An Interview: The Philippines between two greedy giants


Prof. Jose Maria Sison
Founding Chairman, Communist Party of the Philippines
January 22, 2013

Interview
By John Toledo
Features Editor, Philippine Collegian

I am John Toledo, features writer of the Philippine Collegian. I am again writing another article on geopolitcs and its implications in the Philippines specifically on the West Philippine Sea conflict. The article will be published on January 22, 2012 next week Tuesday in the Philippine Collegian. Here are the following questions:

1. Historically, who are the original claimants of the West Philippine Sea? Where did this dispute come from? Who are the claimants today?

Jose Maria Sison (JMS): Let us first put into context what you refer to as the West Philippine Sea. The Spratlys are a group of 250 islets plus the shoals and reefs spread over 265,542 square kilometers. They are claimed entirely by China, Taiwan and Vietnam and in part by Malaysia, Brunei and the Philippines. The part of the Spratlys claimed by the Philippines is what it calls the Kalayaan group of islets located in the West Philippine Sea.


China, Taiwan and Vietnam claim ownership of all the Spratlys supposedly since ancient times on the basis of historical references, seasonal visits by their fishermen and assertions of claims against colonizers as well as yielding of the Spratlys by the Japanese to the French and thus to Vietnam in the San Francisco peace treaty after World War II. Malaysia, Brunei and the Philippines claim parts of the Spratlys that are geographically closest to them and within the 200-mile exclusive economic zone under the UN Convention on Law of the Sea (UNCLOS) plus prehistorical and historical claims that the islets concerned have long been the fishing grounds of their respective fishermen.

2. Why is the West Philippine Sea being claimed by China and Philippines? Is it economically and politically useful? Why or why not?

China arrogantly claims not only the entire Spratlys but also the entire sea south and east of China as its property and by making military shows of strength to assert its claims. But the Kalayaan group of islets, the Recto (Reed ) and Panatag Shoal (Scarborough) are all within the exclusive economic zone of the Philippines under the UNCLOS. It is wrong for China to claim these.

In economic terms, the contested islets and shoals and the waters around them are at least rich fishing grounds and sources of corals but they also have a high potential as sources of gas and oil. The Recto Bank is well known for having rich gas and oil deposits as a result of explorations. In political and military terms, the contested islets and shoals can serve as outposts for military vessels and for controlling navigation and commerce or evoking power and influence.

3. Why is US joining in the conflict? Why is it strategic for US to support the Philippines with many armed forces and materials?

The US is fishing in troubled waters. As a matter of fact, it is responsible for stirring up trouble in the first place. It has undertaken controlled trouble-making just to make the Philippine reactionary puppet government run to it for support, to have the reason for entrenching US military forces in the Philippines and to have the Philippines as a base for influencing policies and development within China. The US has strategic objectives in using the Philippines as a strategic base in the US encirclement of China.

4. Is it logically possible that China will wage war on the Philippines because of this West Philippine Sea dispute? Or is it just a ploy for US to wage war with China? Why or why not?

China will not wage war on the Philippines but it will continue to take calculated actions, including shows of force, to discourage and prevent Philippine attempts to control and occupy the contested islets and develop the gas and oil resources there. Neither will the US wage war with China to support the Philippines in the territorial dispute. It has far more economic and political interests in good relations with China than in those with the Philippines.

The US has repeatedly proclaimed that it is neutral in the territorial dispute between China and Philippines. The most it can say is that it is militarily entrenching itself in the Philippines in order to discourage China from attacking the Philippines. However, it will not act militarily against the calculated military moves of China to prevent Philippine attempts to explore and develop the gas and oil resources in the contested islets and shoals.

But China and the US might even make a deal to exploit the gas and oil resources for the benefit of US and Chinese corporations and some big comprador Filipino-Chinese firms or the Indonesian-Chinese firm (Salim group) being managed by Manuel V. Pangilinan. The whole world knows that the mineral ores of the Philippines are being wantonly excavated by US, Japanese, Canadian, Australian, Swiss, Chinese and other foreign firms, together with their big comprador allies. And China has been a major destination of the mineral ores.

In an attempt to look nationalist, the US-Aquino regime is obviously play-acting against China over the well-hyped territorial disputes. It is well within the bounds of the collaboration between the US and China. The US is steering the Philippine government towards the attainment of the narrow self-interest and strategic objectives of the US.

One more reason why the US is entrenching itself militarily in the Philippines and using this as part of the US encirclement of China is not to wage war soon but to influence policies and developments in China. The US is trying to realize the complete privatization of the most strategic state-owned enterprises in China and to promote the liberalization of Chinese politics to the point of doing away with the authoritarian rule and causing the weakening or even disintegration of the bureaucrat monopoly capitalism.

