Dalawang Taktikal na Opensiba ng NPA Batangas, Tagumpay!

Apolinario Matienza
Eduardo Dagli Command (NPA - Batangas)
Ika-10 ng Disyembre 2012

Matagumpay na inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan – Batangas sa ilalim ng Eduardo Dagli Command ang isang isnayp at isang reyd-na-walang-putok nito lamang ika-21 ng Nobyembre at ika-9 ng Disyembre sa bayan ng Nasugbu.

Ika-21 ng Nobyembre. Pinarusahan ng kamatayan ang isang hired killer, tulak ng shabu, at manyakis na si Henry Silva, residente ng barangay Utod. Ganap na alas-otso ng umaga, inisnayp ng mga magigiting na Pulang Mandirigma si Silva sa harap mismo ng kanyang bahay na walang nadadamay na inosenteng sibilyan.

Kabilang sa mga pinatay ni Silva ay sina Vicente Cortiñas, isang magsasakang aktibong sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan noong 1997, at kapwa nitong taga-Utod na si Elmer Distresa na konsehal ng barangay na iniupa ni Teofilo Alonso dahil sa tunggalian sa pulitika noon namang Marso 2011, at si Jason Alajar na taga barangay Bunducan na nakursunadahan kaya’t pinatay nito lamang 2012.

Sa taon ding ito, may tangkang panggagahasa si Silva sa isang kababaihan na nagngangalang Tessie, residente ng barangay Utod, ngunit nabigo dahil sa nanlaban ang biktima.

Ika-9 ng Disyembre. Ganap na alas-singko ng umaga, mabilis na napasok at nakontrol ng BHB ang manukan at babuyan na binabantayan ni Teofilo Alonso at ng kanyang mga anak at kapatid. Matagumpay na dinis-armahan ang mga bantay na walang nagaganap na labanan. Nasamsam ang isang M16 armalayt, isang M1 karbin, at dalawang kalibre .45 na pistola. Ang farm ay pag-aari ni Kapitan Boy Esguerra ng Barangay Uno.

Malakas ang panawagan at kahilingan ng mamamayan na parusahan sina Esguerra at Alonso na kilalang mga barako at naghahari-harian sa baryo. Tinututulan ng taumbaryo ang pagtatayo ng manukan at babuyan dahil hindi ito dumaan sa tamang proseso. Walang kaukulang permit sa barangay at DENR. Umaabot sa animnapung (60) pamilya ng Sityo Gulod, Barangay Utod, ang apektado sa pagkawala ng right-of-way (daanan ng tao) at polusyon sa hangin at kapaligiran. Ipinagbabawal ang pagpasok sa farm at babarilin ang sinumang papasok dito.

Inaabuso ni Teofilo Alonso ang kanyang kapangyarihan bilang Hepe ng Barangay Police ng Utod. Nambubugbog, nanunutok ng baril, at nagpapataw ng mabibigat na kaso sa mga menor na paglabag ng mga mamamayan. Miyembro ng Community Based Security System (CBSS – front ng Provincial Police Mobile Group ng District 1 o PPMG sa gawaing paniktik)  si Alonso at ang kanyang mga anak at kapatid. Bilang Team Leader ng CBSS, aktibo si Alonso na nagrereport sa hanay ng kaaway at nagmomonitor ng pagkilos ng masa at NPA sa baryo, kaya naman nagkakaroon dito ng mga operasyong militar.

Ang tagumpay ng isnayp at reyd ay pagtatagumpay sa larangan ng pulitika at militar. Dahil dito, nagdiriwang ang mga mamamayan kaya’t patuloy na umaani tayo ng suporta mula sa kanila. Ito ang nagsisilbing patunay na natutugunan ng BHB ang demokratikong mithiin at interes ng mamamayan. Muli nating naipakita na sa mahigpit na pagkakaisa ng hukbo at ng masa tiyak na magagapi natin ang kaaway.

Sa kabila ng masinsing operasyong isinasagawa ng militar upang tugisin ang BHB, ligtas na nakaatras ang mga hukbo. Kasabay ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang-Tao, ngayong ika-10 ng Disyembre, mariing kinukondena ng mamamayan ang panggigipit,  pananakot, at pandarahas na patuloy na ginagawa ng kaaway.

Susi sa tagumpay na ito ang mahusay na pagpaplano, paghawak ng inisyatiba, paggamit ng pleksibilidad, at mataas na konsolidasyon ng yunit ng BHB na mahigpit na tumatalima sa CARHRIHL, internasyunal na makataong batas ng digma, at bahagi ng pagtugon na magparami ng armas para sa hukbo ng mamamayan.

Mabuhay ang NPA – Batangas!
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!
Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!