LGUs continue to toy with fake surrenderees with incredulous and dubious tales

Simon "Ka Piliw" Naogsan
CPDF
9 March 2012

The Cordillera People’s Democratic Front (CPDF) derides local government units (LGUs) including the provincial government of Mountain Province for falling to the vicious trap of the military in recruiting and recognizing fake rebel surrenderees. In the latest tale of a procession of false claimants to the P5,000 monthly livelihood funds, the provincial government of Mountain Province continues to present just about anyone who can claim to be a rebel.

Make Aquino pay for his failure to hold Arroyo accountable for her crimes against the people

ANG BAYAN
7 March 2012

PDF available in Pilipino
The Filipino people have lost all trust in the Aquino regime for its failure to hold Gloria Macapagal-Arroyo accountable for grave violations of human rights and international humanitarian law, plunder and other major cromes against the people.

The latest disappointment came last week in the form of the prosecution's decision to terminate the presentation of evidence in the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona that would have proven him to be Arroyo's man in the Supreme Court. This move by Aquino's men within the prosecution panel is believed to have been made to cover up Corona's connection to the Arroyos.

In Revolutionary Memory of Horacio “Ka Boy” Morales

ALAN JAZMINES
detained NDF Consultant
PNP Custodial Center, Cam p Crame
6 March 2012

To Bel and the family and loved ones of Horacio “Ka Boy” Morales, his fellow fighters, friends and colleagues:

I, and others who were Ka Boy’s fellow comrades-in-arms and fellow fighters in the National Democratic Front of the Philippines (NDF) extend our deep and heartfelt condolences at his demise.

We honor Ka Boy for devotedly having served the national democratic revolutionary movement in our country for a long time -- starting from where he was stil l a ranking government official (as Executive Vice-President of the Development Academy of the Philippines), when he openly defected to the national democratic revolutionary movement on the very night he was to receive the award as one of the Ten Outstandi ng Young Men (TOYM) in the Philippines in December 1977, and when for several years he lived the life of a revolutionary fighter in the New People’s Army and became a leading cadre of the NDF.

CPP joins Filipino women in marking International Women's Day with protests

Information Bureau
Communist Party of the Philippines
March 08, 2012


The Communist Party of the Philippines (CPP) today expressed support and solidarity with the Filipino women in marking the 98th anniversary of International Women's Day with mass protests against oil price increases and intensifying American military intervention.

"The Filipino women, especially, the women from the ranks of the toiling masses, are suffering from increasing oppression and poverty as a result of incessant increases in the prices of petroleum products, cooking gas, food and other basic commodities, water, electricity, education, health and other essential social services" said the CPP.

4 dead, 12 wounded 57th IB-AFP troops in Makilala NPA counter-offensive

Ricardo Fermiza
Magtanggol Roque Command, Front 51, NPA-Southern Mindanao
March 8, 2012

The Magtanggol Roque Command Front 51 Operations Command retaliated in a decisive counter-offensive against an 80-man 2-column unit of the abusive 57th Infantry Battalion-AFP, March 5, in Makilala town, North Cotabato.

Red fighters fought against the abusive combat forces of the 57th IB, the AFP unit responsible for the atrocious human rights violations in North Cotabato.

NPA operatives punish anti-communist Lumad bagani coddler linked in Fr. Tentorio's murder

Rigoberto F. Sanchez
Merardo Arce Command-NPA Southern Mindanao Regional Operations Command
March 8, 2012

The Merardo Arce Command Southern Mindanao Regional Operations Command-New People’s Army commends the Herminio Alfonso Command-Guerilla Front 53 Operations Command for implementing the standing order against Patrick Wineger, 48, a rabid anti-communist
businessman-landlord at 7:40 am, March 7, in Ladlaran, Villamarzo St., Kidapawan City. Wineger, who is linked to the murder of Italian priest Fr. Fausto "Pops" Tentorio, was armed with a cal.45 pistol.

