Pahayag ng pagkondena ng RCTU-ST laban sa tumataas na kaso ng kriminalidad sa Laguna

Fortunato Magtanggol
RCTU - Southern Tagalog
March 20, 2012

Mariing kinokondena ng buong rebolusyonaryong pwersa ng uring manggagawa sa Timog Katagalugan, sa ilalim ng Revolutionary Council of Trade Unions, ang pagtaas ng kriminalidad sa lalawigan ng Laguna. Walang ibang dapat sisihin kundi ang reaksyunaryong rehimeng US-Aquino sa papataas na bilang ng mga pagpaslang, panggagahasa, at paglabag sa karapatang pantao.

Tumambad sa midya ang sunud-sunod na mga krimeng naganap sa Laguna nitong mga nakaraang buwan. Nitong Pebrero 14, binugbog ng mga elemento ng 1st Infantry Battalion ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army ang isang sibilyan sa Liliw. Gayundin ang nangyari kay Romeo Guyala, isang pulis-barangay, at kanyang anak sa Majayjay nang pagsusuntukin sila ng mga pwersa ng militar.

Dalawang araw makalipas ang pang-aabuso ng mga militar sa magkahiwalay na lugar, limang sibilyan naman ang pinagbabaril ng mga elemento ng 1st Infantry Battalion, 1st Special Forces Battalion, 59th Infantry Battalion at CAFGU-CAA sa Magdalena, Laguna. Dalawa ang namatay, habang dalawa rin ang sugatan sa walang pakundangang pamamaril ng mga militar.

Matatandaan na noong Oktubre ng nakaraang taon, naibalita din ang pagpaslang at panggagahasa kay Given Grace Cebanico, 19 anyos, mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Nasundan ito ng pagpaslang at panggagahasa sa isang menor-de-edad na estudyante ng Los Banos National High School, si Rochel Geronda. Makalipas ang ilang araw, pinaslang naman si Rey Bernard Peñaranda, mag-aaral ng kursong Agrikultura sa UPLB. Ilang oras matapos ang pagpaslang kay Peñaranda, pinatay naman si Rey Tamayo, 32 anyos na residente ng Los Baños, Laguna.

Walang tigil ang ganitong tipo ng balita, sapagkat makalipas ang humigit-kumulang isang linggo, isang estudyante naman ng UP Open University ang pinasok at sinaksak sa loob ng sarili niyang inuupahang apartment sa Los Banos.

Noong Pebrero, natagpuan ang bangkay ng isang guro ng pampublikong paaralan sa isang bakanteng lote sa Victoria Laguna, kalapit-bayan ng Los Baños.

Marami pang katulad na kaso ng pagpatay at pagnanakaw ang naitala sa mga nakaraang buwan at taon sa Laguna. Hindi maitatanggi ang presensya at direktang pagkakasangkot ng mga kapulisan na kasangkapan ng inutil na gobyerno sa pag-atake sa mamamayan. Inilantad ito mismo ni Tyrone Terbio, isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Peñaranda, sa pamamagitan ng mga salaysay hinggil sa proteksyong ibinibigay ng walong kapulisan.

Kabilang ang isang police inspector, tatlong private officers at dalawang senior police officers, nagsisilbing mastermind ang mga pulis sa pagtuturo sa mga kabataang nasasangkot sa pagnanakaw, panghoholdap, pamamaslang at panggagahasa. Target diumano nila ang pagnanakaw ng mga laptop at cellphone, na siyang ibinebenta naman sa mga kabataang Moro o dayuhang estudyante, na kalaunan ay kinikikilan matapos maframe-up sa kasong fencing.

Idinadawit din ng kapwa-pulis ang dating tagapagsalita ng NCRPO sa pagkidnap at pagpatay sa isang negosyante sa San Pedro, Laguna nitong Pebrero.

Habang ang mga kapulisan ang itinuturong mastermind sa likod ng mga pagnanakaw sa UPLB, ang mga militar sa ilalim ng anti-mamamayang programang Oplan Bayanihan naman ang utak sa walang habas na paglabag sa karapatang pantao at mga kriminal na aktibidad sa iba’t ibang bahagi ng Laguna. Napakaraming pwersang militar at pulisya ang mismong sangkot sa pagnanakaw, panggagahasa at pagpaslang sa mga lugar kung saan pinatutupad ang Oplan Bayanihan.

