Konsultant ng NDFP, muling inaresto

Ang Bayan
May 07, 2012

Download PDF Here

Muling sinampahan ng gawa-gawang kasong pagpatay si Jaime Soledad, 63 anyos, konsultant sa usapang pangkapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Inaresto siya nitong Mayo 2 sa kanyang bahay sa Inopacan, Leyte. Pinaratangan si Soledad ng pagpatay umano sa dalawang pulis noong 2004. Mariin niya itong itinanggi.


Wala pang isang taon mula nang pinalaya si Soledad noong Hulyo 2011 matapos ang tatlong taong pagkakabilanggo. Kabilang siya sa mga konsultant ng NDFP na iginigiit na palayain bilang pagtupad ng gubyernong Aquino sa mga obligasyon nito sa ilalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).