Mga rapist na pwersa ng 9th IB, dapat parusahan

ANG BAYAN
21 February 2012

Download PDF
Kinundena ng GABRIELA ang panggagahasa ng pitong sundalo ng 9th IB sa isang 21 taong dalaga sa loob ng kampo militar nito sa Masbate noong Pebrero 12. Kinilala ng biktima ang mga nanggahasa sa kanya na sina Cpl. Gilbert Quinito alias "Jeric" at anim na iba pang kasapi ng Bravo Company na nakabase sa Barangay Puro, Aroroy, Masbate

Ayon kay Lana Linaban, pangkalahatang kalihim ng GABRIELA, dapat kagyat na imbestigahan ng mga kinauukulang ahensya ng gubyerno ang karumal-dumal na krimen. Binalaan ng GABRIELA ang Armed Forces of the Philippines na huwag makialam sa kaso para pagtakpan ang insidente at bigyang-proteksyon ang mga manggagahasa sa kanilang hanay.