Statement of NDF Metro Manila on the demolition in Corazon de Jesus, San Juan

Liliosa Sumilang
NDF – Metro Manila
January 15, 2012

The National Democratic Front (NDF) Metro Manila salutes the valiant, determined and organized resistance against the demolition of the urban poor people of Corazon de Jesus, San Juan. Bearing the red flag, the residents resolutely defended their homes and their barricade from the forces of the police, SWAT, demolition team, bulldozer, water cannon, high-powered firearms and teargas. Despite losing their homes, the residents even refused the relocation offered by the local government. Most of the residents now temporarily live in a shelter with the help of church workers. Meanwhile, the hundreds of families who remain in Corazon de Jesus gear for another stage of their resistance. In the face of greater oppression, upholding their dignity is one triumph of the poor when they choose the path of struggle.

The NDF Metro Manila vehemently condemns the brutality of the Aquino regime and the local government of San Juan. The state gathered its forces to enforce a violent and inhumane demolition on January 11, 2012 to forcibly displace hundreds of families. The residents were unarmed; they used only what is available in their community to defend themselves. Even before the demolition, the residents have had a taste of state fascism: from psywar, deployment of military in the community, intelligence operations against the youth to filing of trumped up cases and arbitrary arrests of leaders. What the reactionary government thought to be the deathly blow to the struggle served only to inflame the fight of the residents of Corazon de Jesus and give inspiration to the oppressed all over the country to organize themselves, rise up and fight.

The Aquino government has only prolonged and deepened the misery of the urban poor who experienced successive violent demolitions in his short time in office. This is no different to the brutality Aquino and his family has displayed against farmers pushing for genuine agrarian reform. Aquino, like the Ejercitos, cannot admit defeat and hunts down dissenters even after the fight or after they have lost. They do this in the name of business and profit of a few, at the expense of the homes and lives of the people. Public-private partnerships in Metro Manila such as the city hall and commercial center in San Juan are purely for business and for repayment of debt of gratitude of Aquino and local reactionary to their friends and benefactors who helped put them in office. Expect the state to use an iron hand to execute pending demolitions in more urban poor communities such as North Triangle, Pangarap Village, Welfareville, Freedom Island, etc. The government is brutal and indifferent to the poor. This is why the poor are now awakened and they want to fight.

The revolutionary resistance of the urban poor continues and ever burns. The violence of poverty and fascism of the state has urged the youth and urban poor to join the armed struggle and take up arms in the countryside. The countryside is the rear base for a heightened battle against the oppressors of the people. Joining the armed struggle in the countryside remains an option for the poor to engage in a life-and-death struggle to end the moribund system of society and replace it with a society that champions the interests and needs of the people.

___________________________________

Pahayag ng NDF Metro Manila sa marahas na demolisyon sa San Juan

Liliosa Sumilang
Enero 15, 2011

Nagpupugay ang NDF Metro Manila sa magiting, determinado at organisadong paglaban sa demolisyon ng mga maralitang mamamayan ng Corazon de Jesus, San Juan. Bitbit ang bandilang pula, matatag na ipinagtanggol ng mga mamamayan ang kanilang barikada at kabahayan sa puwersa ng pulis, SWAT, demolition team, bulldozer, water cannon, de-kalibreng mga baril at teargas. Matapos ang demolisyon, maging ang alok na relokasyon ay mariiin din nilang tinanggihan. Ang kalakhan ng mga nawalan ng tirahan ay pansamantalang lumipat sa “shelter” sa tulong ng mga taga-simbahan. Habang ang daan-daan pang pamilyang nananatili sa Corazon de Jesus ay naghahanda para magkasa muli ng panibagong antas ng laban. Pinatutunayan ng paglaban ng mamamayan sa Corazon de Jesus na mananaig ang pagkakaisa at mapagpasyang paglaban ng mamamayan sa anumang puwersang hinaharap ng reaksyunaryong estado. Sa gitna ng higit pang pagyurak at pambubusabos, isang tagumpay ng masang anakpawis kapag sila ay lumalaban ay ang pagtindig ng kanilang dignidad.

Mariing kinokondena ng NDF Metro Manila ang brutalidad ng rehimeng Aquino at ang lokal na gobyerno ng San Juan sa naganap na demolisyon sa Corazon de Jesus noong Enero 11, 2012. Tinipon ng estado ang kanyang puwersa para ipatupad ang marahas at ‘di makataong demolisyon para sapilitang mapalayas ang daan-daang pamilya. Ang mga residente ay hindi armado, gamit lamang nila ang anumang matatagpuan sa komunidad para depensahan ang kanilang mga sarili. Bukod dito, bago pa man ang demolisyon ay pinaranas na ng estado ang pasismo sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na psywar, pananakot ng mga pulis, deployment ng armadong militar, operasyong paniniktik sa mga residente, pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso at arbitraryong pang-aaresto sa kilalang mga lider. Ngayon, ang inaakala nilang pamatay na dagok sa laban ng maralita ay nagsilbi lamang para pag-alabin ang paglaban ng mga taga-Corazon de Jesus at bigyang inspirasyon ang maralita sa buong bayan para iorganisa ang kanilang mga sarili, manindigan at lumaban.

Ibayong pagpapahirap ang dulot ng rehimeng Aquino sa maralitang lungsod na nakaranas ng sunod-sunod na mga marahas na demolisyon mula sa kanyang pagkakaupo sa puwesto. Katulad din ito ng brutalidad ng Hacienderong Pangulo sa mga magsasakang lumalaban para sa tunay na reporma sa lupa. Si Aquino, gaya din ng mga Estrada ay mga benggador na tumitira patalikod at tinutugis pa ang mga maralitang lumalaban kahit pa tapos na ang laban o sila ay talo na. Negosyo ng iilan at hindi serbisyo sa mamamayan ang pangunahing layunin ng mga public-private partnership gaya ng itinatayong city hall at commercial center sa San Juan. Ang mga public-private partnership sa buong Kamaynilaan ay pawang mga negosyo, pambayad utang o utang na loob ng rehimeng Aquino at ng mga iba pang reakyunaryo tulad ng mga Ejercito/Estrada, Tiangco, atbp sa kanilang mga kaibigan at kasosyong tumulong magluklok sa kanila sa puwesto. Asahan ang paggamit ng kamay na bakal ng estado para maipatupad ang marami pang nakaambang demolisyon sa Kamaynilaan, gaya sa North Triangle, Pangarap Village, Welfareville at Freedom Island. Brutal at tunay na walang malasakit sa mahihirap ang gobyerno. Kung kaya’t namumulat at lumalaban na ang mga maralitang lungsod.

Nagpapatuloy at lalong nag-aalab ang rebolusyunaryong paglaban ng mga maralitang lungsod. Laban ito sa higit pang pambubusabos sa kanilang kalagayan sa ginagawa ng estadong malawakan at mararahas na demolisyon o panununog sa mga maralitang komunidad, kawalan ng disenteng tirahan at ng kabuhayan. Ang kahirapan at pasismo ng estado ang tuluyang nagtutulak sa kabataan at maralitang mamamayan na tumungo sa kanayunan at lumahok sa armadong pakikibaka. Anumang abutin ng laban sa kalunsuran, nananatiling opsyon ng mga maralita ang paglahok sa armadong pakikibaka sa kanayunan upang tuluyang mapabagsak ang bulok na sistema ng lipunan at mapalitan ng lipunang kakalinga sa interes at karaingan ng mamamayang Pilipino.