SUICIDE, moromoro lamang ng 740th Combat Group ng PAF sa ekstra hudisyal na pagpatay kay Hernando Villarin Sabiya alyas Ka David ng NPA BATANGAS

Apolinario Matienza
Eduardo Dagli Command - NPA Batangas
November 10, 2011


Isang malaking pambabaluktot ang ipinalabas ng 740th Combat Group ng PAF ng kanilang nachekpoint sina Ka David kasama ang ex mayor ng Alaminos Laguna at private driver ng bandang alas 3: 45 ng hapon noong Nobyembre 7 . 2011. Ang kanilang palabas ay nagsarili na magbaril si Ka David nang masukol nila sa chekpoint sa isang lugar sa brgy San Rafael bayan ng Sto. Tomas.

Ang ganitong maniobra ay upang pagtakpan ang kanilang malalang paglabag sa karapatang pantao ni edwin villarin sa makatwirang proseso ng paglilitis. Papuntang Maynila ng harangin ang sasakyan ng mga ito upang magpagamot dahil sa naging epekto ng pagkatorture dito noong January 2010, na nagdulot ng matinding sakit sa ulo nito na kailangang maoperahan. Taliwas sa pahayag ng PAF na suicide ang naganap,agad na pinosasan ng mga ito ang driver,pinadapa ang dating alkalde na si Sam Bueser at kinuha si Edwin sa likuran ng sasakyan wala na anumang gamit at dinala sa harapan ng sasakyan ilang saglit pa ay may putok na narinig.Ang sabi ng PAF ay nagsuicide ito.Kung susundin ang ganitong teorya nila,paano makakapagbaril sa sarili si Edwin kung noong kunin nila ito ay walang bitbit na baril?

At hindi ba SOP sa humuhuli ay samsamin ang baril? At kung meron man itong baril bakit ang sarili ang babarilin at hindi ang humuhuli sa kanya.Malaking kasinungalimhan ang palabas na ito kung kaya't ang mga rumespondeng police ay hindi nila mapilit na mapapirma bilang testigo sa palabas nilang suicide ang naganap.Ang palabas na ito ay upang maghugas kamay lamang ang PAF sa matinding paglabag na ito.

Kung mayroon mang pananagutan sa batas si Hernando Villarin Sabiya alyas “ka David” marapat lamang na ito ay idaan sa tamang proseso ng paglilitis.NPA man ito o sibilyan. Isa na naman itong halimbawa ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa panahon ng Oplan Bayanihan ni PNOY na ang instrument ay ang mga pasistang PAF sa ilalim ng SPOW ( Special Operation Wing) na under ang dalawang Combat Group 740th at 730th sa lalawigan ng Batangas . Taliwas sa pangako ni Noynoy na “Tuwid na Daan” dapat maging sensitibo sa mga karapatang pantao. Ano at bakit ganito pa rin ang nagaganap? Tila walang pagbabago sa kanyang sinundang rehimen na pasista sa kaibuturan.

Hindi nalalayo na ang pangyayaring ito ay sapitin ng sinumang mamamayang na nakikibaka para sa kanilang mga kagalingan at karapatan. Kung ang lahat ay pwede nilang paslangin at hindi igalang ang karapatan ng mga ito. Katulad nito ang matinding militarisasyon at pananakot sa mga mamamayan na nakikipaglaban sa kanilang sakahan,halimbawa nito ay ang naganap kay Louie Gonzalez na binaril sa Lucsuhin ng Calatagan,isang araw matapos mapatay si Hernando Villarin Sabiya .Si Louie ay kapatid ng isa ding biktima ng political killings noong February 2009 na si Willy Gonzalez na hanggang ngayon ay wala pa din hustisya..Kaugnay pa nito ay ang tuloy tuloy na pananakot ng militar sa barangay Balibago ng Calatagan,na ang mga lider dito si Jommel Igananay inaakusahan na myembro ng NPA o di kaya ay may ugnayan sa NPA.
Kung ganito ang ginagawa ng mga militar sa mga lugar na may pakikibaka, hindi na katakataka na isang araw ang mga lider na ito ay mabalitaan natin na binaril at palalabasin nila muling nagsuicide.

Ang laban na ito ay laban ng buong mamamayan sa nagaganap na matinding pasistang atake sa mga mamamayan.Lalo lamang tinuturuan ng gobyerno na mag armas ang mamamayan,kung sa tuwing silay makikibaka ay karahasan ang iginaganti sa kanila.