Basagin ang ilusyon ng "mabuting pamamahala"

Partido Komunista ng Pilipinas
Agosto 30, 2012
[Pilipino, Bisaya, Waray and Hiligaynon versions]


Magdadalawang linggo na ngayon na nagpapakulo ng propaganda sa midya ang rehimeng Aquino, ang dilawang hukbo ng mga eksperto sa opinyong publiko at mga grupong repormista kaugnay sa pagkamatay ni Jesse Robredo. Si Robredo, dating matagal na nagsilbing alkalde ng Naga City at interior and local government secretary ni Aquino ay namatay noong Agosto 18 sa pagbagsak ng eroplano sa hilagang baybayin ng isla ng Masbate.


Hindi iilan ang namighati sa pagkawala ni Robredo. Naiiba siyang pulitiko na may estilong kaiba sa karamihan ng maruruming pulitikong pulpol. Ang simple niyang pamumuhay nang pagbiyahe sa bus, pagsisinelas, pagdi-jogging sa plasa at simpleng pananamit ay nagtangi sa kanya sa mga pulitiko at upisyal ng gubyerno na todong gwardyado, lango sa kapangyarihan at mahihilig sa magagarbong pananamit. Si Robredo ay bugso ng sariwang hangin para sa maraming sawang-sawa't nauuyam na sa kabulukan ng pulitika at burukrasya sa Pilipinas.

Ang kanyang potensyal bilang simbolo ng "transparency" ay nakita ng World Bank at ng mga alalay nitong kumakanta ng "mabuting pamamahala". Pinapurihan siyang uliran ng “ethical and empowering leadership” (pamumunong may asal at nagbibigay-lakas sa pinamumunuan") sa nagpapatuloy na kampanyang pang-ideolohiya upang muling buhayin ang ilusyon ng demokrasya at ikubli ang katunaya'y diktadura ng elitistang naghaharing uri sa gubyerno at sistemang pampulitika.

Nakita ng matataas na upisyal ng gubyerno ang silbi niya sa pamahalaan, kahit bilang palamuti lamang, upang ilayo ang pansin sa lahat ng kabulukan ng reaksyunaryong burukrasya at bawasan kahit bahagya ang malaon nang pagkamukhi ng sambayanan sa naghaharing pampulitikang sistema. Itinuturing siya ng mga lokal at malalaking dayuhang negosyo at ng World Bank bilang di matatawarang aset para sa kilusan sa "mabuting pamamahla" na layon nilang buuin.

Isa nang alamat si Robredo, dahil sa mga papuri at parangal na iginawad sa kanya ng reaksyunaryong estado, ng dilawang grupo ng mga milyonaryong panginoong maylupa, ng World Bank, ng pinakamayayamang kumprador, ng iba't ibang kulay na socdem na kaalyado ni Aquino at ng mga alipures niyang bulok na pulitiko, luma man o bago. Ang kanyang pagkamatay ay naging okasyon sa mga elitista na reaksyunaryong pulitiko at kanilang mga utusan na ibwelo ang propaganda at lansihin ang panggitnang uri sa mga pariralang tulad ng "transparency", "matinong pamumuno", "matuwid na daan" at "mabuting pamamahala" at bitagin sila sa nakapaparalisang mga repormistang ilusyon.

Gayunpaman, sa kabila ng pagtatambol ni Aquino, ng mga Atenista at Lasalista, ng Akbayan, ng Black & White at ng mga bata sa kilusang Kaya Natin, ang ilusyon ng "mabuting pamamahala" sa ilalim ng kasalukuyang reaksyunaryong sistema ay walang saysay sa mga ordinaryong Juan at Juana. Hindi ito personal na atake kay Robredo, sa kanyang pagiging simple, palakaibigan at paging patas, na marami ang nagpapatotoo. Subalit kung susukatin sa mga saligang pamantayan ng sambayanan, lagpak na lagpak ang sinasatsat ni Aquino na "mabuting pamamahala".

Inilalarawan ang "mabuting pamamahala" na isang pagsisikap na buuin ang isang gubyernong "mas tumutugon" sa mga pangangailangan ng sambayanan. Itinutulak ng mga tagapagtaguyod ng World Bank ang "transparency" sa mga paggastos ng gubyerno, sa "online bidding systems" (sistema ng pagsubasta sa internet) at "freedom of information" bilang solusyon sa korapsyon. Isinusulong nila ang isang makitid na pananaw sa korapsyon na sa katotohana'y nananalaytay sa burukratikong sitema at bahagi na ng pamamalakad ng naghaharing elitistang pyudal kapwa sa lokal at pambansang pulitika. Ang mas malaki pang korapsyon ay kung paano sinasamantala ng elitistang naghaharing uri ang buong saklaw ng kapangyarihang pang-estado upang gumawa ng mga batas at patakarang nagsisilbi sa kanilang makauring interes at apihin at pagsamantalahan ang mayorya ng sambayanan.

Hindi maitatatwa ang pagka-ipokrito ng World Bank sa pagsasalita tungkol sa "mabuting pamamahala" samantalang kung pag-aaralan nang husto ang kasaysayan ng burukratikong korapsyon sa Pilipinas, makikita ang malaking bahagi ng WB at ng IMF sa pagganyak ng korapsyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pautang para sa mga walang kwentang proyekto na ginagarantiyahan ng estado at lagpas sa presyong mga kalsada at tulay. Nagsasatsat lamang ngayon ang World Bank hinggil sa "mabuting pamamahala" dahil ang sistemang isinalaksak nito sa Pilipinas at iba pang bansang lubog sa utang ay naging magastos at di epektibo para sa operasyon ng malalaking dayuhang negosyo.

