Wakasan ang makadayuhan at anti-mamamayang sistema sa ekonomya

Editoryal
ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Labis-labis ang pagkasuklam ng mamamayang Pilipino sa nagpapatuloy na paglubha ng kanilang kalagayang pangkabuhayan sa ilalim ng rehimeng US-Aquino. Matapos ang isa’t kalahating taon, maliwanag na ipinakikita ni Benigno Aquino III na walang pinag-iba ang kanyang rehimen sa nagdaang rehimeng Arroyo at mga nauna pang papet na rehimen sa usapin ng ekonomya at pagharap sa mga tampok na suliranin ng kahirapan at kagutuman ng mamamayan.

Patuloy na lumalala ang problema ng disempleyo, mababang sahod, pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, pagkain at iba pang saligang bilihin at mga serbisyo. Gayundin, lumalala ang kawalan ng lupa, kawalan ng disenteng tirahan ng mga maralita, laganap na mga sakit, pagkabulok ng mga serbisyong pang-edukasyon at pangkalusugan. Malawakang nawawasak ang kapaligiran na nagdudulot ng dagdag na kahirapan sa kabuhayan ng mamamayan.

Malawakang protesta, sagot sa mga patakarang pahirap

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas sa mamamayang Pilipino sa pagkundena sa mga dayuhang kumpanya ng langis na apat na beses nang nagpapataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa loob lamang ng 20 araw. Dagdag ding pasanin ng mamamayan ang bagong pagtaas ng singil sa tubig ng P2.335 per cubic meter simula noong Enero 1 at pagtaas ng singil sa kuryente ng mga kumpanyang pag-aari ng malalaking kumprador burgesya gaya ng mga pamilyang Lopez at Aboitiz.

Korte Suprema: Hukuman ng mga Naghaharing Uri

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Nasa sentro ngayon ng tunggaliang paksyunal ng mga naghaharing uri ang Korte Suprema sa pagtatangka ng naghaharing pangkating Aquino na patalsikin si Chief Justice Renato Corona. Gayunman, sa kasaysayan, ang Korte Suprema, tulad ng iba pang sangay ng reaksyunaryong gubyerno, ay nagsilbing instrumento para sa pagpapanatili ng papet, bulok at mapanupil na reaksyunaryong sistema at kolektibong interes ng mga naghaharing uri.

Paglilitis kay CJ Corona

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Sinimulan na noong Enero 16 ang paglilitis ng Senado kay Chief Justice Renato Corona.

Tinututukan ng mamamayang Pilipino ang paglilitis na ito dahil nais nilang maging bahagi ito ng pagsisikap nila na idiin si Gloria Arroyo sa mga krimen niya laban sa bayan. Ang pagtatalaga kay Corona bilang pinuno ng Korte Suprema ay ihinabol ni Arroyo sa hangaring mapaburan siya sa kanyang oras ng pangangailangan.

Panggigipit kay Alan Jazmines, kinundena

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Mula nang iligal na idetine si NDFP Consultant Alan Jazmines, ilang ulit na siyang pinagbabantaan ng mga upisyal ng PNP Custodial Center na ilipat sa ibang kulungan.

Unang pinag-initan si Jazmines nang simulan niya ang paglalantad ng mga paglabag ng mga awtoridad sa karapatang-tao ng mga detenido, hindi makatarungang paghihigpit at bulagsak na kundisyon ng mga nakakulong. Pinamunuan ni Jazmines ang pakikibaka ng mga detenido laban sa mapaniil na mga patakaran at hindi makataong kundisyon sa loob ng kulungan.

Patuloy na nakakulong si Ka Bart

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Lampas isang taon nang nakakulong si Tirso “Ka Bart” Alcantara. Ito ay sa kabila ng mga pangako ng rehimeng US-Aquino na palalayain na ang mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Inaresto si Ka Bart noong Enero 3, 2011, labag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Sa pakikipagnegosasyon ng NDFP, tatlong ulit na binitawan ang naturang pangako, dalawa sa pirmadong mga kasunduan noong Enero at Pebrero 2011, at minsan sa pakikipagkonsultasyon noong Setyembre 2011 sa gubyernong Norwegian, ang nagsisilbing tagapamagitan sa usapang pangkapayapaan.

Pitong magsasaka, inaresto sa Pangasinan

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Pitong magsasaka ang inaresto ng mga pulis noong Enero 13 matapos nilang pigilan ang pagbabakod ng kanilang mga sakahan sa bayan ng Bayambang sa Pangasinan.

