ANG BAYAN, 7 Hunyo 2013

Editoryal: Ilantad at tutulan ang muling pagbuhay ng pakanang cha-cha

20130607pi Katatapos-tapos pa lamang ng eleksyon ay agad-agad nang pinalutang ng pangkating Aquino ang charter change (cha-cha) o pag-amyenda sa reaksyunaryong konstitusyon ng 1987. Malinaw na sasamantalahin ng naghaharing pangkatin ang mayoryang kontrol nito sa senado at mababang kapulungan ng kongreso para matuloy na ang cha-cha.
Tulad ng dati, nagsilbing tagatulak ng cha-cha si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. Tulad din ng dati, nagkunwang hindi interesado si Aquino sa cha-cha, nang…