Free Eduardo Sarmiento and the NDFP consultants to tackle the people's socio-economic problems

Fr. Santiago "Sanny" Salas
NDFP-Eastern Visayas
Marso 8, 2012


In a statement noting the third year of detention of the detained NDFP consultant for the region, Eduardo Sarmiento, the National Democratic Front-Eastern Visayas today said the Aquino government must show its sincerity for the people's welfare and resume the peace talks with the NDFP. “The Aquino government willfully refuses to release Eduardo Sarmiento and the other detained consultants,” said NDF-EV spokesperson Fr. Santiago Salas. “It is striving to junk the Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG)and other previous agreements with the NDFP, that not only protect the consultants but also assure the framework towards reaching a just and lasting peace. By doing so, the Aquino government shows it wants both to exploit the peace talks to call for the capitulation of the revolutionary forces, as well as use Oplan Bayanihan to attack and repress the people.”

Singilin si Aquino sa patuloy na pagkabigong panagutin si Arroyo

Editoryal
Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Ubos na ang tiwala ng mamamayang Pilipino sa rehimeng Aquino na pananagutin nito si Gloria Macapagal-Arroyo sa mga malaki’t malalang kaso ng paglabag sa karapatang-tao at makataong batas, mga kaso ng pandarambong at iba pang malalaking krimen sa bayan.

Pinakahuli sa ikinadidismaya nila ang pagpigil noong nakaraang linggo sa presentasyon ng ebidensya sa paglilitis ng Senado kay Chief Justice Renato Corona para patunayan na siya ay tauhan ni Arroyo sa Korte Suprema. Ang ginawang ito ng mga tauhan ni Aquino sa pangkat ng mga tagausig ay pinaniniwalaang isang hakbangin upang tabunan ang usapin ng kuneksyon ni Corona kay Arroyo.

Kuneksyon ni Corona kay Arroyo, tinatabunan ni Aquino

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Hinahadlangan ni Aquino at ng kanyang mga kasapakat ang pagsisikap na magharap sa paglilitis sa Senado ng ebidensyang magpapatunay kung papano nagsisilbi si Chief Justice Renato Corona sa amo nitong si Gloria Arroyo.

Noong Pebrero 28, sa ika-25 araw ng paglilitis kay Corona, nagulat na lamang ang mamamayang Pilipino nang biglang ipahayag ni Rep. Niel Tupas Jr., pinuno ng mga tagausig na tinatapos na nila ang presentasyon ng mga ebidensya.

Panibagong karahasan sa Hacienda Luisita

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Mariing kinundena ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA) at Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL) ang muling pagsambulat ng karahasan sa asyenda. Nangangamba silang mauulit ang masaker na naganap noong 2004 kung saan pinaputukan ng pinagsanib na pwersa ng militar, pulis at mga gwardya ng asyenda ang nakawelgang mga manggagawang bukid.

Malawakang kilos-protesta laban sa pagtaas ng presyo ng langis, nakatakda

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Pamumunuan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang isang malawakang kilos-protesta sa Marso 15 laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. Ayon kay Elmer Labog, tagapangulo ng KMU, hindi matatanggap ng mga manggagawa at iba pang maralitang sektor ang lingguhang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ang sobrang pagpepresyo nito sa lokal na merkado, pagmomonopolyo ng malalaking kumpanya ng langis at pakikipagsabwatan dito ng gubyernong Aquino.

Operation Pacific Angel sa Bicol, binatikos

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Mariing binatikos ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang paglahok ng mga pwersang Amerikano sa Oplan Bayanihan sa rehiyon ng Bicol. Kasabay nito, iginiit ng PKP na iatras ng US ang kanilang pwersa sa rehiyon na maglulunsad ng Operation Pacific Angel 12-1 sa Marso 5 hanggang 10. Ang pinagsanib na pagsasanay-militar ng 13th US Air Force ay bahagi ng Civil-Military Operations (CMO) sa ilalim ng US Pacific Command.

Ayon naman kay Ka Greg Bañares, tagapagsalita ng National Democratic Front-Bicol, inilulusot ng US ang paglahok ng mga pwersa mula sa 13th US Air Force sa mga operasyon ng Oplan Bayanihan sa tabing ng kunwa’y mga misyong “humanitarian and relief.”

Atake ng 16th IB, binigo ng BHB-Rizal

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Binigo ng mga Pulang mandirigma ng Narciso Antazo Aramil Command (Bagong Hukbong Bayan-Rizal) ang pag-atake ng 16th IB noong Pebrero 9. Napatay sa labanan ang isang PFC Agcaoili habang walang kaswalti at ligtas na nakaatras ang yunit ng BHB.