Kinilala ang mga inaresto na sina Rodolfo Natividad, Emeterio Paningbatan, Felipe Caron, Bernardito Dizon, Rudy Peralta, Rodrigo Asuncion at Ludivico Mejia—mga kasapi ng Ulopan Na Umbaley Ed Camp Gregg Military Reservation.

Mamamahayag sa GenSan, pinatay

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Pinagbabaril noong Enero 6 si Christopher Guarin, 41, editor at publisher ng “Tatak News”, isang pahayagang nakabase sa General Santos City. Pauwi sa kanyang bahay ang mamamahayag nang siya ay paslangin sa Barangay Lagao ng naturang lunsod ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Bagamat sugatan, tumalon pa rin si Guarin sa labas ng kanyang sasakyan para hindi madamay ang kanyang mag-anak. Gayunpaman, limang bala ang tumama sa kanyang katawan at isa sa ulo. Nasugatan din ang kanyang asawa.

Marahas na demolisyon sa San Juan

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Marahas na dinemolis ang mga tirahan ng mga maralitang pamilya sa komunidad ng Corazon de Jesus (CDJ) sa San Juan City noong Enero 12. Umabot sa 20 ang iligal na inaresto at 31 ang nasugatang mga residente (dalawa ang malala) matapos pwersahang pasukin ng mahigit 600 pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at demolition team ang Narciso Street kung saan nakatayo ang barikada ng mga maralita.

Malalaking kumpanya sa pagmimina, pinapaboran ng rehimeng US-Aquino

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Mariing kinundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang rehimeng US-Aquino sa paggamit ng nangyaring trahedya sa Pantukan, Compostela Valley noong Enero 5 para pwersahang palayasin ang mahihirap at maliliit na minero at manggagawa sa minahan sa kanilang komunidad. Sinisisi ng rehimeng US-Aquino ang maliliit na minero sa sunud-sunod na pagguho ng lupa sa kanilang lugar. Pero ang totoo, ang pagguho ay dulot ng eksplorasyon ng malalaking kumpanya sa pagmimina at pagtotroso noong nakaraan.

6 sundalo patay, 16 sugatan sa Bukidnon

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Anim na sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napatay at 16 ang nasugatan sa dalawang magkahiwalay na ambus na inilunsad ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) noong Enero 18 sa Barangay Sinuda at Palakapaw, Kitaotao, Bukidnon.

Ayon kay Ka Rigoberto Sanchez, tagapagsalita ng Merardo Arce Command (BHB-Southern Mindanao), layunin ng inter-larangang operasyong ito na pataasin ang mapanlabang diwa ng mga magsasaka laban sa brutalidad ng 23rd IB.

Gen. Mario Chan, sinungaling!

ANG BAYAN
21 Enero 2012


Download PDF
Pinabulaanan ng Efren Martires Command (BHB-Eastern Visayas) ang pahayag ni Gen. Mario Chan, hepe ng 8th Infantry Division na wala nang rebolusyonaryong kilusan sa Leyte. Katunayan, ayon kay Ka Karlos Manuel, tagapagsalita ng kumand, noong Disyembre lamang ay nadagdagan ng 500 aktibistang masang magsasaka, kababaihan at kabataan ang hanay ng mga tagasuporta ng BHB sa Leyte. Mas maraming baryo ang naabot ng pag-oorganisa ng hukbong bayan sa kabila ng pag-igting ng Oplan Bayanihan sa isla.

Pangkalahatang welga, nagpapatuloy sa Nigeria

Ang Bayan
Enero 21, 2011


Download PDF
Magdadalawang linggo nang paralisado ang mga aktibidad pampulitika at pang-ekonomya sa Nigeria bunsod ng mariing pagtutol ng mga Nigerian sa pagtaas ng presyo ng langis. Pumutok ang pangkalahatang welga ng mamamayan nang itigil ng gubyerno ni Pres. Goodluck Jonathan ang subsidyo ng gubyerno sa langis noong Enero 1. Umaabot sa $8 bilyon ang subsidyong inilalaan ng gubyerno rito para mapanatiling istable ang presyo ng mga produktong petrolyo.

AFP suffers 22 casualties in NPA inter-front operations in Bukidnon

Rigoberto F. Sanchez
Merardo Arce Command, NPA-Southern Mindanao
20 January 2012

Six elements of the Armed Forces of the Philippines were killed and 16 others were wounded in two separate ambushes by the New People’s Army Red fighters January 18 in Barangay Kitaotao, Bukidnon. The inter-front operations against the 23rd Infantry Battalion and the 8th Infantry Battalion which was directed by the NPA’s Regional Operations Command, was aimed in shoring up the local peasants’ clamor against the atrocious military combat operations.

