Oplan Bayanihan: Dagdag na Pahirap sa mga Magsasaka

Julian Sadiri
PKM-Ilocos
April 16, 2012

“Ipatupad ang Tunay na Reporma sa Lupa!
Makatarungang presyo para sa produkto ng magsasaka!
Wastong presyo sa mga kagamitan sa pagsasaka!
Makatarungang sahod para sa mga manggagawang- bukid!
Matamang serbisyo ng gubyerno para sa agrikultura!”


Ang mga kahilingang ito ng uring magsasaka ay patuloy na dumadagundong sa kanayunan. Ang pagtatamo ng mga ito ang ugat ng patuloy na digmang magsasaka.

Sa totoo, ang suliranin sa lupa ang nagtakda sa iba’t ibang pag-aalsa na nakita sa kasaysayan.  Mula sa pagkasakop sa bayan ilang daang taon na ang nakaraan, ang pagsasakatuparan sa tunay na reporma sa lupa ang sentro ng pakikibaka ng magsasaka.  Inaasam-asam pa rin ng milyun-milyong magsasaka na magkaroon ng sasakahing sariling lupa. Malaganap pa rin ang mataas na upa sa lupa.  Minimithi pa rin nila hanggang ngayon na makahulagpos mula sa napakataas na interes sa utang na umaabot pa sa 130%, mababang presyon ng kanilang produkto, napakataas na presyo ng mga kagamitan sa pagsasaka at mababang sahod sa gawaing bukid.  Nananatili ring walang naaangkop na serbisyo at suporta ang gubyerno sa agrikultura katulad ng irigasyon, subsidyo, makinarya, angkop na teknolohiya, atbp.

Ang sagot ni Pnoy: Oplan Bayanihan

Sa halip na tugunan ng gubyerno ni asenderong Pnoy ang mga lihitimong kahilingan ito ng magsasaka, ang Oplan Bayanihan ang tinatambol upang mapatahimik ang boses ng magsasaka at masagkaan ang kanilang pakikipaglaban para sa tunay na reporma sa lupa.  Ang kontra-insurhensyang programa ng rehimeng US-Aquino II ay walang anumang layuning lutasin ang problema sa lupa. Katulad din lamang ng mga naunang kontra-insurhensiyang programa ng nakaraang mga rehimen, ang nilalaman lamang nito ay ang pagsupil sa rebolusyonaryong kilusan ng magsasaka sa pamamagitan ng dahas militar at panlilinlang.

Samantalang nagpapatuloy ang mga combat operations, ang isa sa mga pangunahing paraan ng pagpapatupad ng Oplan Bayanihan ay ang pagpapakawala sa mga tropang militar na mayroong espesyal na kasanayan sa pagkukunwari at panlilinlang.  Ang mga tropang ito na tinatawag nilang Peace and Development Teams (PDTs) ay naitalaga sa mga baryo upang diumano ”makipag-bayanihan o tutulong” sa mga aktibidad ng mga mamamayan.  Sa ganitong paraan ay  mapupunas diumano ang insurhensya at magtatagumpay silang matamo ang katahimikan. Ang marahas na larawan ng militar sa mata ng mamamayan ay mahahalinhan nila diumano ng laraman ng narepormang kasundaluhan.

Ang Pagsasakatuparan ng Oplan Bayanihan sa Ilocos

Sa Ilocos, ang 3rd Infantry Batallion (IB) sa ilalim ng 703rd Brigade, PA ang nangungunasa pagsasakatuparan ng Oplan Bayanihan. Naipakat  sa mga baryo ng rehiyon ang mga PDTs, at sa halos isang taon na nang walang patid na operasyon na kanilang ipinatupad:  Mayroong ilan sa mga nakitulungan nilang barangay katulad ng pagwawalis sa mga kinampuhan nilang barangay hall, partisipasyon sa tree planting, pagkarga ng mga bato, pagkakabite, at iba pa. Ang mga ito ay hindi kailanman makakalutas sa mga problema sa kabuhayan ng magsasaka. Hindi naman matahimik ang mga bumarangay dahil sa pagi-isatambay nila, ang mga PDTs ay nagiging panggulo sa mga komunidad na destino nila.

