Condemn the Aquino regime for endorsing all-out armed suppression of Filipinos in Sabah


Communist Party of the Philippines
March 9, 2013

The Communist Party of the Philippines (CPP) condemns the Aquino regime for endorsing the all-out armed suppression by Malaysia of a small contingent of armed Filipinos in the Lahad Datu coastal district of Sabah. The armed expedition was deployed a few weeks ago by the heirs of the Sultanate of Sulu, in an effort to press their claim over Sabah, which is historically regarded as their homeland.

Not only has the Aquino regime refused to act on the clamor for a resolute effort to pursue the Philippine territorial claim to Sabah, it has also denounced the heirs of the Sultanate of Sulu for deploying their armed supporters and demanded their unconditional surrender to the Malaysian police and armed forces. In a vain effort to justify its policy, the Aquino regime has put to question the legitimacy of the heirs of the Sultanate of Sulu and imputed "instigation" by, and "conspiracy" with, anti-Aquino political forces. Aquino has effectively cast away Philippine sovereignty claims over Sabah.

The Aquino regime, however, has succeeded only in further inflaming the heirs and armed followers of the Sultanate of Sulu and shutting the door to a peaceful resolution of the armed standoff at Sabah. In so doing, it has paved the way for the all-out attacks by the Malaysian armed forces against the Sultanate's forces in Sabah.

The CPP further denounces the crackdown being carried out by the Malaysian armed forces on Filipino residents of Sabah as well. Malaysian security officials have been going from house to house in search of the Sultanate's men, and harassing Filipino residents in the process. They have also been bombing civilian communities, resulting in the deaths of several Filipino civilians, including a religious leader in Semporna town. Civilians who attempt to flee the aerial bombings are automatically assumed to be part of the Sultanate's armed contingent and pursued and shot at. The Malaysian government has imposed restrictions on the media in order to carry out their suppression campaign away from the critical eyes of the international community.

The Aquino regime has long failed to take up the cudgels for Filipinos in Sabah--both the claim of sovereignty asserted by the Sultanate of Sulu in behalf of the Republic of the Philippines, as well as the large Filipino community in the territory.

It is hypocritical for Aquino to invoke the interests of the Filipinos in Sabah in demanding the Sultanate of Sulu to order the surrender of its expeditionary forces. The Filipinos in Sabah have been largely abandoned by the Philippine government over the years.

There are up to 800,000 Filipinos in the region, or more than 20% of the population of Sabah. Many of them are undocumented and stateless, driven to Sabah in search of work and to escape the vicious military campaigns against the struggling Moro people. Most of them have ended up working in large rubber and oil palm plantations. Many are considered as illegal immigrants and subjected to highly oppressive and exploitative conditions. They are routinely rounded up, imprisoned, tortured and brought back to Sulu in overcrowded boats. Their situation is of primordial concern and should be vigorously exposed and acted upon.

The CPP takes cognizance of the claim of Sabah being asserted by the Sultanate of Sulu in behalf of the Filipino people. There is ample historical proof behind the assertion that the region which once comprised the North Bornean territory granted to the Sultanate in the 16th century remain under its ownership and under Philippine sovereignty. That the 1878 and 1903 contracts between the Sultanate and the British North Borneo Company for control of the territory are lease contracts is demonstrated clearly by the fact that the Malaysian government continues to make annual payments of 5,300 ringgit to the Sulu Sultanate. The Sultanate of Sulu formally ceded to the Republic of the Philippines its title and dominion over the Sabah territory in 1962. The incorporation of the Sabah territory to the Malaysian Federation in 1963 was deceptively and coercively carried out by the British colonialists and their puppet Malayan reactionaries.

However, since then, the succession of puppet Philippine governments have failed to decisively, consistently and effectively assert Philippine sovereignty over Sabah. Instead, they have raised the issue on and off, depending on the US' obtaining geo-political interests.

In this and in all other cases, the Philippine puppet regimes' foreign policy has always been subservient to the dictates of the United States government and defined not by the country's national interests. The Aquino regime refuses to vigorously assert the Philippine claim over Sabah because it is afraid of antagonizing Malaysia and derailing the US-backed peace process between the Philippine reactionary government and the Moro Islamic Liberation Front which is being brokered by Malaysia.

