Tunay na Kalagayan ng Rehiyong Ilocos-Cordillera: Daang US-Aquino, Daang Baluktot

Simon “Ka Filiw” Naogsan, Spokesperson
Cordillera People’s Democratic Front
18 July 2012

Sa ikatlong pagkataon ibubuladas na naman ng rehimeng US-Aquino sa kanyang SONA ang kunwaring nagawa para sa bayan at hihingi na naman ng dagdag na mga buwis at batas na lalong sasakal sa sambayanang Pilipino. Ngunit para sa mga pambansang minorya at mga mamamayan ng rehiyong Ilocos at Cordillera, ang “daang matuwid” ay garapalang pagragasa ng mandarambong na mga imperyalistang interes at ang “walang wangwang” ay ang paglilihim sa sambayanan na dambuhala ang kamal-kamal na kinikita ng mga naglalakihang minahan at mga proyektong pang-enerhiya. Sa ngalan ng kaunlaran lalong lumulubog ang mga katutubo sa kumunoy ng paghihirap.



Pinalalala pa ng rehimen ni Pnoy Aquino ang paghakot ng likas na kayamanan ng mga kabundukan, kagubatan at baybay-dagat ng Hilagang Luson. Para sa aping pambansang minorya, ibayong pandarahop ang kanilang kinakaharap na lalong magpapatindi pa sa kanilang pambansang pang-aapi. Makalipas ang dalawang taon, walang pagbabago sa patakaran ng pamahalaan para sa naghihirap na magsasaka ng Ilocos at busabos na katutubo ng Cordillera.

Ibayong Pandarambong ng Yaman ng Ilocos-Cordillera

Itinuturing pa rin na pagkukuhanan ng yaman at kamal-kamal na tubo ang rehiyon sa ngalan ng kaunlaran, at hindi bilang tirahan ng mga katutubong may lupang ninuno. Para itago ang kanilang dambuhalang interes, sari-saring pangalan at alyas ang ginagamit ng naglalakihang kumpanyang minahan tulad ng Lepanto-Goldfields/Olpaten/Eltopan/Diamond Drilling/Lindsay/Mount Franz/Patrick; ng mga subsidyaryo ng kumpanyang Canadian na Solfotara/Canex/Adanacex/Columbus/Magellan/DaGamma; ng Cordillera Exploration/Nickel Asia-Sumitomo; ng Philex/Golden Lake; at ng Freeport-McMoran (dating Phelps Dodge). Samantala, inaprubahan ang anim (sa labing-isang pinaplano) na geothermal plants na lilikha ng mahigit 280 megawatts sa Cordillera, pangunahin na ang Chevron. May 35 hydropower dams din, na lilikha ng kabuuang 326.8 megawatts, ang inaprubahan sa Kordilyera. Hindi para sa maralitang walang kuryente sa mga liblib na lugar ng Cordillera ang enerhiyang ito, kundi para ibenta sa mga syudad sa iba pang bahagi ng Luzon sa ilalim ng pakanang Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Tila kabuti na biglang kumalat at kumapal ang magnetite mining sa kahabaan ng baybay-dagat mula Pangasinan at La Union hanggang sa Ilocos Sur, Ilocos Norte at Cagayan. Samantala, patuloy na iniinda ng mga magsasaka sa Ilocos ang monopolyo sa industriya ng tabako ng Philip Morris-Fortune Tobacco. Patuloy ang tampok na pag-iral ng mga pagsasamantalang pyudal at mala-pyudal sa kahabaan ng Ilokos.

Gayun din sa vegetable belt ng Cordillera, napako sa bagsak na presyo ang gulay sa mga pamilihan at sa trading post sa La Trinidad kapag panahon ng ani, habang tumataas ang presyo ng abono, pestisidyo at iba pang farm inputs. Kontrolado at sinisikil ng San Miguel Corp. (SMC) ang bagsak na presyo ng Bt Corn sa lowland areas at foothills ng Cordillera -- sa Pinukpuk at Tabuk sa Kalinga; sa Alfonso Lista, Lamut at Aguinaldo sa Ifugao; at sa Paracelis at Natonin sa Mountain Province–habang nagtataasan ang presyo ng binhing suicide seeds at herbicide na kapwa likha ng Monsanto. Ang malawakang pananim ng BT Corn ang siyang kumalbo sa mga bulubundukin ng southeast Kalinga, silangang Ifugao at silangang Mountain Province. Laganap na rin ang pangongontrata ng SMC sa mga sakahan upang ilipat sa pananim na cassava – isang tipo ng kamoteng-kahoy na ginagawang bioethanol na pamalit sa gasolina -- na tiyak lalong magpapaliit sa maaring matatamnan ng palay at iba pang pananim na makakain.

