Fighter for the liberation of women and the people

Tribute to Maita Gomez

By Prof. Jose Maria Sison
Founding Chairman, Communist Party of the Philippines
13 July 2012

Julie and I wish to express our most heartfelt condolences to the children and other  relatives of Maita Gomez;  and to all  her comrades and friends.  All of us are  deeply saddened by her unexpected demise. 

Until her cardiac arrest, we had thought that she  had many more years to serve the people in their struggle for national liberation and democracy and the women in their struggle for gender equality and for their full participation in all social endeavors.  Nevertheless, her life  is full of significant and outstanding achievements in fulfilling her revolutionary commitment and in rendering service to the people and the women's liberation movement.
Since the resurgence of the anti-imperialist and anti-feudal movement in the Philippines  in the 1960s, the patriotic and progressive forces  have always taken a special interest in the development of the women's movement  and in the increased participation of women in the struggle for national liberation and democracy. 

We are enlightened by the writings and deeds of revolutionary women leaders like Clara Zetkin and Aleksandra Kollontai and  inspired by the heroic examples of Gabriela Silang, Melchora Aquino and other revolutionary Filipino women leaders.  We are guided by.Mao's teaching that the women hold up half of the sky.  The activists of the Student Cultural Association of the University of the Philippines, the Women's Bureau of Kabataang Makabayan and  the women in the labor unions, peasant associations and professional circles carried forward the progressive role of women.

As  cadres of the national democratic movement, we were elated by the emergence of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (Makibaka) from the Women's Bureau and women members of Kabataang Makabayan and the dramatic ways by which  Makibaka demonstrated the necessity and importance of the role of women in the struggle to achieve the radical transformation of society in all major respects.

Makibaka and its leading figure Lorena Barros succeeded in drawing to the progressive movement women who were nationally prominent. They included  beauty queens who won in prestigious pageants and were known to be exceptionally intelligent.  Among them was Maita Gomez, Miss Philippines of 1967.  They used their celebrity status to advantage in denouncing  not only the reactionary character of beauty contests but also the entire ruling system.  They spoke  on major issues affecting women and the entire people.

Maita was inspired and energized by the First Quarter Storm of 1970.  She wanted to be a revolutionary.  And she availed of the opportunities in sight for learning about the revolution.  Thus, she was drawn towards Makibaka.  But she had more comprehensive and intensive studies on Marxism-Leninism and Philippine society and revolution  in  the Humanist League of the Philippines  which was a small and laid-back group in the  University of the Philippines, under the influence of the Cultural Bureau of the Communist Party of the Philippines.

After the First Quarter Storm of 1970, in which  women youth activists mobilized themselves in large numbers, Lorena Barros came to our mountain camp in Barrio Dipogo in Isabela to report on developments in the women's movement and to discuss plans for Makibaka.  She was proud of how effective were  Maita and other beauties of national renown in propagating the patriotic and progressive stand on national issues. Their celebrity status drew attention to the issues.

When martial law was proclaimed by the Marcos regime in order to impose a fascist dictatorship on the people, Maita  decided to go underground in Manila.  She was brought eventually  to a guerrilla zone in Southern Tagalog.  She was brought back to Manila when   her presence in the guerrilla zone  drew a  a lot of attention and posed security problems. Thus, it was decided that she would do underground staff work in Baguio City. 

The house she was in was raided by the enemy and she was arrested. Through the National Liaison Committee of the Party, I came to know her plan to escape from Camp Olivas and I monitored how she actually escaped, with the help of a military officer who brought her out of the camp with him.  Then some comrades in charge of accommodating Maita became concerned about the behavior of the officer.  A further plan was  undertaken to take her away. I learned later that when the officer refused to let her go she had to  disable him so that she could escape. 

I can relate only what I came to know about her from organs of the Party. I leave to others to narrate in more detail how she stayed in the urban underground for a while after her escape and then how she was redeployed together with her beloved Joey Decena to a guerrilla zone in Central Luzon where they bore arms, marched and lived  as guerrilla fighters  and where he died as a martyr  in a battle. When she fell sick, she was brought to Manila for treatment and recovery. Sometime afterwards, she was arrested and became a political prisoner for sometime.