Tatlong taon nang binobomba ni Benigno Aquino III ang mamamayan ng pagkarami-raming propaganda para sa "mabuting pamamahala. Para nang sirang-plaka ang kanyang "matuwid na daan" at "walang wangwang". Subalit pilit man niyang gamitin ito para itago ang kanyang asenderong gawi at ang luma niyang pulitika, patuloy siyang nabibigong makuha ang malawak na suporta ng sambayanan.

Para sa malawak na masa ng sambayanan, ang "mabuting pamamahala" ni Aquino ay malalaking letra lamang sa mga balatenggang tarpulin ng gubyerno. Matapos ang tatlong taon nang "pagtahak sa matuwid na daan", bigo si Aquino na harapin ang mga suliraning pinapasan ng karaniwang mamamayan sa araw-araw: kawalang-hanapbuhay, mababang sahod, pagtaas ng presyo ng pagkain, pamasahe, kuryente, tubig at gamot, dengue, leptospirosis at iba pang sakit at mga epidemya, kakulangan ng pasilidad para sa pampublikong kalusugan, kakulangan ng sanitasyong pampubliko, pagkawasak ng kapaligiran at ng mga kaugnay nitong kalamidad.

Sa usapin ng patakarang pang-ekonomya, ang "matuwid na daan" ni Aquino ay walang saligang pagkakaiba sa mga sinundan nitong rehimen mula 1946. Walang reporma sa lupa, walang signipikanteng pagtaas sa sahod, walang programa para sa pambansang industriyalisasyon o pagtatayo ng nakapagsasarili at modernong ekonomya. Ang sentrong patakaran ni Aquino ay ang pag-akit sa mga dayuhang mamumuhunan at tagapagpautang. Lahat ay sumusunod rito. Bigyan sila lupain. Bigyan sila ng mga konsesyon sa pagmimina. Bigyan sila ng murang lakas-paggawa. Bigyan sila ng imprastruktura. Bigyan sila ng "cha-cha". Garantiyahan ang kanilang pangungutang. Garantiyahan ang kanilang tubo. Ang "mabuting pamamahala" ni Aquino ay "mabuting pamahalaan" para sa malalaking dayuhang kapitalista, sa kanilang lokal na partner at malalaking panginoong maylupa.

Sa larangan ng pulitika, tinatabingan lamang ng "mabuting pamamahala" ang pangingibabaw ng pulitikang asendero, sistemang padrino, pambabraso, maruruming maniobra at di-prinsipyadong pakikipag-alyansa. Sa likod ng higanteng mga tarpulin, hindi naiwasan kahit ni Robredo ang tagisan ng mga hari sa pulitika, sistemang padrino at akomodasyon. Pansamantala lamang ang pagkakatalaga niya sa DILG. Hindi siya binigyan ng kontrol sa PNP, kung saan tigmak ang korapsyon sa mga pagbili ng armas at kagamitan. Sinasabing sa pangalan lamang na kalihim si Robredo. Ang kanyang pagkakatalaga ay hindi kailanman nakumpirma dahil sa maruruming maniobra sa pulitika ng ibang takam na takam sa kanyang pusisyon.

Upang palakasin ang propaganda para sa "mabuting pamamahala" ng naghaharing rehimen at panatilihin si Robredo bilang upisyal nitong simbolo, sukdulang iniangat siya ni Aquino sa antas ng isang pambansang bayani, na kumpleto sa rangya ng libing na pang-estado.

Gayunpaman, balewala ang pakanang ito sa masang anakpawis, na sawang-sawa na sa walang katapusan ngunit hungkag na mga pangako ng "reporma". Sa pag-uulit-ulit ni Aquino ng "mabuting pamamahala" habang binabawasan ang paggugol para sa serbisyong panlipunan, hinahadlangan ang pagtataas ng sahod at nagpapakainutil sa harap ng pumapaimbulog na presyo, lalong nawawalan ng kahulugan ang islogang ito para sa mamamayan na nagdurusa sa ganitong mga patakaran.

Kailangang basagin ng sambayanang Pilipino ang ilusyon ng "mabuting pamamahala", ilantad at itakwil ito bilang opensibang pang-ideolohiya na tulak ng World Bank upang ilayo sila sa landas ng paglaban sa mga patakaran ng liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon at denasyunalisasyon.

Nagdurusa sa araw-araw ang mga manggagawa, magsasaka, ang mga walang hanapbuhay at maralitang mamayan, estudyante, guro, karaniwang kawani at maliliit na negosyante dahil sa pangangayupapa ni Aquino sa IMF-WB at mga kahilingan ng US at ng malalaking dayuhang kapitalista at sa mga katuwang nitong lokal na malalaking komprador, burukrata kapitalista at malalaking panginoong maylupa. Lubos na matuwid para sa mga inaaping uri na pagliyabin ang landas ng rebolusyonaryong pakikibaka upang wakasan ang bulok, mapang-api at mapagsamantalang sistemang panlipunan.

__________________________________
[BISAYA]

Buakon ang ilusyon sa “maayong pagdumala”


Partido Komunista sa Pilipinas
Agosto 30, 2012

Magduha ka semana na karon nga nagpasundayag og propaganda diha sa masmidya ang rehimeng Aquino, ang dilawan nga panon sa mga eksperto sa opinyong publiko ug mga grupong repormista lambigit sa pagkamatay ni Jesse Robredo. Si Robredo, kanhing dugay nga nag-alagad isip mayor sa Naga City ug interior and local government secretary ni Aquino namatay niadtong Agosto 18 sa paghagsa sa eroplano sa amihanang baybayon sa isla sa Masbate.