Pansamantalang nakahimpil noon ang yunit ng BHB sa Sityo Kinabuan, Barangay Sta. Ines, Tanay, Rizal nang salakayin sila ng nasabing tropa pasado ala-una ng hapon. Subalit ang planong atake ng mga pasistang sundalo ay naging opensiba laban sa kanila nang labanan sila ng mga Pulang mandirigma. Matapos matamaan ng BHB ang isang sundalo ay mabilis na nagsitakbuhan ang yunit ng 16th IB. Tumagal lamang ng sampung minuto ang labanan subalit takot na takot ang mga sundalo at walang habas na nagpaputok hanggang alas-4 ng hapon.

Pagpapahirap at panlilinlang ng 4Ps sa Southern Mindanao

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Malinaw sa Southern Mindanao ang huwad at mapanlinlang na katangian ng ipinangangalandakang programang kontra-kahirapan ng rehimeng US-Aquino — ang Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps).

Sa Paquibato District, Davao City, binabatikos ng masa ang paglakip sa mayayamang magsasaka at maliliit na negosyante sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps habang wala naman sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga maralitang magsasaka. Ayon kay Rubi del Mundo, tagapagsalita ng National Democratic Front-Southern Mindanao, tanging ang DSWD ang tumutukoy kung sinu-sino ang magiging mga benepisyaryo ng programang 4Ps.

Mindanao 2020: Plano para sa imperyalistang pandarambong

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Ang Mindanao 2020 ay isang masaklaw na programa ng rehimeng US-Aquino na naglalayong bigyang-daan ang pandarambong at pagsasamantala ng mga dayuhang korporasyon sa yaman at mamamayan ng Mindanao. Una itong isinapubliko noong Nobyembre 2010 bilang planong “pangkaunlaran” na sumasaklaw hanggang 2030.

Nasa likod ng pagbubuo ng Mindanao 2020 ang Braintrust Incorporated, isang institusyong pinopondohan ng World Bank. Kabilang sa mga tinukoy na katuwang sa pagpapatupad ng programa ang USAID, Aus-AID, The Asia Foundation, Konrad-Adenauer-Stiftung ng Germany, World Bank at Japan Cooperation International Agency (JICA), pawang mga ahensya at institusyon para sa “kaunlaran” na katuwang sa pamumuhunan ng mga monopolyo kapitalistang korporasyon. Itinayo ni Aquino ang Mindanao Development Authority (MinDA) para direktang pamahalaan ang pagpapatupad ng programa, kasabay ng pagkopo ng mga kontrata at pondo para rito.

Mindanao 2020: Kontra-Moro

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Isang malaking bahagi ng Mindanao 2020 ang pagsupil ng mga armadong rebolusyon sa Mindanao. Tinututukan ng MinDA at ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) ang pagbuhos ng pondo para sa ayuda at rehabilitasyon ng mga nasalanta sa gera sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at mga armadong galamay ng rehimen. Partikular nilang pinagtutuunan ng pansin ang Cotabato basin, kung saan naroon ang malalawak na yamang mineral. Naglaan na ng P718 milyong pondo ang rehimen para sa mga lugar dito. Laganap din ang pagpapatupad ng hungkag na kontra-kahirapang Programang Pantawid Pamilyang Pilipino sa mga komunidad.

Pamiminsala ng mga dayuhang minahan sa Palawan

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Hungkag ang ipinangangalandakan ng gubyernong Aquino na pinangangalagaan nito ang Palawan at ang mayamang kalikasan at natatanging mga hayop at tanim na matatagpuan doon. Ang totoo, halos buong isla ng Palawan ay ipinaubaya na nito sa mga dayuhang kumpanya sa pagmimina.

Hitik sa yamang mineral ang Palawan. Tinatayang may mahigit P300 bilyong nickel ang matatagpuan sa Palawan. Kaya naman mula nang pagtibayin ang Mining Act of 1995, nagkandarapa na sa pag-uunahan ang mapandambong na mga dayuhang kumpanya na makapasok at saklutin ang buong Palawan.