Ang mga kaganapang ito ay pawang mga kongkretong manipestasyon ng paglalim ng malapyudalismo, ng pangingibabaw ng mga kapitalistang empresa at ng kapital sa konteksto ng patuloy na batayang pyudal na kondisyon sa Ilokos at Kordilyera. Nangangahulugan ito ng pag-iral at pangingibabaw ng mga malalaking kumprador-burgesya, na kadalasang malalaking panginoong maylupa rin na kasabwat ng mga dayuhang malalaking kapitalista sa pang-ekonomiyang pagsasamantala at pang-aapi sa mga mamamayan sa rehiyon. Hindi nakapagtataka, sa Ilocos at Cordillera, ang mga nakaupo sa poder sa lokal na pamahalaan sa mga lalawigan at bayan ay sa kalakhan, ang mga nagmula at/o nagtataguyod sa uring malaking burgesya at panginoong maylupa, na nagpapalalim rin ng kanilang kontrol sa pulitika.

Saywar at Paglabag ng Karapatang Tao sa Ilalim ng Oplan Bayanihan

Para tiyaking ligtas ang puhunan ng mga dayuhan at malalaking mandarambong ng ekonomiya, pinalalawak pa ang operasyon ng mersenaryong AFP sa rehiyon. Hindi na nagkasya sa nahubarang pagpapanibagong-bihis ng Oplan Bayanihan (OpBay), garapalan ngayon ang paghasik ng takot sa mamamayan sa pamamagitan ng taktikang say-war o panlilinlang, tulad ng pagpanggap ng mga espesyal na mga tropang sinanay at binihisan na katulad ng mga NPA. Mapanlansing inaalam ng mga ito kung sinu-sino ang mamamayang sumusuporta sa mga Pulang mandirigma, at nagkakalat ng intriga at maling impresyon sa pamamagitan ng pagnanakaw at panggugulo. Kahit mga regular na tropa ay gumagamit ng iba’t ibang pagsisinungaling at panlalansi na nagsisilbing pampamanhid sa mapanlabang diwa ng mga katutubo at mga mamamayan. Sa kabila nito, hindi maipagkakaila ang kanilang mahabang listahan ng mga karahasan at mga paglabag sa karapatang-tao.

Mapilit ang pagrekluta ng AFP sa mga katutubo upang magsilbing pambala sa kanyon ng mga heneral sa iba’t ibang panig ng bansa. Tinitiyak na mula opisyal na militar (kasama na ang mga namumuno sa 5th Infantry Division kabilang si Maj. Gen Rommel Gomez at ang tagapagsalita nitong si Col. Puyao, sa 501st at 503rd Brigade at sa lahat ng batalyon at Coy) hanggang kawal ay nahahaluan ng mga katutubo, o kaya ay may asawa na nakapaloob sa mga tribu. Isinasagawa ito ng rehimeng Aquino upang magkaroon ng paghahati sa mga katutubong komunidad. Bukod sa mga kinamumuhiang CPLA integrees at regular na tropa, pinipilit ang mga opisyal ng baranggay na sumapi sa CAFGU at iba pang paramilitar na puwersa. Upang higitin pa ang pagkakahati-hati ng mga katutubo, pinakakawalan din ang mga ahenteng militar na galing din sa hanay ng mga katutubo sa tangkang maghasik ng lagim at magdulot ng pagkakawatak-watak ng mga mamamayan. Sa maraming pagkakataon nagbubunsod pa ang taktikang divide-and-rule na ito ng malalim na alitan sa pagitan ng mga tribu at nagsisindi ng tribal war.