Dili pipila ang nagbangutan sa pagkawala ni Robredo. Lahi siya nga matang sa politiko nga adunay estilong lahi sa kadaghanan sa mga hugaw nga politikong bugok. Ang yano niyang kinabuhi, pagbyahe sa bus, pagsinelas, pag-jogging sa plasa ug yanong pamisti ang naglahi kaniya sa mga politiko ug opisyal sa gobyerno nga nalukop sa badigard, hubog sa gahum ug hilig kaayo sa mga garbosong pagpamisti.

Si Robredo usa ka huyohoy sa preskong hangin alang sa daghang natagbaw ug giluod na sa kadunot sa politika sa burukrasya sa Pilipinas.

Ang iyang potensyal isip simbolo sa “transparency” nakit-an sa World Bank ug sa mga bata-bata niining nag-awit og “maayong pagdumala”. Gidayeg siyang ligdong diha sa “ethical and empowering leadership” (“pagpangulong adunay maayong pamatasan ug naghatag-kusog sa gipanguluhan”) sa nagpadayon nga kampanyang pang-ideolohiya aron subling buhion ang ilusyon sa demokrasya ug tagoan ang sa pagkatinuod diktadura sa elitistang nagharing hut-ong diha sa gobyerno.

Nasud-ong sa tag-as nga opisyal sa gobyerno ang silbi niya sa panggamhanan, bisan isip dayandayan lamang, aron ipahilayo ang pagtagad sa tanan sa kabaklag sa reaksyonaryong burukrasya ug tibhangan bisan gamay ang hagbay nang pagkasilag sa katawhan sa nagharing pangpolitikang sistema. Giila siya sa mga lokal ug dagkong langyawng negosyo ug sa World Bank isip dili lalim nga aset alang sa kalihukan sa “maayong pagdumala” nga tumong niining itukod.

Usa na ka kasugiran si Robredo, tungod sa mga pagdayeg ug pasidungog nga gihatag kaniya sa reaksyonaryong estado, sa dilawan nga grupo sa mga milyonaryong agalong yutaan, sa World Bank, sa mga pinakadato nga komprador, sa nagkalain-laing kolor nga socdem nga kaalyado ni Aquino ug sa mga bata-bata niyang dunot nga politiko, karaan man o bag-o. Ang iyang pagkamatay nahimong okasyon sa mga elitista nga reaksyonaryong politiko ug ilang mga sulugoon nga ipabuylo ang propaganda ug linglahon ang hatungang pwersa sa mga pinulungan sama sa “transparency,” “ ligdong nga pagpangulo,” “matarong nga dalan” ug “maayong pagdumala” ug lit-agon sila sa makaparalisa nga mga repormistang ilusyon.

Ingon pa man, luyo sa pagpamudyong ni Aquino, sa mga Atenista ug Lasalista, sa Akbayan, sa Black & White ug sa mga bata-bata sa kilusang Kaya Natin, ang ilusyon sa “maayong pagdumala” ubos sa kasamtangang reaksyonaryong sistema walay pulos diha sa mga yanong Juan ug Juana. Dili kini personal nga ataki kang Robredo, sa iyang pagkasimple, pagkamakihigalaon ug pagkapatas, nga daghan ang makapamatuod. Apan kung sukdon sa mga batakang panukdanan sa katawhan, dili gayud kapasar ang giputak-putak ni Aquino nga “maayong pagdumala.”

Gihulagway ang “maayong pagdumala” nga usa ka pagpaningkamot nga tukuron ang usa ka gobyerno nga “mas nagatubag” sa mga panginahanglan sa katawhan. Giduso sa mga nagpasiugda sa World Bank ang “transparency” diha sa paggasto sa gobyerno, sa “on line bidding systems” (sistema sa pagsubasta sa internet) ug “freedom of information” isip solusyon sa korapsyon. Gi-asdang nila ang usa ka sigpit nga panlantaw sa korapsyon nga sa kamatuoran naglatay sa burukratikong sistema ug kabahin na sa palakat sa nagharing elitistang pyudal diha sa lokal ug nasudnong politika. Ang mas dako pa nga korapsyon mao ang pagpahimulos sa elitistang nagharing hut-ong sa tibuok langkob sa gahum pang-estado aron maghimo og mga balaud ug palisiyang nag-alagad sa ilang makihut-ong nga interes ug daugdaugon ug pahimuslan ang mayorya sa katawhan.

Dili ikalimod ang pagkapaaron-ingnon sa World Bank diha sa pagpamulong mahitungod sa “maayong pagdumala” samtang kung pagatun-an sa husto ang kasaysayan sa burukratikong korapsyon sa Pilipinas, makita ang dakong bahin sa WB ug IMF sa pag-aghat sa korapsyon pinaagi sa pagtugyan og pautang alang sa mga walay pulos nga proyekto nga girantiyahan sa estado ug lapas sa presyong mga karsada ug taytayan.Nagyawyaw lamang karon ang World Bank mahitungod sa “maayong pagdumala” tungod kay ang sistemang gihansak niini sa Pilipinas ug uban pang nasud nga lusbog sa utang nahimo nang gasto kaayo ug dili epektibo alang sa operesyon sa dagkong langyawng negosyo.

Tulo ka tuig na nga gibombahan ni Benigno Aquino III ang katawhan og daghan kaayong propaganda alang sa “maayong pagdumala.” Morag daot nga plaka na ang iyang “matarong nga dalan” ug “walay wangwang.” Apan pugos man niya kining gamiton aron tagoan ang iyang asenderong kinaiya ug ang karaan niyang politika, padayon siyang napakyas nga makuha ang lapad nga suporta sa katawhan.

