Dalawang magkasunod na hagis-granada, isinunod na atake ng BHB-Batangas sa pasistang PAF sa bayan ng Calatagan at Lian

Apolinario Matienza
NPA Batangas (Eduardo Dagli Comand)
January 27, 2012

Dalawang mapangahas na hagis Granada sa kampo at detachment ng 732nd Combat Squadron ng PAF ang isinunod na atake ng BHB Batangas sa ilalim ng Eduardo Dagli Command . Isinagawa ang unang hagis ng 2 Granada sa kampo ng 732nd Combat Squadron na matatagpuan sa Brgy Biga, ng Calatagan noong ika-25 ng Enero mga bandang ika-9 ng gabi na nagtamo ng pakasira ng isang kubo at nagkaroon ng ilang sugatan sa hanay ng PAF. Sinundan ito noong sunod na gabi nang hagisan ng 2 granada ang detachment ng 732nd sa Brgy. Matabungkay, Lian noong ika-26 ng Enero 2012.

Isinusuka ang mga pasistang PAF na ito ng mga mamamayan ng Calatagan dahil instrumento sila ng pananakot at pandarahas ng dalawang malaking PML at Burgesya Kumprador na sina Zobel at Danding Cojuangco. Ang pamilya Zobel ang halos nagmamay-ari ng buong Calatagan at maging ang 2,000 libong ektarya ng lupa sa baybayin dagat ng Calaagan ay nailusot nilang napatituluhan. Nakibaka ang mamamayan dito at nagkaso sa korte na umabot hangang Korte Suprema. Ang desisyon ng Korte Suprema noong panahon ng punong mahistrado na si Teehankee ay pabor sa mga mamamayan. Pero naibenta pa rin ni Zobel ang mga lupa na kanyang lubos na pinagkitaan. Hanggang sa kasalukuyan nakikibaka pa rin ang mamamayan dito sa kanilang pondohan, tirikan at sakahan sa baybay dagat. Samantalang nakaamba naman ang pagtatayo ng pabrika ng semento mula sa mina ng _limestone_ kung saan mayaman ang bundok ng Calatagan na siyang pinag-iinteresan ni Danding Cojuangco sa ilalim ng kanyang kumpanya na Asturias Mining. Magsisimula ito sa Brgy. Baha at Talibayog at sasaklaw pa ng 6 pang barangay na karatig nito. Nilalabanan ito ng mga mamamayan dito dahil sa lilikhain polusyon, pagkakalbo ng kanilang bundok na magdudulot ng pagbaha na pwedeng ikawasak ng kanilang tahanan sa panahon malakas na pag-ulan. Hindi papayag ang mga ganid na mga PML at burgesya kumprador na ito na lumakas ang rebolusyonaryong kilusan na ipupundar ng Bagong Hukbong Bayan na alam nilang makakapigil sa kanilang makitid at makauring interes. Malinaw ang papel ng pagtatayo ng kampo ng PAF dito na paatrasin ang paglaban ng mamamayan at anumang oras ay handang mamasista para paglingkuran ang kanilang amo na si Pnoy na kauri sina Zobel at Cojuangco.

Ang ikalawang hagis-granada naman ay isinagawa sa isang laking iskwad ng 732nd na nakadestino sa Brgy. Matabungkay, Lian noong ika-26 ng enero 2012 mga bandang ika-11 ng gabi. Dito nakapinsala ng kanilng detachment na nagtamo ng isang patay at ilang sugatan. Ang reklamo naman ng mga mamamayan dito ay nangongotong sa mga resort at mga mangingisda dito. Isa pa ay madalas na pagpapaputok na ikinatatakot ng mga residente at resort owner dito.

Sa dalawang magkasunod na hagis-granadang ito ay malihim na naisagawa at nakaatras ang maliit na tim ng ligtas dahil sa mahusay sa pagtulong ng mamamayan ng Calatagan at Lian na namulat ang malinaw na mga PAF na ito ay kaaway at mga sunud-sunurang pasista ng uring PML at burgesya kumprador. Ikinatuwa ito ng mga mamamamayan at lalong nagbigay ng inspirasyon sa kanila para pahigpitin at palakasin pa ang militanteng pagban para sa kabuhayan, tirikan, pondohan at sakahan.