Marami na ang karanasan sa Ifugao at eastern Mountain Province ngayong taon na ang mga pinuno ng barangay at mga kabataang dahil lamang sa mahaba ang buhok ay ginugulpi na ng mga abusadong militar. Walang iniba ito sa nagaganap noong pinakamadilim na panahon ng batas militar. Malawakan at intensibo rin ang mga operasyong laking-batalyon tulad ng naganap sa Natonin.

Laganap rin ang panloloko at pagrekluta sa mga kabataang menor-de-edad, target pangunahin ang mga babaeng mag-aaral sa high school na ginagawang apprentice impormer kapalit lamang ng load sa cellphone. Sa di-iilang pagkakataon nauwi rin ang panliligaw na ito sa panggagahasa sa kababaihan.

Bagong mga Batas ng Pandarambong at Paniniil sa Pambansang Minorya

Para lubusin pa ang pandarambong at paniniil ng mga katutubo’t mamamayan, pinakawalan kamakailan ng rehimeng US-Aquino ang kautusang pampangulo – ang bagong executive order 79 sa pagmimina—ngayong Hulyo. Lalo lamang nitong patitindihin ang pagbebenta sa patrimonya ng bansa sa mga dayuhan at lokal na mga mandarambong sa natural na kayamanan, ang pagkasira ng kalikasan, kabuhayan at pagtutulak sa malaking peligro sa buhay at kinabukasan ng mga mamamayan.

Pambabaluktot ng EO No. 79 ang paglilinis ng talaan ng mga aplikasyon para bigyan daan ang pagpasok ng mga dambuhalang dayuhan mamumuhunang inaawitan ng rehimeng US-Aquino. Ngunit hindi naman inaalis ang 300 dati nang kasunduan at kontrata na sumasaklaw ng mahigit 600,000 ektarya sa Cordillera. May $12 bilyon na pamumuhunan sa large scale mines (LSM) ang inaasahang maakit sa loob ng susunod na limang taon.

Ipagbabawal din ng naturang EO ang mga small-scale mines (SSM) liban kung rehistrado ito sa ilalim ng batas sa minahang bayan (RA 7076), bagay na hindi pinapasok ng maraming katutubo dahil sa maraming dehadong probisyon nito kabilang na ang limitasyong dalawang taon na maksimum na operasyon. Dahil dito, inaalis na ng EO ang hadlang sa paglawak ng mga LSM sa mga dating lugar na ikinabubuhay ng maraming katutubo.

Inaasahan ng rehimen na mapalaki ang mapupunta sa kaban ng bayan sa anyo ng 5% dagdag sa royalties. Ngunit hindi nito ipinapakita sa publiko na sa kasalukuyan, napakaraming libreng buwis ang umiiral para sa mga LSM kabilang na ang hindi pagbayad ng anumang buwis sa loob ng unang limang taon ng eksplorasyon, pagbawas ng mga gastusin tulad ng suweldo, inangkat na mga kagamitan at itinayong imprastraktura, at iba pang insentibo.

Pinapaburan ng EO 79 ang dayuhang pandarambong sa pamamagitan ng pagpawalang bisa ng mga lokal na ordinansang naipaglaban ng mga mamamayan na nagbabawal sa pagmimina sa maraming lugar, kabilang na ang 11 probinsya sa Visayas at sa marami pang bayan sa Cordillera.

Kaalinsabay ng mga batas nito ang pagtutulak ng rehimeng US- Aquino, sa ikatlong pagkakataon, na isakatuparan ang hungkag na Regional Autonomy (RA). Hangarin ng panukalang ito, na dalawang ulit nang ibinasura noong nakaraan, na itatag ang isang pangrehiyong asembleya ng mga mambabatas; akitin at ibulid ang suporta ng mga propesyonal na katutubo na magpapaandar ng mekanismo ng pandarambong; at tulad ng huwad din na Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), palakasin ang pagmamanginoon ng iilang mga pulitikong maghahari-harian sa rehiyon bilang mga bagong warlord. Hindi nito bibigyan daan ang tunay na paglutas sa suliranin ng pambansang pang-aapi sa mga pambansang minorya. Imbes, magbibigay-puwang ito sa ibayo pang paglikas ng yaman ng rehiyon at isagawa ang malawakang pag-agaw ng lupaing ninuno. Katuwang ng EO 79 ang bogus naRegional Autonomy sa paglikha ng makinaryang pampinansya para mapabilis ang pandarambong sa ekonomya, sa pamamagitan ng mga lokal na alipures.