Alang sa mabagang masa sa katawhan, ang “maayong pagdumala” ni Aquino mga dagkong letra lamang sa mga nagbitay nga tarpulin sa gobyerno. Matapos ang tulo ka tuig nga “pagtaak sa matarong nga dalan,” pakyas si Aquino nga atubangon ang mga suliran nga gipas-an sa yanong lumulupyo sa adlaw-adlaw: kawalay panginabuhian, ubos nga suholan, pagtaas sa presyo sa pagkaon, pletehan, kuryente, tubig ug tambal, dengue, leptospirosis ug uban pang sakit ug mga epidemya, kakulangan sa pasilidad alang sa pangpublikong panglawas, kakulangan sa sanitasyong pangpubliko, pagkagun-ob sa kalikupan sa mga lambigit niining kalamidad.

Sa hisgutanan sa palisiyang pang-ekonomiya, ang “matarong nga dalan” ni Aquino walay batakang kalahian sa mga gisundan niining rehimen sukad 1946. Walay reporma sa yuta, walay signipikanteng pagtaas sa suholan, walay programa alang sa nasudnong industriyalisasyon o pagtukod og nagkinaugalingon ug modernong ekonomiya. Ang sentrong palisiya ni Aquino mao ang pagdani sa mga langyawng tigpamuhunan ug tigpautang. Tanan nagsunod niini. Hatagan sila og kayutaan. Hatagan sila og mga konsesyon sa pagmina. Hatagan sila og baratong kusog-pamuo. Hatagan sila og mga imprastraktura. Hatagan sila og “cha-cha”. Garantiyahan ang ilang pagpangutang. Garantiyahan ang ilang ginansya. Ang “maayong pagdumala” ni Aquino usa ka “maayong panggamhanan” alang sa dagkong langyawng kapitalista, sa ilang lokal nga mga partner ug dagkong agalong yutaan.

Sa natad sa politika, gitabilan lamang sa “maayong pagdumala” ang pagpatigbabaw sa politikang asendero, sistemang maninoy, pagpamiit, mga hugaw nga maniobra ug dili-prinsipyadong pakig-alyansa. Luyo sa mga higanteng tarpulin, wala malikayi bisan ni Robredo ang tigi sa mga hari sa politika, sistemang maninoy ug akomodasyon. Panamtang lamang ang pagkabutang sa iya sa DILG. Wala siya hatagi og kontrol sa PNP, kundiin hitak ang korapsyon diha sa mga pagpalit og armas ug kagamitan. Giingon nga sa pangalan lamang nga kalihim si Robredo. Ang iyang katungdanan wala gayud makompirma tungod sa mga hugaw nga maniobra sa politika sa uban nga naghinamhinam sa iyang posisyon.

Aron pakusgon ang propaganda alang sa “maayong pagdumala” sa nagharing rehimen ug ipabilin si Robredo isip opisyal niining simbolo, hingpit nga giisa siya ni Aquino sa ang-ang sa usa ka nasudnong bayani, nga kompleto sa kaambong sa usa ka lubong nga pang-estado.

Ingon pa man, walay pulos kining maong laraw diha sa naghagong masa, nga natagbaw na pag-ayo sa walay kataposan ug haw-ang nga mga panaad sa “reporma.” Sa pag-utro-utro ni Aquino sa “maayong pagdumala” samtang gitibhangan ang paggasto alang sa serbisyong katilingbanon, gibabagan ang pagtaas sa suholan ug nagpakainutil atubangan sa nagsutoy nga presyo, labawng nawad-an og bili kining maong islogan alang sa katawhan nga nag-antus sa ingon niining mga palisiya.

Kinahanglan buakon sa katawhang Pilipino ang ilusyon sa “maayong pagdumala,” ibutyag ug isalikway kini isip opensibang pang-ideolohiya nga duso sa World Bank aron ipahilayo sila sa dalan sa pagbatok sa mga palisiya sa liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon ug denasyonalisasyon.

Nag-antus sa adlaw-adlaw ang mga mamumuo, mag-uuma, ang mga walay panginabuhian ug kabus nga katawhan, estudyante, titser, yanong empleyado ug gagmayng negosyante tungod sa pagpangalyupo ni Aquino sa IMF-WB ug mga pangayo sa US ug sa mga dagkong langyawng kapitalista ug sa mga timbang niining lokal nga dagkong komprador, burukrata kapitalista ug dagkong agalong yutaan. Hingpit nga matarong alang sa mga dinaugdaug nga hut-ong nga padilaabon ang dalan sa rebolusyonaryong pakigbisog aron tapuson ang dunot, malupigon ug mapahimuslanong sistemang katilingbanon.



__________________________________
[WARAY]

Wakayon an sumatanon nga “tul-id nga panggobyernuhan”

Sakob han naglabay nga duha kasemana, an naghahadi nga rehimen Aquino, an iya dulaw nga hukbo han tagapagmaniobra han opinyon publiko ngan an mga repormista nga sirkulo waray hunong ha paggamit ha midya hiunong ha pagkamatay ni Jesse Robredo. Hi Robredo, anay meyor han Naga City ha maiha nga panahon ngan kan Aquino sekretaryo han interior and local government, namatay dida han binagsak an edro nga iya ginsakyan hadton Agosto 18 ha durho nga baybayon han isla han Masbate.

