Matagumpay na Isnayp sa Batangas , Ipinagbunyi ng mamamayan

Apolinario Matienza
Eduardo Dagli Command - NPA-Batangas
Ika-14 ng Hulyo 2012


Muling  ipinamalas ng Bagong Hukbong Bayan Batangas sa ilalim ng pamumuno ng Eduardo Dagli Command ang kanyang kakayanan na makapaglunsad ng taktikal na opensiba sa tipo ng isnayp sa berdugong yunit ng 730th Combat Group ng PAF na nakadestino sa buong Kanlurang  Batangas.

Matiyagang binantayan ng magigiting na Pulang mandirigma, ang tropa ng PAF na nangungupahan sa Sityo Bato, Brgy. Aga, Nasugbu, Batangas na mayroon ng isang buwan na naninigil dito bilang programa ng kanilang Oplan Bayanihan. Nangupahan sila sa magkakaratig na barangay at sityo. Kasabay nilang pinakatan ang barangay ng Magahis at Toong ng bayan ng  Tuy, Sityo ng Bato ng Brgy. Aga at Sityo Pulo ng Kaylaway ng Nasugbu na pawang magkakalapit na mga  barangay.

Nangupahan ang mga ito sa mga sentro ng  bahayan na kung babalikan ay labag sa kondukta ng digma dahil nasa populasyon ito ng mga sibilyan. Isang buwang minatyagan ng BHB ang kilos ng mga ito sa baryo. Sa tulong ng masa ay nakuha natin ang mga esensyal na impormasyon na kailangan.

Anim na araw na matiyagang binantayan ng mga kasama  ang tropa ng Air Force  sa Bato na nagpapauli-uli sa baryo. Ang mga masa ay nag-ambagan para sa pangangailangan at pagkain ng mga kasama sa pakat.

Ayon sa mga operatiba, ay ilang beses ng dumaan ang mga ito, subalit hindi nila binira dahil sa pagtalima sa batas na wala dapat madamay na sibilyan sapagkat malimit ay may kasabay ang mga ito na mga sibilyan. Pero hindi nagpatalo sa inip ang mga kasama at naghintay ng  tamang pagkakataon.

Ika-14 ng  Hulyo, 11:00  ng umaga ay pinutukan ng dalawang beses ng mga kasama sa layong 250 metros ang tatlong elemento ng Air Force na tumatawid  sa tulay ng  Bato. Isa agad ang naulat na namatay at isa diumano ay sugatan pa at malubha ang kalagayan .

Nagbubunyi ang mga masa sa nangyari, dahil alam nila na ang deployment o presensya  ng Air Force  sa kanilang lugar ay  upang proteksyunan ang mga PML,  habang  sinusupil ang paglaban ng mga mamamayan dito sa development ng kanilang lupain. Ang sityo Bato ay kasama sa malawak na lupain ni Miguel Puyat na mas kilala na Hacienda Mulawin na nakaambang i-develop at palayasin ang mga magsasaka  dito.