In the face of the Philippine government's refusal to pursue the claim, the democratic and patriotic forces can work with the Filipino claimants to help pursue it in various political, diplomatic and other possible arenas, including raising the issue before an international tribunal. In these fora, there should be a united effort to put to the fore the oppressive conditions of migrant Filipino workers in Sabah, and measures to organize and empower them to defend their rights and advance their welfare.

At the same time, the progressive and democratic forces should encourage the Sabah claimants to unite with the rest of the Filipino people in vigorously demanding an independent foreign policy whose guiding principles are national self-determination, territorial integrity and the people's sovereign interests.

The claimants of Sabah share with the rest of the Filipino people a common history of subjugation by the US imperialists. The Sultanate of Sulu itself, was compelled to submit to US colonialism in the face of the brutalities of the US colonial forces at the turn of the 20th century. Over the past decade, Sulu itself has been the target of US interventionism and has seen an increasing presence of US forces. The US-trained armed forces of the Manila government have also intensified their operations in Sulu and the rest of Morolandia in the guise of "anti-terrorism," only to further subjugate the struggle of the Moro people for self-determination and pave the way for the exploitation of the vast natural resources found within the Moro people's ancestral land.

It is an opportune time to recall the common history of subjugation and resistance in the collective effort to assert, not only the Sabah claim, but sovereignty over the rest of the country, which today is further being undermined by heightened US military intervention and the worsening puppetry of the ruling Manila government. There can be a united stand for the abrogation of the Visiting Forces Agreement and the Mutual Defense Treaty with the United States which allow the permanent stationing of US troops, the rotational docking of US warships and use of Philippine airspace by US jet fighters and drones.

As long as the Philippines is under a puppet regime of the US imperialists, it can never stand on solid ground in asserting its claim over other disputed territories. Philippine sovereignty, including the assertion and defense of territorial integrity, can only see fruition under a truly democratic and patriotic state.

-------------------

Pilipino Translation

Kundenahin ang rehimeng Aquino sa pag-eendorso ng todo-todong armadong panunupil sa mga Pilipino sa Sabah

Communist Party of the Philippines
March 09, 2013



Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang rehimeng Aquino sa pag-eendorso ng lahatang-panig na armadong panunupil ng Malaysia laban sa maliit na grupo ng mga armadong Pilipino sa baybaying distrito ng Lahad Datu sa Sabah. Ang armadong ekspedisyon na ito ay idineploy ng mga tagamana sa Sultanato ng Sulu ilang linggo na ang nakaraan, sa hangaring itulak ang paggigiit sa Sabah, na istorikong itinuturing na lupain nila.

Hindi lamang tinalikdan ng rehimeng Aquino ang sigaw para sa isang determinadong pagsisikap na igiit ang pang-angkin ng Pilipinas sa teritoryo ng Sabah, binatikos din nito ang mga tagapagmana ng Sultanato ng Sulu sa pagdedeploy ng kanilang armadong tagasuporta at iginiit pa ang kanilang walang kundisyong pagsuko sa pulisya at armadong pwersa ng Malaysia. Sa imbing pagsisikap na bigyang-matwid ang patakaran nito, kinwestyon ng rehimeng Aquino ang mga heredero ng Sultanato ng Sulu at pinalalabas na “inuupat” ng, at “nakikipagsabwatan” sa, mga pampulitikang pwersang anti-Aquino. Epektibong inabandona na ni Aquino ang pag-angkin ng Pilipinas sa Sabah.

Gayunpaman, nagtagumpay lamang ang rehimeng Aquino sa ibayong pagpapaalab sa mga heredero at mga armadong kabig ng Sultanato ng Sulu at pagsasara nito ng pintuan para sa isang mapayapang resolusyon ng armadong sitwasyon sa Sabah. Sa gayo'y, inilatag nito ang daan para sa todo-todong pang-aatake ng armadong pwersa ng Malaysia laban sa mga pwersa ng Sulatanato sa Sabah.