Asahan natin na sa talumpati ni Pnoy Aquino ngayong Hulyo 23, hihilingin niya na bigyang prayoridad ng mga mambabatas ang mga panukalang higit na palakasin ang pagmimina, palakihin ang tubo ng mga mandarambong na dayuhan, at palakasin ang puwersang panseguridad ng mga ito sa anyo ng mersenaryong AFP at paramilitar. Hindi pa sila masapatan sa mga probisyon ng Mining Act of 1995, ngayon pa lang umaandar na ang tugtugin ng Charter Change (cha-cha) para tiyaking mapapahintulutan ang 100% pag-aari ng mga dayuhan sa mga naninibasib na LSM sa bansa.

Wala sa adyenda ng rehimeng US-Aquino, sa nakaraan at sa hinaharap, na isakatuparan ang tunay na pambansang industrialisasyon na magtitiyak na ang pagmimina ay tutungo sa kaunlaran ng mamamayan at ng bansa, at hindi iniluluwas ang yaman para paunlarin ang industriya ng ibang bansa. Noon at ngayon, isinasantabi ang kaligtasan at kabuhayan ng nakararaming mamamayan at ng kalikasan sa ngalan ng tubo at pambayad ni Pnoy sa utang na loob niya sa Makati Businessman's Club, ang sumuporta sa pagkapanalo niya noong 2010, at amo nitong imperyalismong US.

Sigaw ng Katutubo at Mamamayang Pilipino: Labanan ang Pambansang Pangaapi, Isulong ang Pakikibakang Pambansa-Demokratiko

Sagot natin sa Malacanang: Sobra na, Tama na, Wakasan na ang pambansang pang-aapi sa mga katutubong minorya at sa malawak na mamamayan!

Nararapat ipagtanggol ng nagkakaisang mga katutubo ang lupang ninuno, kabuhayan at yaman ng kapaligiran. Napapanahon nang bumuhos sa lansangan ang lahat ng katutubong api para labanan ang pandarambong at ibayong militarisasyon. Patatagin natin ang mga barikada na sinimulang itayo laban sa Lepanto-Goldfields at sa Royalco sa Benguet at laban sa Chevron sa Kalinga. Palawakin natin ang pagkilos hanggang sa humantong sa mga mapangahas na paglaban na nangangailangan ng marahas subalit epektibong pagkilos kung kinakailangan!

Itayo at palakasin natin ang mga milisyang bayan at mga kuwerpong pandepensa sa sarili. Ihanda natin ang pinakamahusay nating mga anak para sa armadong pakikibaka!

Maghanda tayo sa ibayong pagsulong ng labanan kasabay ng pagsulong ng makatarungang digmaang bayan tungo sa higit na mataas na antas!#

Ipagtanggol ang Lupaing Ninuno, Kabuhayan at Likas na Kayamanan!
Isulong ang Pambansa-Demokratikong Rebolusyon!
Biguin ang Oplan Bayanihan!
Fetad! Rebolusyon Kayet!

----------------

Iloko Version

Cordillera People’s Democratic Front


Ti Pudno a Kasasaad ti Rehiyon nga Ilocos-Cordillera: Dalan nga US-Aquino, Dalan a Killo
Simon “Ka Filiw” Naogsan, Spokesperson
18 July 2012

Iti maikatlo a gundaway, ibuladas manen ti rehimen nga US-Aquino iti SONA na ti sinsinan a naaramidan na para iti pagilian ken dumawat manen kadagiti nayon a buwis ken linteg nga ad-adda a mangbekkel iti umili a Pilipino. Para kadagiti nailian a minorya ken umili ti rehiyon nga Ilocos-Cordillera, ti “nalinteg a dalan” ni Pnoy ket ti nakaro a panaggamrud dagiti imperyalista kadagiti kinabaknang ti pagilian. Ti met “awanen ti wangwang” ket ti panangilimed iti umili iti nakadakdakkel nga ak-akupen a ganansya dagiti dadakkel a pagminasan ken dagiti proyekto a mangpataud iti enerhiya. Iti nagan ti panagdur-as, lallalo a lumlumned dagiti nailian a minorya iti gayong-gayong ti kinarigat.