While I was in prison, I learned that Maita was released.  She subsequently joined the legal movement against the Marcos fascist dictatorship in the  1980s.  She co-founded the Gabriela in 1984. This emerged  the largest patriotic and progressive alliance of women's organizations.   She became one of the principal leaders of  the Women for the Ouster of Marcos and Boycott (WOMB) in 1985.  She co-founded in 1986  the first political party of women in Philippine history, the Kababaihan para sa Inangbayan (KAIBA). 

Julie met Maita in 1983 and they became friends as they worked together in the movement to oust the Marcos fascist  dictatorship.  The three of us met at her  Ermita apartment after I was released from military detention in 1986.  We became barkada, attending many public meetings and  social gatherings together.  On many occasions, we exchanged ideas about women and the revolutionary movement.  She was then engaged in women's studies as an activist, scholar and teacher at St. Scholastica.  We had become very close comrades and friends by the time Julie and I left for abroad for our global university lecture tour at the end of August  in 1986.

From abroad, I learned that she had serious differences with Popoy Lagman with regard to  the 1986 and 1987 elections.  She drew away from his organizational sway.  But she stayed committed to the principles of the revolutionary movement. I sent word to her to stay firm in order to encourage her.  She welcomed the Second Great Rectification Movement and became more active in the national democratic movement. I leave to others to narrate how she spoke and fought  in the service of the people from the 1990s to the time of her death.

I met Maita for the last time  in May 2009 in Amsterdam.  She was winding up her work with the IBON Foundation as an economic research consultant.  And she was  happy that in the previous month she was elected co-chairperson of the Makabayan Coalition and that Gabriela  which she had co-founded celebrated  its 25th anniversary and all its glorious achievements. Our conversation  was wide ranging, covering so many serious ones and funny ones.  It lasted from about 8 pm to 4 am. She was optimistic about how the patriotic and progressive forces  would advance further  in the legal democratic movement and in the anticipated elections of 2010.

We are all proud of our beloved Comrade Maita Gomez as an outstanding freedom fighter. She has bequeathed to us and future generations a rich legacy of writings and activism in the service of women and the entire people.  We shall always love and remember  her because of her  hard work, intelligence, sacrifices and  all her positive  contributions to the national democratic movement.###

Website:                                                                               Email address:
Telephone:  +31 (0)30-2310431                                                                   Fax:  +31 (0)84-7589930
Mailing address:  Amsterdamsestraatweg 50, NL-3513 AG Utrecht, Netherlands


Parangal kay Maita Gomez: Mandirigma para sa pagpapalaya ng kababaihan at ng sambayanan
Nais naming ipaabot ni Julie ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga anak at mga kamag-anak ni Maita Gomez; at sa lahat ng kanyang mga kasama sa pakikibaka at mga kaibigan. Lahat kami ay lubos na nalulungkot sa kanyang di-inaasahan pagpanaw.

Bago siya inatake sa puso, inaasahan naming maraming taon pa siyang makapaglilingkod sa sambayanan sa pakikibaka nito para sa pambansang kalayaan at demokrasya, at sa kababaihan sa pakikibaka nila para sa pantay na karapatan at para sa kanilang lubos na paglahok sa panlipunang adhikain ng sambayanan. Gayunpaman, ang kanyang buhay ay puno ng mahahalaga at katangi-tanging ambag sa paglilingkod sa mamamayan at sa kilusang pagpapalaya ng kababaihan.

Sa muling pagsigla ng anti-imperyalista at antipyudal na kilusan sa Pilipinas noong 1960, palagi nang may ispesyal na interes ang mga patriyotiko at progresibong pwersa sa pagpapaunlad ng kilusang kababaihan at sa malawak na paglahok nito sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Namulat kami sa mga sulatin at mga gawain ng mga rebolusyonaryong kababaihan tulad nina Clara Zetkin at Aleksandra Kollontai at pinukaw ng magiting na halimbawa nina Gabriela Silang, Melchora Aquino at ng iba pang rebolusyonaryong lider ng kababaihang Pilipino. Pinapatnubayan kami ng turo ni Mao hinggil sa malaking bahagi ng kababaihan sa pag-ikot ng mundo. Isinulong ang progresibong papel ng kababaihan ng mga aktibista ng Student Cultural Association of the University of the Philippines, ng Women's Bureau ng Kabataang Makabayan at ng mga kababaihan sa mga unyon ng manggagawa, sa mga samahang magsasaka at mga propesyunal.

