Nabigong atake ng 16th IB laban sa BHB-Rizal, Isang sundalo patay!

Macario Liwanag (Ka Karyo)
NPA Rizal (Narciso Antazo Aramil Command)
February 24, 2012

Isang sundalo ang napaslang sa nabigong atake ng 16th IB laban sa mga pulang mandirigma ng Narciso Antazo Aramil Command ala-1:10 ng hapon, ika-19 ng Pebrero 2012 na naganap sa So. Kinabuan, Bgy. Sta Ines, Tanay, Rizal.

Pansamantalang nakahimpil noon ang yunit ng Bagong Hukbong Bayan nang salakayin sila ng nasabing tropa ng reaksyunaryong hukbo. Subalit ang planong atake ng pasistang sundalo ay naging opensiba laban sa kanila sapagkat aktibo silang nilabanan ng mga pulang mandirigma. Matapos matamaan ang isa nilang elemento ay mabilis silang nagsitakbo. Tumagal lamang nang 10 minuto ang labanan subalit ang mga takot na takot na sundalo ay walang habas na nagpaputok hanggang ika-4 nang hapon. Malayo na noon ang mga pulang mandirigma at ligtas silang nakaatras.

Ang nabigong yunit ng 16th IB ay pinangunahan ni Lt. Bagbag, samantalang ang nasawi ay si PFC Agcaoili. Sila ay binubuo ng 19 katao samantalang ang mga pulang mandirigma ay 12 lamang. Bago pa man ang pangyayari ay namonitor sila ng Bagong Hukbong Bayan na nagsasagawa ng combat operation.