Damo an nagsubo ha pagkamatay ni Robredo. Nalalain hiya nga tipo hin politiko kanay estilo dako an kaibhan ha kadam-an nga iba pa nga dunot nga elemento. An iya simple nga estilo hin pagbyahe pinaagi ha pagsakay hin bus, pagdyaging ha pampubliko nga plasa ngan pagsul-ot hin tsinelas ngan simple nga panmado naglalain ha iya ha mga damo-an-naeskort, uhaw ha poder ngan magarbo manbado nga mga politiko ngan mga opisyal han estado. Para ha kadam-an nga nasusumhan na ngan waray na pagtapod ha dunot nga politika ha Pilipinas ngan ha burukrasya, sugad-sugad hi Robredo hin presko nga hangin.

An iya potensyal komo modelo han “pagin limpyo” (transparency) ginsingabot han World Bank ngan han iya mga tag-undong han “tul-id nga panggobyernuhan”. Gindayaw hiya komo susbaranan han “tul-id ngan demokratiko nga pamunuan” ha nagpapadayon nga pan-ideolohiya nga kampanya nga buhion an ilusyon han demokrasya ngan taguon an ha esensya usa nga diktadura han naghahadi nga klase ha gobyerno ngan pampolitika nga sistema.

Nakita han mga higtaas-an-ranggo nga mga opisyal an bentaha ha pagpwesto ha iya ha gobyerno, bisan kun usa la hiya nga rayan-dayan, para masimang an atensyon han katawhan tikang ha kaduntan han reaksyunaryo nga burukrasya, ngan ibanan bisan gutiayay manla an nagdodominar nga kangalas han katawhan ha naghahadi nga pampolitika nga sistema. Ginkonsidera hiya han lokal ngan langyaw nga dagko nga negosyo ngan han World Bank komo mahinungdanon nga elemento ha “tul-id nga panggobyernuhan” nga kagiusan nga karuyag niya tukuron.

Mas dinako an importansya yana nga namatay hi Robredo itanding hadton buhi pa hiya, nga makikita ha mga pagdayaw ngan mga medalya nga iginhatag ha reaksyunaryo nga estado, han dulaw nga barkadahan ngan kadaan nga agaron nga maytuna nga mga milyonaryo, han World Bank, an ura-ura kariko nga mga dagko nga komprador burgis, mga socdem nga alyado ni Aquino nga iba-iba an kolor ngan han iya barkadahan hin dunot nga mga politiko, pareho edaran ngan batan-on. An iya kamatayon usa na yana nga okasyon para ha reaksyunaryo nga pampolitika nga naghahadi nga klase ngan ira mga niyu-tiyo nga pakusgon an ira propaganda ngan owaton an namumutngaan nga klase ha mga islogan nga “pagin malimpyo”, “tul-id nga pamumuno”, “tul-id nga dalan”, ngan “malimpyo nga pang-gobyernuhan” ngan iludlod hira nga mabuhi ha usa nga paralitiko nga kahimtang hin repormista nga inop.

Masugad paman, ha luyo hini nga propaganda ni Aquino, han mga taga-Ateneo ngan taga-Lasalle, han Akbayan, han Black & White ngan han Kaya Natin nga mga tawuhan, an susumaton nga “tul-id nga panggobyernuhan” ilarum han presente nga reaksyunaryo nga estado waray pulos para ha yano nga Pilipino. Diri ini usa nga pagsaway kan Robredo, ha iya pagin simple, kamatinagdanon o pagin buotan, nga damo na an nasabi. Kundi kun paghimangrawan an batakan nga mga suklanan han katawhan, an kan Aquino mga sarabihon hiunong ha “tul-id nga panggobyernuhan” kulang hin duro.

Iginlaladawan an “tul-id nga panggobyernuhan” komo paningkamot nga makatukod hin usa nga gobyerno nga “mas mapanginanuon” ha mga panginahanglan han katawhan. An mga tag-undong han World Bank nagduduso para ha “pagin malimpyo” ha panmalit han gobyerno, ha pagsusubasta ngan “kalibrihan ha impormasyon” komo mga solusyon ha korapsyon. Nagduduso hira hin masyado kawaray aram nga panan-aw hiunong ha korapsyon, nga ha kamatuoran natahos ha burukratiko nga sistema ngan nahiaraan na nga pamaagi han dominante nga podiruso nga pan-ekonomiya nga barkadahan ha lokal ngan nasyunal nga politika. An mas dako pa nga korapsyon amo kun tipaunan-o ginagamit han naghahadi nga klase an ngatanan nga instrumento han pan-estado nga poder para maghimo hin mga balaud ngan magduso hin mga palisiya nga nagseserbe ha ira makaklase nga interes ngan nagtatalumpigos ngan naniniyupi ha mayoriya han katawhan.

Diri poyde palabyon la an pagka-ipokrito han World Bank kun nagsasabi ini hin “tul-id nga pang-gobyernuhan” tungod kay ha pag-aram han kasaysayan han burukratiko nga korapsyon ha Pilipinas madiskubrihan an dako nga papel han WB ngan IMF ha pagpagrabe ha korapsyon pinaagi ha mga pautang nga ginagarantiyahan han estado para ha waray pulos nga mga proyekto ngan ura-ura an dat-og ha gastos ha mga kalsada ngan tulay. Nagyayakan yana an World Bank hiunong ha “tul-id nga panggobyernuhan” tungod la kay an sistema nga iya ginpabutho ha Pilipinas ngan iba pa nga lubong-ha-utang nga mga nasud nagresulta ha pagdako han gastos ngan pagkamasamok han pag-opereyt han dagko nga langyaw nga negosyo.

