Ka Roger, pinarangalan ng Eduardo Dagli Command

NPA Batangas (Edgardo Dagli Command)
October 17, 2011

Pinarangalan ng New People’s Army-Eduardo Dagli Command si Ka Roger Rosal sa isang sonang gerilya sa Batangas noong Oktubre 15, 2011.

[Video]

Sa kabila ng operasyong militar, hindi napigilan ang mga kasapi ng NPA sa Batangas na bigyan ng pinakamataas na parangal at pagpupugay si Ka Roger. Bagama’t hindi naisagawa ang gun salute dahil sa kalagayang panseguridad, matagumpay pa rin nailunsad ng mga pulang mandirigma ang isang programa upang magbigay pugay kay Ka Roger.

Ayon Kay Ka Rod Mabini, tagapagsalita ng Eduardo Daglit Command, “May gun salute man o wala, hindi mababawasan ang pagtingin at paghanga kay Ka Roger na isang huwarang rebolusyonaryo, inilaan ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa masang inaapi, nararapat lamang na bigyan natin ng pinakamataas na parangal si Ka Roger, lalu’t higit dito sa kanyang bayang tinubuan”.