Ang mga sumusunod ang tampok na gawi nila sa mga baryo:

  1. Tuloy-tuloy na panghaharas sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagmamanman nila sa mga aktibidad nila dahil sa pursigidong pakikipaglaban nila para sa interes ng magsasaka. Ipinapalaganap nila sa mga komunidad na ang ipinaglalaban nilang interes ng magsasaka ay gawa ng mga kasapi o tagasuporta ng NPA.
  2. Binibiktima nila ang mga kababaihan, maging mga menor-de-edad at pati may-asawa, sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kanila.  Ginagawang silang palipasan o kaya’y laruan sa pakikipag-text mate sa kanila at panliligaw sa kanila.  May mga iskandalosong pangyayari na nakita mismo ng mga taga-baryo sa pagsasamantala sa kadalagahan. Isa sa kadalagahang ito ang nabuntisan.  Mayroon pang pamilyang nawasak dahil sa pakikipagkabit sa mayroong asawa. Maliban pa sa mga ito, may nangyari pang nagdala sila ng mga prostitute sa baryong pinagkampuhan nila.
     
  3. May mga insidente ng pagpapaputok nila ng armas, kahit pa sa gitna ng mga kabahayan, laluna kung nalalasing at mayroon silang mga panloob na alitan.  Sila-sila mismo ang nagkakagulo o kaya ay nakikipagrambol sa mga katutubong nakaka-alitan nila.
     
  4. Walang tigil ang pag-inom nila ng alak at paglalasing kahitpaman sa mga lugar na publiko katulad ng batangay plaza, barangay hall o sa mga day-care center na karaniwang pinagkakampuhan nila. Ang mga ito ay pambabastos sa mga pampublikong pasilidad at pag-aari, at paglabag din sa mga ordinansiya ng mga barangay.
     
  5. Ang mga PDT ang nangunguna sa pagsusugal.  Tampok ito at sila pa ang nagtatawag para magsugal. Dagitoy a PDTs ti mangiyun-una iti panagsugal. Natatalo pa sila ng libu-libo sa isang gabi lamang sa lamayan.

Ang mga ito ang aktwal na karanasan ng mga mamamayan sa Ilocos bilang resulta ng implementasyon ng Oplan Bayanihan. Ang mga PDT na sinasabing “bagong mukha” ng militar ay sila rin ang nagkakalat ng bulok na kultura sa mga komunidad.  Nagiging kalbaryo sila ng mga mamamayan na sinusupil at nililinlang nila. Ang mismong pagkakampo nila sa gitna ng kabahayan at mga pampublikong pasilidad at paglabag sa karapatan ng mga komunidad para sa ligtas na pamamahay ay paglabag sa Comprehensive Agreement for the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Sa kabila nito, may mga tropa ng 3rd IB OA na nakabantay sa Philip Morris-Fortune Tobacco Corporation at sa mga minahan sa Ilocos.  Bilang goons, nababayaran sila ng mga dayuhang kumpanya upang bantayan ang pangungulimbat nila sa pinagpawiwan at pinagpaguran ng mga magsasaka, at sa mga natural na kayamanan sa lupa at karagatan.  Kung kaya’t kahit anupamang panlilinlang na ginagawa ng militar, malinaw na hindi ito kalutasan sa mga problema ng magsasaka.  Ang “Peace and Development” Team na nilalaman ng Oplan Bayanihan ay walang kaibhan sa RSOT ng Oplan Bantay Laya ni Gloria Arroyo.  Ang mga katagang ito ay panlilinlang o panakip lamang sa karahasan ng kontra-insurhensiyang programa ni Pnoy.

Rebolusyon ang Daan para sa Tunay na Kaunlaran at Katiwasayan

Walang anumang maaasahan sa pag-unlad at katiwasayan dahil sa hindi “matuwid na daan” ang tinutungo ng Oplan Bayanihan ni Pnoy.  Hangga’t hindi nalulutas ang problema sa lupa, hindi matatamo ang tunay na pag-unlad, hustisya at katiwasayan ng lipunang Pilipino. Nagpapatuloy kung gayon ang lagablab ng apoy ng pakikibakang magsasaka.

Nagpapanawagan ang PKM-Ilocos sa lahat ng magsasaka at mamamayan na labanan at  patalsikin ang mga PDT sa mga komunidad.  Parusahan ang mga PDT sa kanilang mga pang-aabuso, laluna sa mga kababaihan! Labanan ang militarisasyon sa kanayunan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Iyabante ang rebolusyong agraryo!