Ha naglabay nga tulo katuig, iginhungit ni Benigno Aquino III ha katawhan an damo nga buladas hin “tul-id nga pang-gobyernuhan” nga propaganda. Iya ginpakanap an mga pulong nga “tul-id nga dalan” ngan “waray wangwang” ngan iba pa. Kundi anuman an iya paningkamot nga taguon an iya mga hadianon nga mga pamaagi ngan dunot nga politika pinaagi han sugad nga mga pamulong, padayon hiya nga pakyas ha pagkuha han hiluag nga suporta han katawhan.

Para ha hiluag nga masa han katawhan, an kan Aquino “tul-id nga panggobyernuhan” tubtub la ha dagko nga pulong nga iginsusurat ha mga tarpaulin nga istrimer han gobyerno. Pagkatapos hin tulo katuig nga “paghasog ha tul-id nga dalan,” pakyas hi Aquino ha pagbaton ha mga problema nga gin-aatubang han ordinaryo nga katawhan kada adlaw: kawaray trabaho, hibubo nga suhol, hitaas nga presyo han pagkaon, kabaraydan ha transportasyon, kuryente, tubig ngan tambal, mga sakit sugad han dengue ngan leptospirosis ngan iba pa nga sakit ngan epidemya, kakulang hin mga pampubliko nga pasilidad ha panlawas, kakulang hin pampubliko nga sanitasyon, pagkahibang ha kalibungan ngan an nagin resulta nga mga kalamidad.

Ha isyu han pan-ekonomiya nga palisiya, an kan Aquino “tul-id nga dalan” waray batakan nga kaibhan ha ngatanan nga mga gobyerno antes ha iya tikang pa hadton 1946. Waray reporma ha tuna, waray mahinungdanon nga pag-umento ha suhol, waray programa para ha nasyunal nga industriyalisasyon o pagtukod hin nasarig-ha-kalugaringon ngan moderno nga ekonomiya. An pag-engganyar han langyaw nga mamuruhan ngan tagpautang an kan Aquino harigi nga palisiya. Ngatanan angay maghasog hini. Tagan hira hin tuna. Tagan hira hin mga konsesyon ha mina. Tagan hira hin barato nga kusog-pagtrabaho. Garantiyahan an ira mga utang. Garantiyahan an ira mga ganansya. An kan Aquino “tul-id nga panggobyernuhan” usa nga “tul-id nga panggobyernuhan” para ha dagko nga langyaw nga mga kapitalista, ira lokal nga mga kasosyo ngan dagko nga agaron maytuna.

Ha pampolitika nga natad, waray iba nga ginhihimo an “tul-id nga panggobyernuhan” kundi tahuban an pagdominar han pampolitika nga poder, sistema nga padrino ngan pansuburno, mahugaw nga mga maniobra ngan diri-prinsipyado nga mga alyansa. Ha likod han higante nga “tul-id nga panggobyernuhan” nga istrimer nga tarpaulin, bisan hi Robredo waray makaeskapo han pampolitika nga uyag han pag-agaway hin poder, sistema nga padrino ngan akomodasyon. An iya pagkanombra ha pwesto han DILG temporaryo an kamutangan. Waray hiya tagi hin kontrol ha PNP, kun diin an panmalit hin mga armas ngan kagamitan pirme dako nga surok han korapsyon. Ginsering nga an pagka-sekretaryo ni Robredo ha ngaran la. Waray pa maaprubahi an pagnombra ha iya tungod ha dunot nga pampolitika nga mga maniobra han iba nga naglalanat liwat ha posisyon.

Ha paningkamot nga mapakusog pa an “tul-id nga panggobyernuhan” nga propaganda han naghahadi nga rehimen ngan ipreserbar hi Robredo komo upisyal nga modelo, igin-isa pa ni Aquino an istatus ni Robredo komo usa nga nasyunal nga bayani, kalakip an usa nga magarbo nga paglubong (state funeral).

Kundi ini nga palabas, waray pulos para ha nagkukuri nga katawhan, nga maiha na nga nangangalas han kan Aquino waray katapusan kundi buaw nga mga saad hin “reporma”. Ha sobra nga pag-inuruutro ni Aquino ha iya “tul-id nga panggobyernuhan” nga buladas samtang gin-iibanan an paggastos ha pankatilingban nga serbisyo, pagpugong ha pag-umento ha suhol ngan pagkainutil atubangan han nasirit nga presyo han papliton, mas nawawarayan ini hin kahulugan ha katawhan nga nag-aantos dara hini nga mga palisiya.

Kinahanglan wakayon han katawhan an sumatanon hin “tul-id nga panggobyernuhan”, ibuksas ngan ibasura ini komo usa nga pan-ideolohiya nga opensiba nga ginpaluyuhan han World Bank para isimang hira ha dalan han pag-ato ha mga palisiya han liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon, ngan denasyunalisasyon.

An mga trabahador, mga parag-uma, an mga waray trabaho ngan kablasanon, mga istudyante, ordinaryo nga mga empleyado ngan gudti nga negosyante adlaw-adlaw nga nag-aantos han kan Aquino pagkatuta ha IMF-WB ngan ha mga dikta han US ngan dagko nga langyaw nga mga kapitalista ngan han iya lokal nga dagko nga kasosyo nga mga komprador, burukrata kapitalista ngan dagko nga agaron maytuna. Hul-os nga makatadungan an paghasog han tinalumpigos nga mga klase ha dalan han rebolusyunaryo nga pakigbisog para ibagsak an dunot, matalumpiguson ngan matiyupion nga pankatilingban nga sistema.