Bilang mga kadre ng pambansa demokratikong kilusan, nagalak kami sa paglitaw ng Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA) mula sa Women's Bureau at sa kababaihang kasapi ng Kabataang Makabayan at sa dramatikong pagpapamalas ng Makibaka ng pangangailangan at kahalagahan ng papel ng kababaihan sa pakikibaka para makamit ang radikal na pagbabago ng lipunan sa lahat ng mayor na larangan.

Matagumpay ang Makibaka at ang lider nitong si Lorena Barros na himukin sa progresibong kilusan ang mga kilalang kababaihan sa bansa. Kabilang sa kanila ang mga beauty queen na nanalo sa tanyag na mga beauty contest at kilala sa pambihirang katalinuhan. Kabilang sa kanila si Maita Gomez, ang Miss Philippines ng 1967. Ginamit nila ang kanilang  katanyagan para tuligsain di lamang ang reaksyunaryong katangian ng mga beauty contest kundi maging ang kabuuang naghaharing sistema. Nagpahayag sila hinggil sa mga usaping nakakaapekto sa kababaihan at sa buong sambayanan.

Nabigyang-inspirasyon at sigla si Maita ng First Quarter Storm ng 1970. Gusto niyang maging rebolusyunaryo. At sinamantala niya ang oportunidad para pag-aralan ang rebolusyon. Kaya, napalapit siya sa Makibaka. Pero meron siyang mas komprehensibo at masinsing pag-aaral hinggil sa Marxismo-Leninismo at lipunang Pilipino at rebolusyon sa Humanist League of the Philippines na isang maliit at buhaghag na grupo sa UP, na naiimpluwensyahan ng Cultural Bureau ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Matapos ang First Quarter Storm ng 1970, kung saan malaking bilang ang napakilos na kabataang aktibistang kababaihan, pumunta si Lorena Barros sa aming kampo sa bundok sa Barrio Dipogo sa Isabela para iulat ang pagsulong ng kilusang kababaihan at talakayin ang plano para sa Makibaka. Ipinagmalaki niya kung paanong naging epektibo sina Maita at iba pang magagandang babaeng tanyag sa bansa sa pagpapalaganap ng makabayan at progresibong tindig sa mga usaping pambansa. Ang katanyagan nila ay humatak ng atensyon sa mga usapin.

Nang ideklara ng rehimeng Marcos ang batas militar upang ipataw ang pasistang diktadura, nagdesisyon si Maita na kumilos nang lihim sa Maynila. Sa kalaunan, dinala siya sa isang sonang gerilya sa Southern Tagalog. Pero ibinalik siya sa Maynila nang ang kanyang presensya sa sonang gerilya ay umakit ng atensyon at naging suliranin sa seguridad. Kaya't pinagpasyahan siyang ilipat sa Baguio City para doon gumampan ng lihim na gawaing istap.

Nireyd ng kaaway ang kanyang tinutuluyan at naaresto siya. Sa pamamagitan ng National Liaison Committee ng Partido, nalaman ko ang plano niyang pagtakas sa Camp Olivas at nasubaybayan ko kung paano siya tumakas sa tulong ng isang upisyal militar na naglabas sa kanya sa kampo. Ngunit nabahala ang ibang mga kasama na tumutulong sa kanya sa ikinikilos ng upisyal. Kaya nagbuo ng plano para mailigtas siya. Nalaman kong kaya siya nakatakas ay ginapi niya ang upisyal nang tumanggi itong pakawalan siya.