Pakpakaruen pay ti rehimen nga US-Aquino ti panangala iti natural a rekurso kadagiti kabambantayan, kabakiran, ken baybay ti Amianan a Luzon. Para kadagiti maidaddadanes a nailian a minorya, ad-adda a kinarigat ti sangsangoen da a lallalo pay a mangpakpakaro iti sagsagabaen da a nailian a panangidadanes. Kalpasan ti dua a tawen, awan ti panagbaliw iti patakaran ti gobyerno para kadagiti nakurapay a mannalon iti Ilocos ken maidaddadanes a nailian a minorya iti Cordillera.

Ad-adda a Panangtakaw iti Kinabaknang ti Ilocos-Cordillera

Maibilbilang pay latta ti rehiyon a pagtaudan ti natural a rekurso ken dakkel a ganansya iti nagan ti panagdur-as, ken saan a kas pagnaedan dagiti nainsigudan nga umili nga addaan ansestral a daga. Tapno ilemmeng ti dakkel nga interes dagiti higante a kompanya ti minas, nadumaduma a nagan ken alyas ti us-usaren da a kas iti Lepanto-Goldfields/Olpaten/Eltopan/Diamond Drilling/Lindsay/Mount Franz/Patrick; dagiti subsidyaryo ti Canadian a kompanya a Solfotara/Canex/Adanacex/Columbus/ Magellan/DaGamma; ti Cordillera Exploration/Nickel Asia-Sumitomo; ti Philex/Golden Lake; ken ti Freeport-McMoran (sigud a Phelps Dodge). Kabayatan na, naaprubaran ti innem (iti 11 plano) a geothermal plant a mangpartuat iti nasurok 280 megawatts iti Cordillera, kangrunaanen ti ganggannaet a kompanya a Chevron. Adda pay 35 hydropower dams a naaprubaran iti Cordillera nga agpartuat ti kabuklan a 326.8 megawatts. Dagitoy a mapartuat a kuryente ket saan nga agserbi para kadagiti marigrigat iti interyor a komunidad iti Cordillera nga awanan ti kuryente. Mailako dagitoy kadagiti syudad iti dadduma pay a paset ti Luzon iti uneg ti plano nga Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Kasla uong nga apagdarikmat a simmaknap ken pimmuskol ti magnetite mining iti igid ti baybay manipud Pangasinan ken La Union agingga iti Ilocos Sur, Ilocos Norte ken Cagayan. Kabayatan na, agtultuloy nga agsagsagaba dagiti mannalon gapu iti monopolyo ti Philip Morris-Fortune Tobacco Corp. iti industriya ti tabako. Agtultuloy ti nalatak a panagraira dagiti pyudal ken mala-pyudal a panaggundaway iti Ilocos.

Kasta met iti vegetable belt ti Cordillera, nailansa iti bagsak a presyo dagiti nateng kadagiti pagtagilakuan ken iti trading post iti La Trinidad no panawen ti panagapit. Bayat a ngumatngato met ti presyo ti abono, pestisidyo ken dadduma pay nga farm inputs. Kontrolado ti San Miguel Corp. (SMC) ti bagsak a presyo ti Bt Corn iti lowland areas ken foothills ti Cordillera -- iti Pinukpuk ken Tabuk iti Kalinga; iti Alfonso Lista, Lamut ken Aguinaldo iti Ifugao; ken iti Paracelis ken Natonin iti Mountain Province (MP)–bayat a nakangatngato ti presyo ti bin-i a suicide seeds ken herbicide nga agpada a partuat wenno produkto ti Monsanto. Ti nasaknap a panagmula ti Bt Corn ti nangkalbo kadagiti kabambantayan iti Akinlaud a Daya ti Kalinga, iti Akindaya a paset ti Ifugao ken Akindaya a paset ti MP. Nasaknap metten ti panangkontrata ti SMC kadagiti pagtalonan tapno mamulaan ti cassava -- maysa a klase ti kamoteng-kahoy nga ar-aramiden da a bioethanol a pangsukat iti gasolina. Daytoy ket sigurado a lallalo a mangpabassit iti daga a mabalin a pagmulaan ti pagay ken dadduma pay a mula a makan.