Abusadong Maritime Police sa Palawan, nilabanan

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Napatay ang isang abusadong elemento ng Maritime Police matapos itong barilin ng ginigipit nitong mga sibilyan sa Barangay Liminangcong, Taytay, Palawan noong Enero 27.

Magkasama sina SPO2 Jomar Manili at ang isang nakilala lamang na Corpuz, na kapwa armado ng ripleng M16 at pistola, nang pigilan nila ang isang grupo ng mga mangingisda na nagmula sa daungan. Tinangka nilang “arestuhin” ang apat na mangingisda na kagagaling lamang sa pier. Ngunit nakapagpaputok ang isa sa mga mangingisda na nagresulta sa pagkamatay ni Manili.

Malalaking kumpanya sa pagmimina, tinuligsa

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Nagmartsa ang daan-daang aktibistang pangkalikasan patungong Malacañang noong Marso 3 para igiit sa gubyernong Aquino ang mariin nilang pagtutol sa patakaran ng liberalisasyon at dayuhang pagmimina sa bansa. Ito ang pambungad na aksyong masa sa pinaigting na pambansang kampanya laban sa mapangwasak na pagmimina.

Pamilya, minasaker sa Camarines Norte

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Isang pamilyang magsasaka ang minasaker sa Camarines Norte habang isa pang magbubukid ang dinukot ng mga militar sa Laguna. Tampok din ang harasment sa mga detenidong pulitikal at mga estudyanteng mamamahayag sa matitingkad na paglabag sa karapatang-tao na nakalap ng Ang Bayan.

Pebrero 26. Tatlong lider ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang hinaras ng mga militar habang isinasagawa ang CEGP Convention sa University of Eastern Philippines sa Catarman, Northern Samar.

1002nd Bde, protektor ni Danding Cojuangco sa Malita, Davao del Sur

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Ang 1002nd Brigade ng Philippine Army ang protektor ng malaking burges komprador na si Eduardo “Danding” Cojuangco sa bayan ng Malita, Davao del Sur. Kasapakat ni Cojuangco sa paghahasik ng lagim at pagkakamal ng malaking salapi mula sa iba’t ibang negosyo sa Malita ang meyor ng bayan na si Franklin Bautista.

Daan-daang ektaryang plantasyon na ng saging ang pagmamay-ari ng mga Cojuangco sa Malita at ganundin ang mga Bautista. Patuloy silang nagpapalawak ng kanilang plantasyon sa pamamagitan ng panlilinlang o kaya’y marahas na pang-aagaw ng lupa ng mga magsasaka. Ang pangunahing instrumentong ginagamit nila ngayon sa pangangamkam ng malalawak na lupain ay ang 39th IB at 73rd IB ng 1002nd Brigade.

Edukasyon para sa tubo

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Sa darating na pasukan (2012-2013), mahigit 300 pribadong paaralan ang magtataas ng matrikula sa kabila ng mariing pagtutol ng mga estudyante at kanilang mga magulang. Umaabot sa abereyds na 10-15% ang itataas sa mga bayarin. Noong nakaraang taon (2011-2012), nagtaas ang 324 kolehiyo at unibersidad ng matrikula sa abereyds na P37 kada yunit.

Sa ginawang pag-aaral ng mga samahang mag-aaral, mahigit doble na ang kasalukuyang halaga ng matrikula sa Pilipinas kumpara noong 2001. Sa National Capital Region (NCR), nasa abereyds na 143% o halos triple ang pagtaas ng matrikula. Umaabot na sa P2,000-3,000 kada yunit ang matrikula o P36,000-54,000 para sa isang 18-yunit na semestre sa malalaking unibersidad.

Greece, lunod sa utang

Ang Bayan
Marso 7, 2012

Download PDF here

Daanlibong mamamayang Greek ang nakipagsagupaan sa mga pulis at nagmartsa papunta sa harap ng kanilang parlamento sa Athens para labanan ang panibagong pagbabawas sa pondong nakalaan para sa mga serbisyong panlipunan at napipintong malawakang tanggalan sa trabaho.

NDFP condemns persecution of Alan Jazmines and other NDFP consultants

Luis G. Jalandoni
Chairperson, NDFP Negotiating Panel
07 March 2012

The National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Negotiating Panel vigorously condemns the acts of persecution perpetrated by P/Supt. Cesar Magsino of the PNP Custodial Center in Camp Crame against NDFP Consultant Alan Jazmines, Member of the NDFP Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms. Other NDFP Consultants, Eduardo Serrano and Eduardo Sarmiento are likewise victimized.