Ang maisasalaysay ko lamang tungkol sa kanya ay ang mga nalaman ko sa mga organo ng Partido. Ipinauubaya ko sa iba ang magkwento ng mas detalyado, kung paano siya nanatili sa lihim na pagkilos sa lungsod sa isang panahon pagkatapos ng kanyang pagtakas at kung paanong siya ay muling nadeploy kasama ang kanyang kabiyak na si Joey Decena sa isang sonang gerilya sa Central Luzon kung saan sila ay nag-armas, nagmartsa at namuhay bilang mga mandirigmang gerilya at kung saan din naging martir sa labanan si Joey. Nang magkasakit si Maita, dinala siya sa Maynila para magpagamot at magpagaling. Di nagtagal, siya ay muling naaresto at naging bilanggong pulitikal sa isang panahon.

Habang ako ay nasa kulungan, nalaman ko na lumaya na si Maita. Kasunod nito ay sumama na siya sa ligal na kilusan laban sa pasistang diktadurang Marcos noong 1980. Kasama siya sa nagtatag ng Gabriela noong 1984. Ito ang naging pinakamalaking patriyotiko at progresibong alyansa ng mga organisasyon ng kababaihan. Isa siya sa naging prinsipal na lider ng Women for the Ouster of Marcos and Boycott (WOMB) noong 1985. Kabilang siya sa nagtatag noong 1986 ng unang partido pulitikal ng kababaihan sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Kababaihan para sa Inang Bayan (KAIBA).

Nakilala ni Julie si Maita noong 1983 at naging magkaibigan dahil nagkasama sila sa kilusan para patalsikin ang pasistang diktadurang Marcos. Nagkita-kita kaming tatlo sa kanyang apartment sa Ermita pagkatapos kong lumaya noong 1986. Naging barkada kami, dumalo sa maraming pampublikong pulong at mga pagtitipon. Sa maraming okasyon, nagpalitan kami ng ideya tungkol sa kababaihan at sa rebolusyunaryong kilusan. Abala siya noon sa pag-aaral tungkol sa kababaihan bilang aktibista, iskolar at guro sa St. Scholastica. Malapit na kami sa isa't isa bilang kasama at bilang kaibigan nang pumunta kami ni Julie sa ibang bansa noong katapusan ng Agosto 1986 para sa aming  serye ng lektura sa iba't ibang bansa.

Sa ibang bansa, nalaman ko na mayroon siyang seryosong pagsalungat kay Popoy Lagman tungkol sa eleksyon ng 1986 at 1987. Dumistansya siya  sa pang-organisasyong paglihis ni Popoy. Sa halip, nanatili siyang tapat sa mga prinsipyo ng rebolusyunaryong kilusan. Nagpaabot ako sa kanya na maging matatag upang hikayatin siya. Malugod niyang tinanggap ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto at naging mas aktibo sa pambansa demokratikong kilusan. Pinauubaya ko sa iba ang paglalahad kung paano siya naninindigan at lumaban para sa paglilingkod sa sambayanan mula noong 1990 hanggang sa kanyang kamatayan.

Huli kong nakita si Maita noong Mayo 2009 sa Amsterdam. Tinatapos niya noon ang kanyang gawain sa Ibon Foundation bilang economic research consultant. Nagalak siya dahil isang buwan bago noo'y nahalala siya bilang co-chairperson ng Makabayan Coalition at dahil ipagdiriwang ng itinatag nilang Gabriela ang ika-25 anibersaryo at iba pang maniningning na tagumpay nito. Masaklaw ang aming pag-uusap, mula sa maraming seryosong bagay hanggang sa mga katawa-tawa. Nagtagal ito mula alas-8 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga. Optimistiko siya kung paanong ang patriyotiko at progresibong mga pwersa ay aabante sa ligal na demokratikong kilusan at sa darating na eleksyon ng 2010.

Ipinagmamalaki naming lahat ang aming minamahal na kasamang si Maita Gomez bilang bantog na mandirigma para sa kalayaan. Iniwan niya sa atin at sa susunod na henerasyon ang mayamang pamana ng kanyang mga sulatin at aktibismo sa paglilingkod sa kababaihan at sa sambayanan. Siya ay mamahalin at gugunitain dahil sa kanyang mga ginawa, talino, sakripisyo at lahat ng kanyang positibong ambag sa pambansa demokratikong kilusan.

Website: Email address:
Telephone: +31 (0)30-2310431 Fax: +31 (0)84-7589930
Mailing address: Amsterdamsestraatweg 50, NL-3513 AG Utrecht, Netherlands