Binabatikos din ng PKP ang pang-aatakeng ginawa ng mga armadong pwersa ng Malaysia maging sa mga Pilipinong naninirahan sa Sabah. Nagbabahay-bahay ang mga upisyal sa seguridad ng Malaysia upang hanapin ang mga tauhan ng Sultanato, na sa proseso ay naging panghaharas sa mga Pilipinong residente. Ilang sibilyang Pilipino na ang pinatay ng mga pwersang Malaysian kabilang ang isang lider relihiyoso at kanyang mga anak sa Semporna. Pinagbobomba din nila ang mga komunidad na sibliyan. Ang mga sibilyang nagtatangkang umiwas sa pambobomba ay awtomatikong itinuturing na bahagi ng armadong pangkat ng Sultanato at tinutugis at binabaril. Nagpataw ng paghihigpit ang gubyerno ng Malayasia sa midya upang maisagawa ang kanilang kampanya ng panunupil na ligtas sa kritikal na pagsusuri ng internasyunal na komunidad.

Matagal nang hindi ipinagtatanggol ng rehimeng Aquino ang mga Pilipino sa Sabah--kapwa sa pag-angkin sa soberanya na iginigiit ng Sulatanato ng Sulu sa ngalan ng Republika ng Pilipinas, maging sa malaking bilang ng komunidad ng mga Pilipino sa teritoryo.

Isang kaipokritohan para kay Aquino na palabasing itinataguyod nito ang interes ng mga Pilipino sa Sabah sa paggigiit nito ng pagsuko ng pwersang ekspedisyunaryo ng Sultanato ng Sulu. Malaon nang pinabayaan ng gubyerno ng Pilipinas ang mga Pilipino sa Sabah.

Mayroong di kukulangain sa 800,000 Pilipino sa rehiyon, o mahigit 20% ng populasyon ng Sabah. Marami sa kanila ay di dokumentado at walang nasyunalidad na napadpad sa Sabah sa paghahanap ng trabaho at upang takasan ang marahas na kampanyang militar laban sa nakikibakang mamamayang Moro. Karamihan sa kanila ay nauwi sa pagtatrabaho sa malalaking plantasyon ng goma at oil palm. Marami sa kanila ay ikinunsidera na iligal na migrante at isinasailalim sa matinding pang-aapi at mapagsamantalang mga kundisyon. Paulit-ulit silang inaaresto, ikinukulong, tinotortyur at ibinabalik sa Sulu sa pamamagitan ng bangkang labis-labis ang sakay. Malaking usapin ang kanilang kalagayan at dapat matamang ilantad at tugunin.

Binibigyang-pansin ng PKP ang pag-angkin sa Sabah na iginigiit ng Sulatanato ng Sulu sa ngalan ng sambayanang Pilipino. Maraming mga istorikong patunay sa paggigiit na ang rehiyon na dating bumubuo sa teritoryo ng North Borneo na iginawad sa sultanato noong ika-16 na siglo ay nananatiling pag-aari nito at nasa ilalim ng soberanya ng Pilipinas. Na ang mga kontrata noong 1878 at 1903 sa pagitan ng Sultanato at ng British North Borneo Company para sa kontrol ng teritoryo ay mga kontra ng pag-upa ay malinaw na ipinakikita ng katotohanang patuloy na nagbabayad ang gubyerno ng Malaysia ng taunang bayad na 5,300 ringgit sa Sulatanto ng Sulu. Pormal na ipinasa ng Sultanato ng Sulu sa Republika ng Pilipinas ang titulo nito at ang kontrol sa teritoryo ng Sabah noong 1962. Ang pagsasanib ng teritoryo ng Sabah sa Malaysian Federation noong 1963 ay mapanlinlang at pwersahang isinagawa ng mga kolonyalistang British at ng papet mga reaksyunaryong Malayan.

Gayunpaman, mula noon, hindi mapagpasya, tuly-tuloy o epektibong iginiit ng mga nagsiupong papet na gubyerno ng Pilipinas ang soberanya sa Sabah. Sa halip, patay-sinding pinalilitaw ang usapin, depende sa geo-pulitikal na interes ng US.