==========================

Oplan Bayanihan: Nayon a  Padagsen Kadagiti Mannalon

Julian Sadiri
Pambansang Katipunan ng Magbubukid - Ilocos
April 16, 2012

“Ipatungpal ti Pudno a Reporma iti Daga!
Nainkalintegan a presyo para iti produkto ti mannalon!
Maiparbeng a presyo kadagiti mausar iti panagtalon!
Nainkalintegan a tangdan para kadagiti mangmangged-talon!
Umno a serbisyo ti gobyerno para iti agrikultura!”


Dagitoy a kalikagum ti dasig a mannalon ket agtultuloy nga agal-allangugan iti kaaw-awayan. Ti pananggun-od kadagitoy ti puon ti agtultuloy a gubat ti mannalon.


Kinapudno na, ti parikut iti daga ti nangitunda kadagiti naduma-duma a panagbaringkuas kas makita iti pakasaritaan. Manipud pannakasakop ti pagilian ginasgasut a tawenen ti napalabas, ti pannakaipatungpal ti pudno a reporma ti daga ti sentro ti pannakidangadang ti mannalon. Kalkalikaguman pay laeng dagiti minil-milyon a mannalon ti maaddaan ti bukod a daga a sukayen. Nasaknap pay laeng ti nangato nga abang ti daga. Agtartarigagay da pay inggana ita a makaruk-at manipud iti nakangatngato nga interes ti utang a dumanon pay ti 130%, nababa a presyo ti produkto da, nakangatngato a presyo dagiti mausar iti panagtalon ken nababa a tangdan ti pannaki-tegged. Agtaltalinaed met nga awan ti umannatop a serbisyo ken suporta ti gobyerno iti agrikultura kas koma kadagiti irigasyon, subsidyo, makinarya, umannatop a teknolohiya, kdpy.

Ti sungbat ni PNoy: Oplan Bayanihan

Imbes nga ipangag ti gobyerno ni asendero PNoy dagitoy lehitimo a kalikagum ti mannalon, ti Oplan Bayanihan ti itamtambor na tapno mapaulimek ti boses ti mannalon ken mapasardeng ti pannakilabanda para iti pudno a reporma ti daga. Daytoy a kontra-insurhensya a programa ti turay a US-Aquino II ket awan ti aniaman a panggepna a risuten ti problema iti daga. Kas met laeng kadagiti immun-una a kontra-insurhensya a programa dagiti naglablabas a rehimen, ti laeng linaon na daytoy ket ti panangrebbek ti rebolusyonaryo a tignayan ti mannalon babaen ti ranggas militar ken panangallilaw.

Kabayatan nga agtultuloy dagiti combat operations, ti maysa kadagiti kangrunaan a wagas ti pannakaipatungpal ti Oplan Bayanihan ket ti panangibulos kadagiti tropa ti militar nga addaan espesyal a kasanayan iti panagpampamarang ken panangallilaw. Dagitoy a tropa nga aw-awagan da ti Peace and Development Teams (PDTs) ket maipakat kadagiti barbaryo tapno kano “maki-bayanihan wenno tumulong” kadagiti nadumaduma a pakaseknan ti umili. Iti kastoy a wagas ket mapunas kano ti insurhensya ket agballigi da a manggun-od iti kappia. Ti narungsot nga imahen ti militar iti imatang ti umili ket sukatan da kano iti imahen a nareporma a kasoldaduan.

Ti Pannakaipatungpal ti Oplan Bayanihan iti Ilocos

Ditoy Ilocos, ti 3rd Infantry Batallion (IB) iti sidong ti 703rd Brigade, PA ti mangiyun-una iti pannakaipatungpal ti Oplan Bayanihan. Naipakat kadagiti barbaryo iti rehiyon dagiti PDTs, ket iti nakurang a maysa a tawenen nga awan ressat nga operasyon dagiti sumaganad ti inda naipatungpal: Adda dagiti sumagmamano a nakitinnulungan da iti barbarangay kas iti panagsagad iti pagyanan da a barangay hall, partisipasyon iti tree planting, panagbunag ti batbato,panagkabite, ken dadduma pay. Dagitoy ket saan pulos a makarisut kadagiti parikut ti mannalon iti pangkabiagan. Awan met ti panagtalna dagiti bumaranggay gapu ta bayat ti panag-istambay da, dagitoy a PDTs ket agbalbalin a buribor kadagiti komunidad a nakaidestinuan da.

