3 sundalo ng 76th IB sugatan sa TO ng NPA sa San Jose, Occidental Mindoro!


Ka Higom Maragang
Lucio de Guzman Command – NPA Mindoro
Abril 25, 2013


Umalingawngaw  na naman ang mga putok sa pagsalubong ng Lucio de Guzman Command- NPA Mindoro sa pagdiriwang ng ika-40 taong anibersaryo ng NDFP.  Tatlong sundalo ang sugatan sa isang operasyong haras na inilunsad ng isang tim ng NPA sa nag-ooperasyong tropa ng 76th IB, PA sa  Sitio Naibuan, Brgy. Batasan, San Jose, Occ. Mindoro noong Abril 24, 2013 alas siyete ng umaga.

Pagbigo ito sa tuluy-tuloy at sustinidong operasyon ng 76th IB, PA sa mga bayan ng  Rizal, San  Jose at Magsaysay mula noong dumating sa probinsya noong huling linggo ng Pebrero. Ang mga combat operations at PDT’s na inilunsad ng 76thIB sa mga sityo ng Ibanag, Naibuan at Kianay at Kalinisan sa San Jose at sa Sityo Nalwak at Hinango, Bgy. Pornaga, Magsaysay, kung saan higit sa dalawang linggong humimpil ang kaaway sa gitna mismo ng mga pamayanan.

Mahigpit na tinututulan ng mamamayan ang presensya ng mga militar sa pamayanan ng mga katutubo at magsasaka na nagdudulot ng labis na takot at sumasagka sa kanilang araw-araw na gawain sa bukid at kabuhayan.  ###