Sa mga panahong nagsasagawa ng Civil Military Operations sa mga barangay, walang kahihiyan na nilalabag ng mga militar ang karapatan ng mamamayan.

Sa pagbibigay ng “proteksyon”, ang mga militar at pulisya din ang nagtutulak sa mga mamamayan upang gumawa ng kriminal na aktibidad tulad ng pagtutulak ng droga, prostitusyon, kidnap, pagnanakaw, “guns for hire”, at iba pa.

Sa mga ganito, ipinakikita ang tunay na kulay ng pwersa ng rehimen—reaksyunaryo at hindi nakatuon sa pagpapanatili ng kaayusan gaya ng kanilang sinasabi.

Karahasan at kriminalidad laban sa manggagawa

Hindi na bago ang ganitong mga isyu sa mga manggagawa sa lalawigan ng Laguna at buong rehiyon na matagal nang nakaranas ng kriminalidad sa kamay ng kapitalista at mga pwersa ng estado gaya ng kapulisan at militar. Lalong tumindi ito sa pagpapatupad ng Oplan Bantay Laya I at II ng dating rehimeng Arroyo at ipinagpapatuloy din ngayon sa Oplan Bayanihan ng rehimeng Aquino.

Sa nakalipas na dekada, walang ibang itinuturong utak at salarin kundi ang pulis at militar sa mga kaso ng pagpaslang sa tulad nina Diosdado Fortuna ng Nestle Philippines, Edward Panganiban ng Takata, Gerardo Cristobal ng EMI-Yazaki, Carlo Rodriguez ng Laguna Water District, at marami pang mga lider-unyonista sa rehiyon.

Sa tabing ng mga anti-criminalization campaigns, na nakatono sa kampanyang anti-terorismo ng estado, ligal na mailulunsad ng mga pulisya at militar ang mga “saturation drives” sa mga komunidad, pagawaan, at paaralan, at iba pang pandarahas laban sa mga lehitimong pagkilos at demokratikong karapatan ng mga manggagawa at mamamayan.

Sa paglikha ng kasalukuyang senaryo ng papatinding kriminalidad, layunin ng rehimen na ilagay sa kontrol ng mas mataas na presensya ng kapulisan at ibayong militarisasyon ang sentrong urban ng lalawigan at buong rehiyon. Sa kabalintunaan, gagawa ng solusyon ang rehimen na siya naman din ang may pakana at dahilan na lantarang sumasabog sa kanyang mukha at naglalantad sa kanyang tunay na layunin.

NPA: Tunay na hukbo ng mamamayan
Revolutionary Council of Trade Unions
(Southern Tagalog)
National Democratic Front of the Philippines

PAHAYAG
Marso 20, 2012

Reference:
Fortunato Magtanggol
Tagapagsalita, RCTU-ST
rctu.st@gmail.com

Pahayag ng pagkondena ng RCTU-ST
laban sa tumataas na kaso ng kriminalidad sa Laguna

Sa hayagang pagkabulok ng rehimen at ng kanyang mga pwersa tulad ng pulisya at militar, patuloy ang pagkawala ng tiwala dito ng sambayanan.

Bilang pwersang pang-militar, pampulitika, pang-ekonomiya, at pangkultura, nasa mataas na prestihiyo ang New People’s Army (NPA) sa pagtataguyod ng interes ng sambayanan, di hamak na napakalayo kumpara sa pagkabulok at pagkaagnas ng reaksyunaryong hukbo ng rehimen. Patunay ang pagsapi at tuluy-tuloy na pagsapi sa NPA ng maraming magsasaka, kabataan, manggagawa, maralita at iba pa bilang pagtataguyod at pagtatanghal nila sa kanilang tunay na hukbo.

Sa nakalipas na 43 taon, determinado ang rebolusyonaryong NPA, sa absolutong pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas, na durugin ang buong makinarya ng reaksyunaryong estado at itatag sa malapit na hinaharap ang lipunang tunay na maglilingkod sa interes at kapakanan ng manggagawa at mamamayan.#