Dagiti sumaganad ti nalalatak nga aktibidad da kadagiti barbaryo:

1. Tuloy-tuloy a pananghar-harass kadagiti umili babaen iti panangsisiim da kadagiti aktibidad da gapu iti napinget a panangilablabanda kadagiti pakaseknan ti mannalon. Isaksaknap da iti komunidad a ti panangilaban iti kalintegan ti mannalon ket aramid ti kameng wenno supporter ti NPA.

2. Bikbiktimaen da dagiti kababaihan, agraman menor-de-edad ken addaan asawa, babaen iti panangbabai kadakuada. Ar-aramiden da a “past time” wenno pagliwliwaan ti pannaki-text mate ken panangar-arem kadagitoy a kababaihan. Addan dagiti iskandaloso a paspasamak a naimatangan mismo dagiti bumaryo mainaig iti pananggundaway kadagiti babbalasitang . Maysa kadagitoy a babbalasitang ti nasikogan. Adda payen dagiti pampamilya a nawara gapu iti panangkabit da kadagiti addaan asawa. Malaksid kadagitoy, adda pay pasamak a nangisangpetda kadagiti babbai a mabaybayadan iti baryo a nagkampoan da.

3. Adda dagiti insidente ti panagpappaputok da iti paltog, uray iti tengnga ti balbalay, nangruna nu nabartek ken adda saan da a pagkikinaawatan nga agkakaddua. Isu da mismo ti aggugulo wenno makirambol da kadagiti agtutubo a makariri da.

4. Awanan-langan a panagin-inom ti arak ken panagbarbartek uray kadagiti publiko a lugar kas iti br
gy plaza, brgy hall wenno daycare center nga isu ti naruay a pagkampoan da. Daytoy ket panangbastos iti pampubliko a pasdek ken sanikua ken pananglabsing kadagiti ordinansa dagiti barbarangay.

5. Dagitoy a PDTs ti mangiyun-una iti panagsugal. Nalatak daytoy ta isuda pay ti mangiyawis ti panagsugal. Maabak da pay ti rinibribu iti maysa laeng a rabii iti lamayan.

Dagitoy ti aktwal a kapadasan dagiti umili ti Ilocos kas resulta ti implementasyon ti Oplan Bayanihan. Dagiti PDTs a kunkunaen da a ‘baro a rupa’ ti militar ket isuda ti mangisaksaknap ti bulok a kultura kadagiti komunidad. Agbalbalin da a kalbaryo dagiti umili a liplipiten ken al-allilawen da. Ti mismo a panagkampo da iti tengnga ti balbalay ken pampubliko a pasilidades ket panaglabsing iti karbengan dagiti komunidad para iti natalged a pagnaedan ken maikanniwas iti Comprehensive Agreement for the Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Iti bangir na, adda dagiti tropa ti 3rd IB PA a nakabantay iti Phillip Morris – Fortune Tobacco Corporation ken kadagiti pagminasan iti Ilocos. Kas goons, mabaybayadan ida dagiti gangannaet a kumpanya tapno bantayan ti pananggamrud da kadagiti bunga ti ling-et ken bannog dagiti mannalon, ken ti natural a kinabaknang ti daga ken baybay. Isu nga uray ania pay a panagpampamarang ti ar-aramiden ti militar, nalawag a daytoy ket saan a sungbat kadagiti parikut ti mannalon. Ti “Peace and Development” Team a linaon ti Oplan Bayanihan ket awan nagdumaan na iti RSOT ti Oplan Bantay Laya ni Gloria Arroyo. Daytoy a sarita ket pangallilaw wenno pangkalub da laeng iti kinarungsot daytoy a kontra-insurhensya a programa ni PNoy.

Rebolusyon ti Dana para iti Pudno a Panagdur-as ken Kappia

Awan a pulos ti manamnama a panagdur-as ken kappia gapu ta saan a ‘nalinteg a dana (tuwid na daan)’ ti turongen ti Oplan Bayanihan ni PNoy. Inggana a saan a marisut ti parikut iti daga, saan a masagrap ti pudno a panagdur-as, hustisya ken kappia iti gimong a Pilipino. Agtultuloy ngarud nga agkayamkam ti apoy ti pannakidangadang ti mannalon.

Aw-awagan ti PKM Ilocos dagiti amin a mannalon ken umili a supyaten ken papanawen dagiti PDTs kadagiti komunidad. Dusaen dagiti PDTs kadagiti panagabuso da, nangruna kadagiti kababaihan! Labanan ti militarisasyon iti kaaw-awayan! Sumampa iti Bagong Hukbong Bayan! Iyabante ti agraryo a rebolusyon!