5. What are the implications of the Sino-Philippine territorial dispute in relation to the sovereignty of the Philippines?

What is tragic about the Philippine ruling system of big compradors and landlords is that it is weak and servile to imperialist powers and that both the US and China take advantage of the Philippines. The US pretends to protect the Philippines but it is a bantay salakay. Having long become a capitalist country, China cannot be expected to be a gentle and generous giant.

The Filipino people can best assert their national sovereignty and defend their territorial integrity by overthrowing the ruling system and establishing a people´s democratic state that is truly independent and democratic, determined to carry out land reform and industrialization, realizes social justice and aims for socialism. Such a state is capable of using effective diplomacy and defending its territory against intruders. ###

--------------
Pilipino Translation

Ang Pilipinas sa gitna ng dalawang ganid na higante


Panayam kay Prof. Jose Maria Sison
Founding Chairman, Communist Party of the Philippines

ni John Toledo
Features Editor, Philippine Collegian

1. Sa kasaysayan, sinu-sino ang mga orihinal na umaangkin sa West Philippine Sea? Saan nagsimula ang alitang ito? Sinu-sino ang mga umaangkin ngayon?

Jose Maria Sison (JMS): Isakonteksto muna natin ang tinutukoy mong West Philippine Sea. Isang grupo ng 250 maliliit na mga isla ang Spratlys kabilang ang mga buhangian at bahura na nakakalat sa 265,542 kilometro kwadradong erya. Inaangkin ito nang buo ng China, Taiwan at Vietnam at ng bahagi ng Malaysia, Brunei at ng Pilipinas. Ang bahagi ng Spraltys na inaangkin ng Pilipinas ay ang itinuturing nitong grupo ng maliliit na mga isla ng Kalayaan na nasa West Philippine Sea.

Inaangkin lahat ng China, Taiwan at Vietnam ang Spratlys diumano simula pa noong unang panahon batay sa sangguniang istoriko, pana-panahong pangingisda at paggigiit ng pag-angkin laban sa mga mananakop pati na sa pagsusuko ng Spratlys ng mga Hapones sa mga Pranses at sa Vietnam sa isang kasunduang tinatawag na San Francisco peace treaty pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Inaangkin naman ng Malaysia, Brunei at Pilipinas ang bahagi ng Spratlys na pinakamalapit sa kanilang lupain at nasa loob ng 200-milyang ekslusibong sonang pang-ekonomya sa ilalim ng UN Convention on Law of the Sea (UNCLOS) gayundin dahil sa pre-istoriko at istorikong pag-angkin na ang naturang malilit na isla ay malaon nang ginagamit na pangisdaan ng kani-kanilang mangingisda.

2. Bakit kapwa inaangkin ng China at Pilipinas ang West Philippine Sea? Pakikinabangan ba ito sa usapin ng ekonomya at pulitika? Bakit oo at bakit hindi?

Aroganteng inaangkin ng China hindi lamang ang buong Spratlys kundi maging ang buong karagatan sa timog at kanluran ng China na pag-aari nito at sa pamamagitan ng pagpapakita ng lakas militar nito upang igiit ang pag-angkin. Subalit ang maliliit na isla ng Kalayaan, Ang Recto (Reed) at ang Panatag Shoal (Scarborough) ay nasa loob ng ekslusibong sonang pang-ekonomya ng Pilipinas sa ilalim ng UNCLOS. Maling angkinin ng China ang mga ito.

Sa usaping pang-ekonomya, ang pinag-aagawang mga isla at buhanginan at ang katubigang nasa paligid nito ay hindi lamang mayamang pangisdaan at may malawak na bahura kundi may malaking potensyal na pagmulan ng gas at langis. Kilala ang Recto Bank sa pagkakaroon ng mayamang deposito ng gas at langis na resulta ng eksplorasyon. Sa usaping pampulitika at militar, ang pinag-aagawang mga isla ay maaaring magsilbing gwardyahan para sa mga sasakyang militar at sa pagkontrol sa paglalayag at komersyo o pagpapakita ng kapangyarihan at impluwensya.

3. Bakit nakikisawsaw sa tunggalian ang US? Bakit estratehiko sa US na suportahan ang Pilipinas sa pamamagitan na malaking armadong pwersa at materyales?

Nakikisawsaw lang talaga sa gulo ang US. Sa katunayan, ito ang antemanong responsable sa pagpapakulo ng gitgitan. Gumagawa ito ng kontroladong pang-uupat upang itulak ang reaksyunaryong papet ng gubyerno ng Pilipinas na umamot ng tulong nito, para magkaroon ng katwirang makapanatili ang mga pwersang militar nito sa Pilipinas at para maging base ang Pilipinas sa pag-impluwensya ng patakaran at pagpapaunlad sa China. May estratehikong layunin ang US sa paggamit sa Pilipinas bilang estratehikong base para sa pagkubkob sa China.