____________________________

[HILIGAYNON]

-->
Waskon ang ilusyon sang "maayo nga pagdumala"

Partido Komunista sang Pilipinas
Agosto 30, 2012

Manugduha ka simana na subong nga nagapadihot sang propaganda sa midya ang rehimeng Aquino, ang dalag nga hangaway sang mga eksperto sa opinyon publiko kag mga grupo sang repormista kaangut sa pagkamatay ni Jesse Robredo. Si Robredo, sadto madugay nga nagserbi nga alkalde sang Naga City kag interior and local government secretary ni Aquino napatay sang Agosto 18 sa pagtibusok sang iya ginasakyan nga eroplano sa naaminhang baybayon sang isla sang Masbate.

Madamo ang nagkasubo sa pagkadula ni Robredo. Lain siya nga pulitiko nga may estilo nga tuhay sa kadam-an sang mahigko nga pulitiko nga mahina ang ulo. Ang simple niya nga pagpangabuhi sang pagbyahe sa bus, naga-tsinelas, pag-jogging sa plasa kag simple nga pagbiste amo ang naglain sa iya sa mga pulitiko kag upisyal sang gubyerno nga todo nga gwardyado, hubog sa gahum kag mahilig sa magarbo nga biste. Si Robredo isa ka huyop sang preska nga hangin para sa madamo nga natak-an na gid kag nagayaguta sa kagaruk sang pulitika kag burukrasya sa Pilipinas.

Ang iya nga potensyal bilang simbolo sang "transparency" nakita sang World Bank kag sang mga alalay sini nga nagakanta sang "maayo nga pagdumala”. Ginadayaw siya nga modelo sang "ethical and empowering leadership" (“pagdumala nga may etikita kag naghatag-kusog sa ginapamunuan") sa nagapadayon nga kampanya pang-ideolohiya para liwat buhion ang ilusyon sang demokrasya kag ilipod ang kamatuoran nga diktadurya sang elitista nga nagaharing sahi sa gubyerno kag sistema nga pangpulitika.

Nakita sang mataas nga upisyal sang gubyerno ang serbi niya sa gubyerno, bisan dekorasyon lang, para ipalayo ang ihibalo sa tanan nga kagarukan sang reaksyunaryo nga burukrasya kag buhinan bisan bahin lang ang madugay na nga pagkangil-ad sang pumuluyo sa nagahari nga sistemang pangpulitika. Ginakabig siya sang mga lokal kag daku nga dumuluong nga negosyo kag sang World Bank bilang indi mabalibaran nga aset para sa kahublagan sa "maayo nga pagdumala" nga tuyo nila nga tukuron.

Isa na ka alamat si Robredo, bangud sa mga pagdayaw kag pagpasidungog nga ginahatag sa iya sang reaksyunaryong estado, sang dalag nga grupo sang mga milyonaryo nga agalon nga mayduta, sang World Bank, sang pinakamanggaranon nga kumprador, sang lainlain nga duag nga socdem nga kaalyado ni Aquino kag sang mga tinawo niya nga bulok nga pulitiko, daan man o bag-o. Ang iya nga pagkamatay nangin okasyon sa mga elitista nga reaksyunaryong pulitiko kag ila nga mga suluguon nga ibwelo ang propaganda kag lansihon ang nahanungang sahi sa mga tinaga pareho sang "transparency", "limpyo nga pagpamuno", "matuwid na daan" kag "maayo nga pagdumala" kag sid-on sila sa nakaparalisa nga mga repormistang ilusyon.

Bisan pa man, sa pihak sang pagtambol ni Aquino, sang mga Atenista kag Lasalista, sang Akbayan, sang Black & White kag sang mga tinawo sa kahublagang Kaya Natin, ang ilusyon sang "maayo nga pagdumala" sa idalom sang subong nga reaksyunaryong sistema wala sang kahulugan sa mga ordinaryo nga Juan kag Juana. Indi ini personal nga atake kay Robredo, sa iya nga pagkasimple, mainabyanon kag pagkapatas, nga madamo ang nagapamatuod. Apang kon takson sa mga basehan nga talaksan sang pumuluyo, wala sang tupa ang ginangasal ni Aquino nga "maayo nga pagdumala".

Ginalaragway ang "maayo nga pagdumala" nga isa ka pagtinguha nga tukuron ang isa ka gubyerno nga "mas nagasabat" sa mga kinahanglanon sang pumuluyo. Ginaduso sang mga tagasakdag sang World Bank ang "transparency" sa mga paggasto sang gubyerno, sa "online bidding systems" (sistema sang pagsubasta sa internet) kag "freedom of information" bilang solusyon sa korapsyon. Ginasulong nila ang isa ka makitid nga panan-awan sa korapsyon nga sa kamatuoran nagapanalupsop sa burukratikong sistema kag kabahin na sang pagpadalagan sang nagaharing elitista nga pyudal pareho sa lokal kag pungsodnon nga pulitika. Ang mas daku pa nga korapsyon amo ang kon paano ginahimuslan sang elitista nga nagaharing sahi ang bilog nga sakop sang gahum pang-estado para maghimo sang mga layi kag polisiya nga nagaserbi sa ila nga makasahing interes kag piguson kag himuslan ang mayorya sang pumuluyo.
Indi matago ang pagka-ipokrito sang World Bank sa paghambal bahin sa "maayo nga pagdumala" samtang kon tun-an sang maayo ang kasaysayan sang burukratikong korapsyon sa Pilipinas, makita ang daku nga bahin sang WB kag sang IMF sa pagbuyok sang korapsyon paagi sa pagpautang para sa mga wala sang pulos nga proyekto nga ginagarantiyahan sang estado kag lampas sa presyo nga mga kalsada kag taytay. Nagawakal lang subong ang World Bank bahin sa "maayo nga pagdumala" bangud ang sistema nga ginapatulon sini sa Pilipinas kag iban pa nga pungsod nga lumos sa utang amo nga nangin magasto kag di epektibo para sa operasyon sang daku nga dumuluong nga negosyo.