Dagitoy a paspasamak ket kongkreto a pakakitaan ti panaguneg ti mala-pyudalismo, ti panagrimbaw dagiti kapitalista nga empresa ken ti kapital iti konteksto ti agtultuloy a batayan a pyudal a kasasaad iti Ilocos ken Cordillera. Ti kaipapanan daytoy ket ti panagraira ken panagrimbaw dagiti dadakkel a burgesya-kumprador, a masansan ket dadakkel nga apo’t daga met laeng a kakumplot dagiti ganggannaet a dadakkel a kapitalista iti pang-ekonomya a pananggundaway ken panangidadanes kadagiti umili iti rehiyon. Saan a nakaskasdaaw a kaaduan kadagiti nakatugaw iti poder iti lokal a gobyerno kadagiti probinsya ken munisipalidad iti Ilocos ken Cordillera ket nagtaud ken/wenno mangitantandudo iti dasig a dakkel a burgesya-kumprador ken apo’t daga, nga agkonkonsolida met laeng iti kontrol da iti pulitika.

Saywar ken Pananglabsing iti Karbengan-tao iti Uneg ti Oplan Bayanihan (OpBay)

Tapno isigurado a natalged ti puonan dagiti gamrud a ganggannaet ken dagiti kakumplot da iti panagtakaw ti kinabaknang ti pagilian, palpalawaen pay ti rehimen nga US-Aquino ti operasyon ti mersenaryo nga AFP iti rehiyon. Saanen a makaanay ti panagpampammarang ti Oplan Bayanihan. Sipaparang itatta ti panangipasaknap da iti buteng iti umili babaen iti taktika a saywar wenno panangallilaw, kas iti panagpammarang dagiti espesyal a tropa a nagsanay ken nagkawes a kas NPA. Nasikap nga am-ammoen da no sinno dagiti umili a sumupsuporta kadagiti Nalabaga a mannakigubat. Agiwarwaras da iti intriga ken kamali nga impresyon babaen iti panagtakaw ken panangriribuk nga ipabasol da kadagiti NPA. Uray dagiti regular a tropa ket agar-aramat iti nadumaduma a kinaulbod ken panangallilaw a mangpabaaw iti palaban a pakinakem dagiti nailian a minorya ken umili. Iti bangir na, saan a mailibak ti atiddog a listaan dagiti kinaranggas ken panaglabsing da iti karbengan-tao.

Pursigido nga agrekrekrut ti AFP kadagiti nailian a minorya tapno agserbi a pangbala iti kanyon dagiti heneral iti nadumaduma a paset ti pagilian. Maisigsigurado a manipud iti opisyal a militar (karamanen dagiti dadaulo iti 5th Infantry Division a pakaibilangan ni Maj. Gen Rommel Gomez ken ti tagapagsarita na a ni Col. Miguel Puyao, Jr., iti 501st ken 503rd Brigade ken iti amin a batalyon ken Coy) agingga kawal ket nalaokan kadagiti nailian a minorya, wenno saan ket pakamang kadagiti tribu. Iyar-aramid daytoy ti rehimen nga US-Aquino tapno magudua-gudua dagiti nainsigudan a komunidad. Malaksid kadagiti kagurgura a CPLA integrees ken regular a tropa, pilpiliten da dagiti opisyal ti barangay nga agkameng iti CAFGU ken dadduma pay a paramilitar a puersa. Tapno lallalo pay a magudua-gudua dagiti nailian a minorya, ibulbulos da dagiti ahente a militar a nagtaud met laeng iti intar dagiti nailian a minorya tapno agipasaknap iti buteng ken pannakagudua-gudua dagiti umili. Iti adu a gundaway, daytoy divide-and-rule a taktika da ket agpatpataud pay iti nauneg a risiris iti nagbabaetan dagiti tribu ken mangsindi iti tribal war.