AFP at Gobyerno: Pinakamasahol na kriminal!

Ka Wigan Moncontad
Tagapagsalita, Nona Del Rosario Command
New People's Army--Ifugao

Noong umaga ng 26 Pebrero, hinoldap ng isang armadong grupo ang isang bus na bumabyahe sa kahabaan ng Tinoc-Kiangan road papuntang Lagawe. Malaking halaga ang nakuha ng armadong grupo sa mga masang pasahero.

Kasabay ng mariing pagtuligsa ng Nona Del Rosario Command, New People's Army -- Ifugao (NPA), sa kriminal na aktibidad na ito ay ang pagtuligsa din sa walang-batayang bintang ng 86th Infantry Batallion (IB) na ito'y kagagawan ng NPA. Hindi kailanman gagawa ng anumang porma ng kriminal o anti-sosyal na operasyon ang NPA. Ang paglalagay ng buhay o kabuhayan ng sinumang sibilyan sa peligro ay labag sa prinsipyo't disiplina ng Hukbo. Pangunahin at pangmalagiang tungkulin ng NPA ang kumilos para iangat ang antas ng kamalayan at kabuhayan ng mamamayan habang ipinagtatanggol sila laban sa patuloy na pagsasamantala. Ang pananakot at pagnanakaw ay direktang kabaliktaran ng mga prinsipyo at layunin ng rebolusyonaryong kilusan. Kung tutuusin, ang ganitong mga gawi ay mas malapit sa mga aktibidad ng reaksyunaryong militar gaya ng naipakita sa mga nakaraang panahon.

Hinggil sa pagparusa ng NPA sa Sawmill at pagdis-arma sa dalawang tauhan ng PNP

Delio Baladon
Benito Tesorio Command-NPA South Isabela
Marso 6, 2012

Kalakip nitong pahayag ang ulat sa mga nasamsam ng mga operatiba ng Benito Tesorio Command ng New People’s Army sa dalawang myembro ng Philippine National Police na sina SPO1 Noriel Sabbaluca Ualat ng Barangay Soyung, Echague, Isabela at PO2 Rodel Guerrero Bedana ng Bantug Lintao, Roxas Isabela.

Bilang tuntunin ng digma, hindi namin isasauli ang mga nakumpiska sa kanilang service firearms, ang Cal .45 pistol na may serial # 2127239 ni PO3 Bedana at ang .9mm Beretta pistol na may serial # na M00436Z ni SPO1 Ualat, at pati ang kanilang cellular phones at ilang mga papel na may high intelligence values.

Intensive military operations in Pantukan occur as US-Aquino regime cooks up a deceptive executive order on mining

Anvil Guinto
Crucifino Uballas Command, NPA-Southern Mindanao
March 7, 2012

The small-scale miners and peasants have already spoken yet the US-Aquino regime and the local reactionary government of GPH Pantukan Mayor Celso Sarenas and the 71st Infantry Battallion-AFP, is adamant in coddling the foreign large-scale mining in the country.

Two platoons of the 71st IB have again rushed to Brgy. Panganasun, Diat, Boringot and Pulang Lupa, after miners held a peaceful protest rally last week in Davao City. This is only the latest in their combat operations to dislocate the thousands of small-scale miners under the pretext of the no habitation policy imposed in January in the aftermath of Pantukan landslides. Three weeks ago, at least 52 elements of the 71st IB also scoured Pantukan mining areas. GPH Mayor Sarenas has also busied himself in coercing presidents of small scale miners association to demolish the miners.

When Demagogic Impulse and Torrent of Yellow Lies Strikes

Patnubay de Guia, Spokesperson
National Democratic Front—Southern Tagalog Region
March 4, 2012

Aquino’s popularity has been totally absorbed into his bloodstream. Power has gotten into his head. Not even worthy to win acclaim yet in paranoid desire not to lose a single drop of it, Aquino has upped his mastery of orchestrating big propaganda shows. Peppered with ruses, media projections and dramatic effects, he has highlighted it to mean crucial to his administration’s drive against corruption obscuring self-serving agenda, which has always been the primary objective for forwarding such show.

