Tanim na Ahente ng Pasistang PAF ng 730th Combat Group siningil ng NPA!

Apolinario Matienza
Eduardo Dagli Command - NPA Batangas
September 7, 2011

Siningil ng mahal ng Bagong Hukbong Bayan sa Ilalim ng Eduardo Dagli Command ang isang tanim na ahente ng ISAFP na si Rading de Guzman na taga Barangay Putol, Tuy Batangas. Isinagawa ngayong ika-7 ng Setyembre 2011 na mga bandang alas 9 ng umaga. Isang isnayp komando ang ginawang na tipo na operasyon na isang bala lang ang ginamit . Si Rading de Guzman ay kasamahan ni Sgt. Mike Toledo na isang ISAFP ng 730th Combat Group ng PAF.

Hindi malilimutan ng rebolusyonaryong kilusan ang ginawang pagpapahamak nito sa 3 mandirigma ng BHB noong Marso 13,2006 at sa pagkapaslang sa isang masa( Crisanto Macatigbak) at pagkadukot sa kapatid nito(Val Macatigbak) na parehong residente ng barangay Rillo ng Tuy, Batangas. Pinagkatiwalaan paghabilinan si Rading de Guzman ng mga kasama ng 5 riple na matataas ang kalibre dahil sa naging magandang pakikitungo nito sa atin. Pero noong kukunin na sa kanya ng mga kasama ang mga patagong baril ay patraydor niya itong isinuplong sa yunit ng 730th Combat Group ng PAF na nakadestino sa sityo Palico sa barangay Bilaran, Nasugbu batangas. Mga bandang alas dose ng gabi noong habang sakay ng isang kotse papalapit sa bahay na ka text si Rading de Guzman ay pinaambus ni Rading de Guzman na laking platun ng 730th CG ng PAF ang isang tim ng BHB. Sa pangyayaring ito ay nakaligtas ang 3 kasama pero napatay kaagad nila ang isang masa na driver na si Crisanto Macatigbak. Mula sa cp, naiwan ng mga kasama sa ambus sayt ay na-isetup pa ang kapatid ng driver na si Val de Guzman na pumunta sa pinagyarihan. Si Val Macatigbak ay dinukot ng yunit ng 730th Combat Group ng PAF at maging ang tricycle ay kanilang itinago. Hanggang sa may isang tricycle na nahukay sa isang barangay na tabing dagat ng Sariaya, Quezon na kinumpirmang pagaari ni Val Macatigbak. Ang hindi pa maganda dito ay pinalabas nilang ang may kagagawan ng pagdukot ay ang yunit ng BHB ng Batangas. Ang mga armas na patago ng mga kasama kay rading de Guzman na naisurrender sa yunit ng 730th Combat Group ay isang Baby Armalyte, dalawang Regular na M16, isang Infant at isang Galil. Kapalit ng kanyang pagpapahamak ay may nakakubra ito ng malaking halaga at ang isang baril na nakumpiska ng PAF na iniregalo sa kanya. Naging masigasig na asset ng ISAFP na iniuulat ang mga nababalitaang sayting ng mga kasama sa kanyang barangay sa Putol ng Tuy at sa barangay Dao ng Balayan gamit ang network niyang mga kamaganak.

Muling pinatunayan ng BHB ang kanyang lakas at kakayanan na maggawad ng parusang kamatayan sa sinumang may utang na dugo sa mamamayan at may mabigat na kasalanan sa rebolusyunaryong kilusan. Gaano mang kahigpit ang ibinigay na security ng yunit ng 730th Combat Group ay hindi siya nakaligtas sa iginawad na pamamarusa at nakamit na ang inaasam na katarungan. Ipinagbunyi ito ng pamilyang kanyang nabiktima at iba pang mamamayan apektado sa kanyang pagpapagamit.

Magsisilbing babala ito sa lahat ng mga asset o impormer na lumalaban sa rebolusyonaryong kilusan na huwag magpagamit sa pasistang militar katulad ng Berdugong 730th Combat Group ng PAF na nakadestino sa Kanlurang Batangas.