4. Makatwiran ba para sa China na gerahin nito ang Pilipinas dahil sa tunggalian sa West Philippine Sea? O isa lamang itong pakana ng US para gerahin ang China? Bakit o bakit hindi?

Hindi gegerahin ng China ang Pilipinas subalit gagawa ito ng mga tantyadong aksyon, kabilang ang pagpapakita ng pwersa upang pahinain ang loob at pigilan ang pagtatangka ng Pilipinas na magkaroon ng kontrol at sakupin ang pinag-aagawang mga isla at masamantala nito ang pinagmumulan ng gas at langis nito. Hindi rin maglulunsad ng gera ang US sa China para lamang suportahan ang Pilipinas sa isang tunggaliang panteritoryo. Mayroon itong mas malalim na pang-ekonomya at pampulitikang interes para makipagrelasyon sa China kaysa sa Pilipinas.

Paulit-ulit na ipinapahayag ng US na nyutral ito sa tunggaliang panteritoryo sa pagitan ng China at Pilipinas. Ang maaari lamang masabi nito ay pinamamalagi ang militar nito sa Pilipinas upang mapigilian ang China na atakehin ang Pilipinas. Gayunpaman, hindi ito gagawa ng aksyong militar laban sa tantyadong militar na galaw ng China upang hadlangan ang pagtatangka ng Pilipinas na masaliksik at mapaunlad ang pinagmumulan ng gas at langis sa pinag-aagawang mga isla at buhanginan.

Subalit ang China at US ay maaaring magkasundo na pakinabangan ang pinagmumulan ng gas at langis para sa kapakinabangan ng mga korporasyong US at Chinese at ilang malalaking kumprador na kumpanyang Filipino-Chinese o ng kumpanyang Indonesian-Chinese (Salim Group) na pinangangasiwaan ni Manuel V. Pangilinan. Alam ng buong daigdig na ang likas na mineral ng Pilipinas ay malawakang hinahalukay ng US, Japanese, Canadian, Australian, Swiss, Chinese at iba pang dayuhang kumpanya, kasama ang kanilang alyadong malalaking kumprador. At ang China ay mayor na pinagdadalhan ng mga yamang mineral.

Para magmukhang makabayan, halatang-halata na nakikilaro lamang ang rehimeng US-Aquino laban sa China sa pinaiinit na tunggaliang panteritoryo. Saklaw pa ito ng kolaborasyon ng US at China. Idinidirihe ng US ang gubyerno ng Pilipinas sa pagkakamit nito ng makitid na pansariling interes at estratehikong layunin ng US.

Isa pang dahilan kung bakit pinamamalagi ng US ang militar nito sa Pilipinas at sa paggamit ng bahagi nito para sa pagkubkob sa China ay hindi pa dahil nais nitong maglunsad ng gera kaagad sa China kundi para impluwensyahan ang mga patakaran at pagpapaunlad sa China. Sinisikap ng US na maganap ang lubos na pribatisasyon ng pinakaestratehikong mga empresang pag-aari ng estado sa China at itaguyod ang liberalisasyon ng pulitikang Tsino hanggang sa umabot sa puntong baklasin ang awtoritaryan na paghahari at maging dahilan sa pagpapahina o sa pagkawatak-watak ng burukratang monopolyo kapitalismo.

5. Anu-ano ang mga implikasyon ng teritoryal na alitanng Tsino-Pilipino sa usapin ng soberanya ng Pilipinas?

Ang nakalulungkot talaga sa naghaharing sistema sa Pilipinas ng malalaking kumprador at panginoong maylupa ay ang pagiging mahina at sunud-sunuran nito sa imperyalistang kapangyarihan at sinasamantala ito kapwa ng US at China. Nagpapanggap ang US na ipinagtatanggol nito ang Pilipinas subalit bantay salakay ito. Dahil malaon nang kapitalistang bansa, hindi dapat asahang magiging mabait at mapagbigay na higante ang China.

Ang pinakamagandang paggigiit ng sambayanang Pilipino sa kanilang pambansang soberanya at pagtatanggol sa kanilang panteritoryong integridad ay sa pamamagitan pagpapabagsak sa naghaharing sistema at pagtatayo ng demokratikong estado ng mamamayan na tunay na malaya at demokratiko, determinadong magsagawa ng reporma sa lupa at industriyalisasyon, kamtin ang katarungang panlipunan at maglayon ng sosyalsimo. Ang gayong estado ay may kakayahang gumamit ng epektibong diplomasya at pagtatanggol sa teritoryo nito laban sa mga mananakop.###