Maraming kaswalti ang 9th IB-PA at PNP sa sunud-sunod na labanan sa Masbate

NPA Masbate (Jose Rapsing Command)
November 21, 2011

Nobyembre 13_ Alas 3:00 ng hapon, hinaras ang detatsment ng Delta Coy sa Brgy Paguihaman sa bayan ng Uson.

Bago nito, alas 4:30 ng madaling araw nang tinangkang kubkubin ng isang platun ng 9th IB ang isang yunit ng BHB sa sityo one A, Brgy Matagbak sa bayan ng Milagros, ngunit mahusay na nakapanlaban ang mga pulang mandirigma. Sugatan ang dalawang elemento ng Philippine Army. Magiting na nakipagpalitan ng putok ang isang team ng BHB upang ligtas na makapagmaniobra ang kanilang mga kasamahan. Walang kaswalti sa hanay ng BHB, bagamat naiwan sa pinangyarihan ang ilang kagamitan.

Oktubre 24 ng gabi _ Inatake ng BHB ang headquarters ng Charlie coy ng 9th IB sa
sa Brgy Pawican sa bayan ng Cataingan. Apat na militar ang namatay.

Oktubre 25 _ Alas 7:00 ng umaga, pinaputukan ng BHB ang military vehicle ng Charlie coy sa Sigsag sa poblacion ng Palanas. Tatlo ang sugatan sa militar.

Ang nabanggit na tropa ng Charlie Coy ay nagsasagawa ng CMO operations, naglunsad sila ng sunud-sunod na seminar sa mga estudyante sa high school, na siyang pinu-pokusan nila sa recruitment ng dagdag na tropa ng AFP sa isla ng Masbate.

Oktubre 15 – Alas-12:00 ng hatinggabi, nireyd ng BHB ang detatsment sa Crossing, Brgy Pasig sa bayan ng Claveria. Namatay si Sgt Cioco, at nasugatan ang apat na elemento ng Philippine Army at CAFGU.

Oktubre 8 – Alas 7:00 ng umaga, inambus ng isang team ng BHB ang dalawang elemento ng military intel na sina Junie Mitra at Rodolfo Belsa sa sityo Dao, Brgy canares sa bayan ng Batuan na nasa isla ng Ticao. Nasamsam kay Mitra ang isang kalibre 45, dalawang magasin at mga bala, at nasamsam naman kay Belsa ang mga intel documents.

Nililinaw ng Jose Rapsing Command ng BHB-Masbate na hindi target ng kanilang mga taktikal na opensiba ang mga empleyado at personahe ng Department of Health (DOH) at iba pang civilian-government agencies. Hinihikay ng rebolusyonaryong kilusan ang mga doktor at medical personnel na maghatid ng serbisyo sa mamamayan sa malalayong lugar, ngunit pinapaalalahan silang huwag sumabay sa mga militar, at huwag sumakay sa mga military vehicles upang hindi sila malagay sa panganib. Huwag silang magpapagamit sa mapanlinlang na CMO operations ng AFP sa ilalim ng Oplan Bayanihan.

Partikular sa pangyayari noong Oktubre 6 sa Brgy Sto Nino sa bayan ng Monreal,
ang target lamang ng BHB ay ang mga armadong elemento na nagsagawa ng combined CMO operations ng Regional Mobile Group (RMG) at PNP Monreal na papunta sa Brgy Tiguron.
Pinaputukan ng BHB ang mga elemento ng RMG na nakasakay sa bangka, malapit sa Brgy Sto Nino. Dalawang elemento ng RMG ang nasugatan.

Hindi target ng BHB ang mga doktor ng DOH. Nakasakay sila sa hiwalay na mga bangka at malayo ang distansya nila sa mga bangka ng RMG na selektibong pinaputukan ng BHB.