Ita a tawen, adun dagiti kapadasan iti Ifugao ken Akindaya a paset ti MP a dagiti dadaulo ti barangay ken dagiti agtutubo a gapu laeng ta atiddog ti buok da ket bugbugbogen ida dagiti abusado a militar. Saan a maiduma daytoy kadagiti napasamak idi kasisipngetan a panawen ti Martial Law. Nalawa ken nairteng met dagiti kadakkel-batalyon nga operasyon a kas iti napasamak idiay Natonin, Paracelis, MP.

Nasaknap met ti panangluko ken panangrekrut kadagiti agtutubo a menor-de-edad, no sadino a kangrunaan a target da ket dagiti babbai nga estudyante iti hayskul. Ar-aramaten da ida kas apprentice informer kasukat laeng iti load ti selpon. Kasta met nga aremen da dagitoy a menor-de-edad a babbai nga iti adu a gundaway ket agturong iti panangreyp da kadakuada.

Dagiti Baro a Linteg ti Panagtakaw ken Pananglipit kadagiti Nailian a Minorya

Tapno lallalo pay a takawan ken lipiten dagiti nailian a minorya ken umili, inruar ti rehimen nga US-Aquino idi Hulyo 8, 2012 ti baro nga Executive Order No. 79 a para iti panagminas. Pakaruen laeng daytoy ti panangilako iti patrimonya ti pagilian kadagiti ganggannaet ken lokal a manggamgamgam iti natural a kinabaknang, ti pannakadadael iti aglawlaw, pagbiagan, ken mangisarang iti dakkel a peggad iti biag ken masakbayan dagiti umili.

Panangkillo ti EO No. 79 ti pananglinis ti listaan dagiti aplikasyon tapno waknitan ti dalan para iti panagserrek dagiti dadakkel a ganggannaet a negosyo nga al-allukoyen ti rehimen nga US-Aquino. Ngem saan met a naikkat ti 300 a siguden a katulagan ken kontrata a mangsaksakup iti nasurok 600,000 ektarya iti Cordillera. Adda $12 bilyon a panagpuonan iti large scale mines (LSM) ti manamnama a maallukoy iti uneg ti sumaruno a lima a tawen.

Iparit met ti nasao nga EO dagiti small-scale mines (SSM) malaksid no nakarehistro daytoy iti uneg ti linteg iti minahang bayan (RA 7076), banag a saan a serserken dagiti adu a nailian a minorya gapu iti adu a dehado a probisyon daytoy karamanen ti limitasyon a dua a tawen a maksimum nga operasyon. Gapu ditoy, ik-ikkatenen ti EO ti lapped iti panaglawa dagiti LSM kadagiti sigud a lugar a pangal-alaan ti pagbiagan dagiti adu a nailian a minorya.

Namnamaen ti rehimen a mapadakkel ti maakup a pastrek ti gobyerno iti porma ti 5% a nayon iti royalties. Ngem saan nga ipakpakita daytoy iti publiko nga iti agdama, nakaad-adu ti insentibo nga agraraira para kadagiti LSM. Karamanen ditoy ti saan a panagbayad iti aniaman a buwis iti uneg ti umuna a lima a tawen ti eksplorasyon, panangkissay kadagiti gastos a kas iti sueldo, imported a ramramit ken naitakder nga imprastruktura, ken dadduma pay nga insentibo.

Pabpaboran ti EO 79 ti panagtakaw dagiti ganggannaet babaen iti panangwaswas kadagiti lokal nga ordinansa a nailaban dagiti umili a mangiparit iti panagminas kadagiti adu a luglugar, karamanen ti 11 probinsya iti Visayas ken iti adu pay a munisipalidad iti Cordillera.

