P28.7 billion) for the Philippine Army's counter-guerrilla operations but has slashed the budget for higher education by at least P230 million and the public health budget by at least P400 million. Furthermore, the Aquino regime has allocated at least P40 billion for the AFP's modernization program in the next five years. In support of the AFP's "modernization program", the US government has extended its Excess Defense Articles program to provide the Phlippine military access to US military equipment.

With the Aquino regime already laying the ground for the scuttling of the peace negotiations, the Filipino people must prepare for the escalation of the reactionary war of suppression. Military abuses, human rights violations and state brutality under the Aquino government are bound to worsen as the ruling system sinks from one deep crisis to another.

The Filipino people have no other recourse but to intensify their revolutionary armed struggle and democratic mass resistance. They must strengthen their will and militancy in the face of escalating state terrorism. They must actively expose and vigorously oppose military abuses and violations of human rights. They must shield their schools and their homes from military occupation. Through collective struggle, they must drive away the armed fascists from their communities and combine this with the intensification of their antifeudal and anti-imperialist struggles.

The revolutionary forces will continue to engage the GPH in peace negotiations as long the GPH shows serious intent and willingness to talk within the framework set by The Hague Joint Declaration and respect and abide by all previous agreements.

At the same time, in the face of the escalation of the Aquino regime's war of suppression, the Communist Party of the Philippines directs the New People's Army (NPA) to continue intensifying guerrilla warfare in order to defend the people against the fascist onslaughts and brutalities of the AFP. This is also a response to the call of the CPP to fulfill the requirements for advancing to the next higher stage of people's war.

The NPA must recruit more Red fighters and seize more weapons from the enemy. It must carry out one tactical offensive after another in order to disrupt and defeat the AFP's counterrevolutionary campaign of suppression.


----------------

Pilipino translation

Maghanda para sa pagpapaigting ng digmang mapanupil ng rehimeng Aquino
Batay sa mga kilos at pahayag ng gubyerno ng Pilipinas (GPH) at mga kinatawan nito nitong huling mga linggo, lumilinaw na determinado ang rehimeng Aquino na tapusin na ang pakikipagnegosasyon nito sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at ibayong paigtingin ang digmang mapanupil nito sa ilalim ng Oplan Bayanihan na dinisenyo ng US.

Nawalan na ng interes ang GPH sa usapang pangkapayapaan nito sa NDFP matapos itong mabigo na gamitin itong instrumento sa pasipikasyon. Nanindigan ang negotiating panel ng NDFP na ang mga kasunduang pinasok ng GPH at NDFP ay dapat sundin ng dalawang panig at obligado ang GPH na tumalima sa mga dati nang kasunduan, kabilang ang The Hague Joint Declaration of 1992, ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) at ang Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Sa kumpas ng kanilang mga Amerikanong tagapayo sa counterinsurgency, mariin ang pagtanggi nina Benigno Aquino III at kanyang negotiating panel na tumalima sa mga kasunduan, kabilang na ang Oslo Joint Statements noong Enero at Pebrero 2011 kung saan nakiisa ang GPH na pabilisn ang proseso ng pagpapalaya sa di bababa sa 17 konsultant ng NDFP na kasalukuyang nakakulong sa piitan ng GPH. Bukod pa ito sa pagpapalaya rin ng mahigit 350 bilanggong pulitikal. Tinatalikdan ng GPH ang mga kasunduan at nagmamatigas ito laban sa pagpapaloob sa mga pinagkaisahan. Inilagay pa nito sa bingit ng pagbagsak ang buong usapang pangkapayapaan nang ideklara nito na “wala nang bisa” ang JASIG.

Iilang buwan pa lamang ang nakararaan ay halatang-halata na, na ang tanging interes ng GPH ay gamiytin ang negosasyong pangkapayapaan nito sa NDFP upang mabitag ang mga rebolusyonaryong pwersa sa pagdedeklara ng sunud-sunod na mga tigil-putukan kahit hindi nareresolba ang mga usaping sosyo-ekonomiko at pampulitika na nasa ugat ng armadong tunggalian.

Walang naipakitang kahit katiting na interes si Aquino na lutasin ang ugat ng gera sibil. Ang tanging gusto niya ay durugin ang mga rebolusyonaryong armadong pwersa at tapusin ang paglaban ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng armadong pagsupil. Di bababa sa 50 biktima na ang pinapaslang sa panibagong bugso ng ekstrahudisyal na pagpatay ng mga aktibista sa ilalim ng rehimeng Aquino. Paulit-ulit na ring gumagamit ng dahas ng estado para supilin ang mga demonstrasyon at pakikibakang masa.

Ang Oplan Bayanihan ay salot na nananalasa sa kanayunan. Dito'y nagsasagawa ang AFP ng paniniktik, mga operasyong sibil-militar at mga operasyon para tugisin at lipulin ang mga rebolusyonaryong pwersa. Tinatarget din nito ang buu-buong mga komunidad, laluna yaong mga lumalaban sa mapangwasak na mga operasyong pagmimina. Ang mga komunidad na aktibong nagtatanggol sa kanilang karapatan sa pulitika, ekonomya, kapaligiran at kultura ay awtomatikong pinaghihinalaan ng AFP na sumisimpatya sa Bagong Hukbong Bayan at isinasailalim sa mga operasyon ng Oplan Bayanihan.