Tatlo ka tuig nga ginabomba ni Benigno Aquino III ang pumuluyo sang tuman kadamo nga propaganda para sa “maayo nga pagdumala”. Daw samad na nga plaka ang iya “matuwid na daan” kag “walang wang-wang”. Bisan pilit man niya nga gamiton ini para itago ang iya asendero nga gawi kag daan niya nga pulitika, padayon siya nga napaslawan nga makuha ang malapad nga suporta sang pumuluyo.
Para sa malapad nga masa sang pumuluyo, ang "maayo nga pagdumala" ni Aquino amo ang daku nga letra lang sa mga istrimer sang gubyerno. Pagkatapos sang tatlo ka tuig sang "pag-usoy sang tadlong nga dalan", napaslawan si Aquino nga atubangon ang mga problema nga ginapas-an sa matag-adlaw sang ordinaryong pumuluyo: wala sang trabaho, manubo nga sweldo, pagtaas sang presyo sang pagkaon, pamasahe, kuryente, tubig kag bulong, dengue, leptospirosis kag iban nga sakit kag mga epidemya, kakulangan sang pasilidad para sa pangpubliko nga ikaayong lawas, kakulang sang sanitasyon pangpubliko, pagkawasak sang kapalibutan kag sang mga kaangut sini nga kalamidad.

Sa halambalanon sang polisiya pang-ekonomya, ang "matuwid na daan" ni Aquino wala sang sandigan nga kinalain sa mga ginsundan sini nga rehimen halin 1946. Wala sang reporma sa lupa, wala sang signipikante nga pagtaas sang sweldo, wala sang programa para sa pungsodnon nga industriyalisasyon o pagtukod sang makatindog kag moderno nga ekonomya. Ang sentro nga polisiya ni Aquino amo ang pagganyat sa mga dumuluong nga mamuhunan kag manugpautang. Tanan nagasunod diri. Hatagan sila sang duta. Hatagan sila sang mga konsesyon sa pagmina. Hatagan sila sang barato nga kusog-pangabudlay. Hatagan sila sang imprastruktura. Hatagan sila sang "cha-cha". Garantiyahan ang ila nga pagpangutang. Garantiyahan ang ila nga ganansya. Ang "maayo nga pagdumala" ni Aquino amo ang "maayo nga gubyerno" para sa daku nga dumuluong nga kapitalista, sa ila lokal nga partner kag daku nga agalon nga mayduta.

Sa patag sang pulitika, ginatabunan lang sang "maayo nga pagdumala" ang pagpangibabaw sang pulitika nga asendero, sistemang padrino, pagpamilit, mahigko nga maniobra kag indi-prinsipyado nga pakig-alyansa. Sa likod sang higante nga mga istrimer, indi nalikawan bisan ni Robredo ang paindisanay sang mga hari sa pulitika, sistemang padrino kag akomodasyon. Temporaryo lang ang pagtalana sa iya sa DILG. Wala siya ginhatagan sang kontrol sa PNP, kon sa diin napun-an sang korapsyon sa mga pagbakal sang armas kag kagamitan. Ginasiling nga tubtob lang sa ngalan nga sekretaryo si Robredo. Ang pagtalana sa iya wala tubtob san-o nakumpirma bangud sa mahigko nga maniobra sa pulitika sang iban nga nagakaibog sa iya nga pusisyon.

Para pabaskugon ang propaganda para sa "maayo nga pagdumala" sang nagaharing rehimen kag ipabilin si Robredo bilang upisyal sini nga simbolo, labaw nga ginbayaw siya ni Aquino sa lebel sang isa ka pungsodnon nga baganihan, nga kumpleto sa katahum sang lubong pang-estado.

Bisan pa man, balewala ang padihot nga ini sa masang anakbalhas, nga natak-an na sa wala sang katapusan apang paltik nga mga promisa sang "reporma". Sa pagliwat-liwat ni Aquino sang "maayo nga pagdumala" samtang ginabuhinan ang gasto para sa serbisyo sosyal, ginaupangan ang pagtaas sang sweldo kag nagpakainutil sa atubang sang nagatimbuok nga presyo, labi nga nadulaan sang kahulugan ang islogan nga ini para sa pumuluyo nga nagaantus sa ini nga mga polisiya.

Kinahanglan nga waskon sang pumuluyong Pilipino ang ilusyon sang "maayo nga pagdumala", ibuyagyag kag isikway ini bilang opensiba pang-ideolohiya nga tulod sang World Bank para ipalayo sila sa dalan sang pagbatu sa mga polisiya sang liberalisasyon, deregulasyon, pribatisasyon kag denasyunalisasyon.

Adlaw-adlaw nga nagaantus ang mga mamumugon, mangunguma, ang mga wala sang trabaho kag imol nga pumuluyo, estudyante, manunudlo, ordinaryong empleyado kag gamay nga negosyante bangud sa pag-ikog-ikog ni Aquino sa IMF-WB kag sa mga ginapangayo sang US kag sang daku nga dumuluong nga kapitalista kag sa mga katuwang sini nga lokal nga daku nga kumprador, burukrata kapitalista kag agalon nga mayduta. Lubos nga matarung para sa mga ginapigos nga sahi nga padabdabon ang dalan sang rebolusyonaryong paghimakas para tapuson ang garuk, mapiguson kag mapanghimulos nga sistema pangkatilingban.