Kagiddan dagitoy a linteg ti panangiduron ti rehimen nga US-Aquino, iti maikatlo a gundaway, nga ipatungpal ti bogus a Regional Autonomy (RA). Panggep daytoy a gakat, a dua a darasen nga imbasura idi napalabas dagiti umili ti Cordillera, nga itakder ti maysa a pang-rehiyon nga asembleya dagiti kongresista; allukoyen ti suporta dagiti propesyonal a nailian a minorya a mangpataray iti mekanismo ti panagtakaw; ken kas met iti bogus nga Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), papigsaen ti panagari dagiti manmano a pulitiko nga agturturay iti rehiyon kas baro a warlord. Daytoy ket saan na a waknitan ti dalan ti pudno a panangrissut iti problema ti nailian a panangidadanes kadagiti nailian a minorya. Imbes, mangidalan daytoy iti ad-adda pay a panangiluas iti kinabaknang ti rehiyon ken panangipatungpal iti nasaknap a panaggamgam iti ansestral a daga. Katinnulong ti EO 79 ti bogus nga RA iti panagpartuat ti makinarya a pangpinansya tapno mapapartak ti panangpespes da iti ekonomya, babaen kadagiti lokal nga aso-aso da.

Namnamaen tayo nga iti diskurso ni Pnoy Aquino ita nga Hulyo 23, dawaten na kadagiti kongresista nga ikkan-prayoridad dagiti gakat nga ad-adda a mangpapigsa iti panagminas, mangpadakkel iti ganansya dagiti gamrud a ganggannaet, ken mangpapigsa iti pangseguridad a puersa dagitoy iti porma ti mersenaryo nga AFP ken paramilitar. Saan da pay a napnek kadagiti probisyon ti Mining Act of 1995, isu nga ita pay laeng ket maipatpatokaren ti Charter Change (Cha-Cha) tapno isigurado a maipalubos ti 100% a panagtagikua dagiti ganggannaet kadagiti managdadael nga LSM iti pagilian.

Awan iti adyenda ti rehimen nga US-Aquino, iti napalabas ken iti masakbayan, nga ipatungpal ti pudno a nailian nga industriyalisasyon a mangisigurado a ti panagminas ket agturong iti panagdur-as ti umili ken ti pagilian. Ken saan nga iluas ti kinabaknang manipud iti pagilian tapno padur-asen ti industriya ti sabali a pagilian. Idi ken ita, maiwalwalin ti pagtalgedan ken pagbiagan ti ad-adu nga umili ken ti aglawlaw iti nagan ti ganansya. Kasta met iti panangbayad ni Pnoy iti utang na a naimbag a nakem iti Makati Businessmen's Club a simmuporta iti panangabak na idi 2010, ken iti amo na nga imperyalista nga US.

Pukkaw dagiti Nailian a Minorya ken Umili a Pilipino: Labanan ti Nailian a Panangidadanes, Iyabante ti Nailian-Demokratiko a Pannakidangadang

Sungbat tayo iti Malacanang: Huston, nalabes unayen! Gibusanen ti nailian a panangidadanes kadagiti nailian a minorya ken iti naruay nga umili!

Rumbeng a salakniban dagiti agkaykaysa a nailian a minorya ti ansestral a daga, pagbiagan, ken natural a kinabaknang. Naimpanawenan ti panagdudupudop iti kalsada ti amin a maidaddadanes a nailian a minorya tapno labanan ti panaggamrud ken kumarkaro a militarisasyon. Patibkeren tayo dagiti barikada a rinugian nga itakder laban iti Lepanto-Goldfields ken iti Royalco idiay Benguet ken laban iti Chevron idiay Kalinga. Palawaen tayo ti panagtignay agingga a dumanon kadagiti situtured a panaglaban nga agkasapulan iti naranggas ngem epektibo a panagtignay no kasapulan.

Itakder ken papigsaen tayo dagiti milisyang bayan ken dagiti self-defense core wenno kor para iti depensa iti bukod a bagi. Isagana tayo dagiti kasayaatan nga annak tayo para iti armado a pannakidangadang.

Agsagana tayo iti ad-adda a panagabante ti labanan kagiddan ti panagabante ti nainkalintegan a gubat ti umili agturong iti nangatngato a tukad.

Salakniban ti Ansestral a Daga, Pagbiagan, ken Natural a Kinabaknang!
Iyabante ti Nailian-Demokratiko a Rebolusyon!
Paayen ti Oplan Bayanihan!
Fetad! Rebolusyon Kayet!