Sa kasong ito at sa iba pa, lagi't laging sunud-sunuran sa mga dikta ng gubyerno ng United States ang patakarang panlabas ng mga papet na rehimen ng Pilipinas at itinatakda hindi ng pambansang interes. Hindi buong-siglang iginigiit ng Pilipinas ang pag-angkin sa Sabah dahil takot itong galitin ang Malaysia at idiskaril ang prosesong pangkapayapaang suportado ng US sa pagitan ng reaksyunaryong gubyerno ng Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front na tagapamagitan ang Malaysia.

Sa harap ng pagtanggi ng gubyerno ng Pilipinas na ipursige ang paghahabol, maaaring makipagtulungan ang mga demokratiko at patriyotikong pwersa sa mga Pilipinong umaangkin upang makatulong sa pagpupursige dito sa iba’t ibang pulitikal at diplomatiko at iba pang posibleng larangan, kabilang ang posibilidad ng pagsasampa ng alitan sa isang korteng internasyunal. Sa mga talakayang ito, maaari ring magkaroon ng nagkakaisang pagsisikap para patampukin ang aping kalagayan ng mga migranteng Pilipinong manggagawa sa Sabah at mga halbangin para maorganisa at mabigayan sila ng lakas na ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at isulong ang kanilang kagalingan.

Kaalinsabay, dapat hikayatin ng mga progresibo at demokratikong pwersa ang mga umaangkin sa Sabah na makipagkaisa sa iba pang sektor ng sambayanang Pilipino sa matatag na paggigiit para sa isang independyenteng patakarang panlabas na ang prinsipyong gabay ay ang pambansang pagpapasya-sa-sarili, teritoryal na integridad at ang nakapangyayaring interes ng sambayanan.

Ang mga umaangkin sa Sabah at ang kabuuan ng sambayanang Pilipino ay magkabahagi sa isang kumon na kasaysayan ng pangliligis ng mga imperyalistang US. Ang Sultanato ng Sulu mismo ay napilitang sumuko sa kolonyalismong US dahil sa brutalidad ng kolonyal na pwersa ng US sa pagpasok ng ika-20 siglo. Sa nakaraang ilang dekada, target mismo ang Sulu ng pananalakay ng US at kinakikitaan ng paparaming presensya ng pwersang US. Pinaigting din ng armadong pwersa ng gubyerno ng Maynila na sinanay ng US ang kanilang operasyon sa Sulu at iba pang lugar ng mga Moro sa tabing ng "anti-terorismo," para ibayong supilin ang pakikibaka ng mamamayang Moro para sa pagpapasya-sa-sarili at bigyang-daan ang pagsamantala sa malawak na likas na yamang matatagpuan sa lupaing ninuno ng mamamayang Moro.

Ito ang tamang pagkakataon upang muling sariwain ang kumon na kasaysayan ng panunupil at paglaban para sa kolektibong pagsisikap na igiit, di lamang ang pag-angkin sa Sabah, kundi ang soberanya ng buong bansa, na ngayon ay ibayong binabagbag ng pinaigting na interbensyong militar ng US at ng papalalang pagkatuta ng naghaharing gubyerno ng Maynila. Maaaring magkaroong ng nagkakaisang paninindigan para sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement at sa Mutual Defense Treaty sa United States na nagpapahintulot sa permanenteng pag-istasyon ng mga tropa ng US, ng paulit-ulit na pagdaong ng mga barkong pandigma ng US at ang paggamit sa himpapawid ng Pilipinas para sa pagpapalipad ng mga jet fighters at drones ng US.

Hangga’t ang Pilipinas ay nasa ilalim ng papet na rehimen ng imperyalistang US, hindi ito matatag na makakatayo para igiit ang pag-angkin nito sa iba pang pinag-aawayang teritoryo. Ang soberanya ng Pilipinas, kabilang ang paggigiit at pagtatanggol sa teritoryal na integridad, ay malilikha lamang sa ilalim ng isang tunay na demokratiko at patritikong estado.