Aquino regime serving as pawn of US in Asia-Pacific interventionism--CPP

Information Bureau
Communist Party of the Philippines
January 19, 2012

The Communist Party of the Philippines (CPP) today denounced the Aquino government for "allowing the Philippines to be used as a pawn by the US in its interventionist plans in the Asia-Pacific region." The CPP issued the statement after Malacañang announced yesterday that the US government will be conducting "more military exercises" in the Asia-Pacific region including the Philippines.

Berdugo at protektor ng minahan, pinarusahan

Bagong Hukbong Bayan
Nueva Vizcaya
18 Enero 2012

Pinarusahan ng isang Partisan unit ng New People's Army (NPA) kahapon ng umaga ang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na si SPO4 Isabelo Carpio ng Aritao, Nueva Viscaya. Tinambangan siya sa national highway habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo pauwi mula sa kanyang trabaho sa Bambang.

Condemn the Aquino government for supporting US interventionism in Iran--CPP

Information Bureau
Communist Party of the Philippines
January 17, 2012


The Communist Party of the Philippines (CPP) today released the following statement:

Benigno Aquino III displayed such pathetic lack of national dignity and betrayed the abject puppetry of his foreign policy when he sought the "understanding" of the Obama government for not being able to support fully the imposition of the US-instigated economic embargo against Iran. Aquino said that the Philippine government could not give its allout support to the economic embargo as Iran is one of the biggest markets for Philippine banana exports.

Filipino people need to wage Nigeria-like protests in face of unbounded oil price increases--CPP

Information Bureau
Communist Party of the Philippines
January 17, 2012

The Communist Party of the Philippines (CPP) today released the following statement.

The Communist Party of the Philippines (CPP) joins the Filipino people in condemning the foreign oil companies for raising the retail prices of petroleum products in the Philippines for the fourth time in less than 20 days. The CPP denounces the Aquino regime for feigning helplessness, collaborating in effect with the foreign oil cartel in allowing such successive oil price increases, and refusing to rescind the 12% expanded VAT on oil products.

Statement of NDF Metro Manila on the demolition in Corazon de Jesus, San Juan

Liliosa Sumilang
NDF – Metro Manila
January 15, 2012

The National Democratic Front (NDF) Metro Manila salutes the valiant, determined and organized resistance against the demolition of the urban poor people of Corazon de Jesus, San Juan. Bearing the red flag, the residents resolutely defended their homes and their barricade from the forces of the police, SWAT, demolition team, bulldozer, water cannon, high-powered firearms and teargas. Despite losing their homes, the residents even refused the relocation offered by the local government. Most of the residents now temporarily live in a shelter with the help of church workers. Meanwhile, the hundreds of families who remain in Corazon de Jesus gear for another stage of their resistance. In the face of greater oppression, upholding their dignity is one triumph of the poor when they choose the path of struggle.

Papanagutin ang berdugong 80th IB sa krimen nito sa mga Mindoreno!

HIGOM MARAGANG
Lucio De Guzman Command- NPA-Mindoro
January 15, 2012

Duguan ang kamay ng rehimeng Aquino at ng mga galamay nito sa 80th IB, Phil Army ng paslangin nila si Guillermo Castillo, 46, sa Sityo Tuguian, Brgy Tayamaan. Mamburao, Occidental Mindoro noong Disyembre 13, 2011. Lapastangang isinagawa ang krimen ng naka-bonnet na mga salarin sa loob mismo ng pamamahay ng biktima sa harapan ng kanyang asawa.

Mamamayang Mindoreňo, Magpunyagi sa Paglaban para sa Karapatang Pantao!

MA. PATRICIA ANDAL
NDF-Mindoro
03 Enero 2012

Isang Peace Pilgrimage ang inilunsad ng mga mamamayan ng Mindoro noong Diyembre 13-15, 2011 bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Ang multisektoral na aktibidad ay dinaluhan ng mga magsasaka, katutubo, taong simbahan, mga propesyunal, kamag-anak at kaibigan ng mga bilanggong pulitikal at iba pang biktima ng paglabag ng karapatang pantao sa Mindoro.

Establish the People’s Barricade against state brutality

Advance the revolutionary urban mass movement toward greater victories and contribute to the People’s War

Lucille Gypsy Zabala Brigade
Kabataang Makabayan – Metro Manila
January 15, 2012

The Kabataang Makabayan-Lucille Gypsy Zabala Brigade (Metro Manila) extends its revolutionary salute to the youths and residents of Brgy. Corazon de Jesus, San Juan City for their valiant and unyielding struggle to defend their homes as manifested in the brutal demolition staged last January 11, 2012.