Gamit ang karatula ng “kapayapaan at kaunlaran,” pinaiigting ng pasistang AFP ang militarisasyon sa kanayunan. Iniiwan nitong duguan ang mga lugar na sinalanta nito sa dami ng mga paglabag sa karapatang-tao. Ipinaiilalim sa batas militar ang buu-buong mga baryo. Taliwas sa mga probisyon ng pandaigdigang makataong batas, nagtatayo ang mga sundalo ng mga detatsment sa mga sentrong baryo. Inookupa nila ang mga paaralan, barangay hall at iba pang pasilidad ng mga sibilyan. Pinipilit nila ang mga residente na magbigay ng kahoy at iba pang materyales at magtrabaho nang libre para itayo ang mga detatsment ng militar. Ang mga kabataang magsasaka ay pinipilit ding maggiya sa mga operasyong pagtugis at paglipol ng AFP.

Naghahari ang teroristang lagim ng AFP sa malalawak na bahagi ng kanayunan. Nilalabag ng mga reaksyunaryong tropa ang karapatan ng libu-libong mamamayan sa kanilang pagpapataw ng mga blokeyo sa pagkain at kabuhayan, paghingi ng mga ID bago payagang maglakbay ang mga residente, pagkitil sa kanilang karapatang magtrabaho sa kanilang mga sakahan at paglimita sa mga kalakal na maaari nilang bilhin. Tinatakot nila ang mamamayan para pilitin silang tukuyin ang mga lokal na maslider at aktibista. Ginagamit nilang pantabing sa kanilang mga operasyong militar ang mga “medical mission” at sumasakay sila sa programang palimos ng DSWD para mailihis ang mamamayan mula sa landas ng pakikibaka.

Binibigyang-prayoridad ng rehimeng Aquino ang Oplan Bayanihan sa kapinsalaan ng mga serbisyong panlipunan. Sa panukalang badyet para sa 2012, naglaan ang rehimen ng dagdag na `28.7 nilyon para sa mga operasyong kontra-gerilya ng Philippine Army. Pero kinaltasan nito ang badyet ng mga pampublikong kolehiyo at unibersidad nang di bababa sa P230 milyon at ang mga pampublikong ospital nang di bababa sa P400 milyon. Para suportahan ang “programang modernisasyon” ng AFP, pinalawig ng gubyernong US ang Excess Defense Article Program nito para makakuha ang AFP ng mga kagamitang militar mula sa US.

Dahil inilalatag na ng rehimeng Aquino ang daan para sa pagtatapos ng usapang pangkapayapaan, dapat paghandaan ng mamamayang Pilipino ang pag-igting ng reaksyunaryong digmang mapanupil. Tiyak na titingkad ang mga pang-aabusong militar at paglabag sa karapatang-tao at titindi ang dahas ng estado sa ilalim ng gubyernong Aquino habang humaharap ito sa papatinding krisis.

Walang ibang masusulingan ang mamamayang Pilipino kundi ang patindhin ang kanilang rebolusyonaryong armadong pakikibaka at mga demokratikong paglaban. Dapat nilang palakasin ang kanilang kapasyahan at militansya sa harap ng tumitinding terorismo ng estado. Dapat aktibo nilang ilantad at mariing tutulan ang mga pang-aabusong militar at mga paglabag sa kanilang karapatang-tao. Dapat nilang ipagtanggol ang kanilang mga paaralan at tahanan mula sa militar na sumasakop sa kanilang mga komunidad. Sa pamamagitan ng kolektibong pakikibaka, dapat nilang palayasin ang mga armadong pasista mula sa kanilang mga komunidad at kasabay nito'y paigtingin ang kanilang mga pakikibakang antipyudal at anti-imperyalista.

Patuloy na makikipagniig ang mga rebolusyonaryong pwersa sa GPH sa usapang pangkapayapaan hangga't may ipinapakitang kaseryosohan ang GPH na makipagnegosasyon sa balangkas na itinakda ng The Hague Joint Declaration at tatalima ito sa lahat ng mga dating kasunduan.

Sa harap ng pag-igting ng digmang mapanupil ng rehimeng Aquino, ipagpapatuloy ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan ang pagpapaigting ng pakikidigmang gerilya sa buong kapuluan upang matupad ang mga rekisito para maisulong ang digmang bayan sa mas mataas na antas. Dapat magrekrut ang Pulang hukbo ng mas marami pang mandirigma at umagaw ng mas marami pang sandata. Dapat itong maglunsad ng sunud-sunod na mga taktikal na opensiba upang madiskaril at magapi ang kontra-rebolusyonaryong kampanyang mapanupil ng AFP.