NDFP to Aquino: Stop reliance on foreign troops, return to negotiating table to address roots of civil war

National Democratic Front of the Philippines
International Information Office
5 March 2012

“Aquino must not rely on foreign armed forces to maintain his grip on power,” declared the International Information Office of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP). “It must instead heed the widespread call to return to the negotiating table with the NDFP to address the roots of the civil war.”

The NDFP IIO issued the statement today, citing reports that the Aquino government is allowing troops of the US 13th Air Force to hold military and civil-military operations in the Bicol region under its Operation Pacific Angel 12-1. The operation starts today and is scheduled to last until 10 March 2012.

Operation Pacific Angel 12-1: Mapanlinlang na mukha ng US Intervention

Liberato Magbanwa
Christians for National Liberation-Bicol
Marso 5, 2012

Inililihis ng Gobyerno ni P-Noy Aquino at ng Imperyalismong US ang tunay na layunin ng isinasagawang Operation Pacific Angel 12-1 ngayong Marso 5-10, 2012 sa ilang bayan sa lalawigan ng Albay sa Rehiyong Bicol. Inilalako sa mga Bikolano ang kanilang kasinungalingan na ang Operation Pacific Angel 12-1 ay isa lamang civil-military activities sa porma ng joint humanitarian mission ng United States Armed Forces (USAF) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang paunlarin di-umano ang kakayahan ng mga NGOs at LGUs sa “humanitarian and disaster operations skills.”

Stop US military intervention in the Philippines!

Luis G. Jalandoni
Chief International Representative
NDFP International Information Office
5 March 2012

“Escalating US military intervention in areas of the liberation struggles of the Filipino people and the Moro people can ignite an armed conflict between the resistance fighters and the interventionist US troops,” -- Luis G. Jalandoni, NDFP


“Direct US military intervention in the Philippines is escalating. We call on international friends to condemn this and demand the immediate withdrawal of US troops!” thus declared Luis G. Jalandoni, Chief International Representative of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ang totoong mukha ng Oplan Bayanihan sa bayan ng Malita

Ka Dencio Madrigal
Valentin Palamine Command - NPA-FarSouth Mindanao Region
Marso 5, 2012

Nagyabang na naman ang 1002nd Bde, 10th ID, PA ng inilunsad nito ang “peace building seminar and rally” sa bayan ng Malita, Davao del Sur noong Pebrero 25-27 na kung saan ipinarada nito sa publiko ang mahigit-kumulang sa dalawang daang (200) tao na ayon pa sa kanilay “naligaw ng landas” at ngayon ay bumalik na sa sinapupunan ng reaksyunaryong gobyerno bilang mga “surrenderees”. Ngunit, ang katotohan, ang sinasabing mga taong ito ay mga sibilyang hinakot ng militar mula sa limang interior na barangay ng Malita.

Palparan’s Legacy of All-Out Terror Perpetuates in the Province of Laguna

Patnubay de Guia
National Democratic Front-Southern Tagalog Region
March 5, 2012

It has been a decade since Task Force Banahaw, headed by the butcher Major General Jovito Palparan, was implemented in the province of Laguna. It was a period when unabated extra-judicial killing, enforced disappearances, illegal detention and human rights violation against civilians and members of mass organizations took place in the province and region. A period ingrained in the minds of the revolutionary community, a period that will never be forgotten. Now even though Palparan is being hunted down by the reactionary state for the abduction of two University of the Philippines students, the reign of terror and impunity as his legacy to the military is very much alive.

CPP demands pullout of American troops from Oplan Bayanihan operations in Bicol

Information Bureau
Communist Party of the Philippines
March 04, 2012

The Communist Party of the Philippines (CPP) today denounced as "outright military interventionism" the participation of American troops in Oplan Bayanihan operations in Bicol on March 5-10. An undisclosed number of American soldiers belonging to the 13th US Air Force will be flown into Albay province to carry out military and civil-military activities on under its so-called Operation Pacific Angel 12-1.

"The increasing direct participation of the US military in Oplan Bayanihan is an outright violation of Philippine national sovereignty and shows the contempt of the US imperialists for the Filipino's claim to national freedom," added the CPP.