Intel ng 42nd Infantry Battalion, Pinarusahan ng New People’s Army-Camarines Sur

Ka Ramona Caceres
Eduardo Olbara Command ng NPA-Camarines Sur
Hulyo 15, 2013

Ipinataw ng Eduardo Olbara Command ng NPA-Camarines Sur ang parusang kamatayang ihinatol ng Pamprubinsyang Hukumang Bayan ng Camarines Sur kay Jaime Orcelada ng Brgy. Pugay, Baao, Camarines Sur. Isinagawa ang pagparusa nitog Hulyo 14, 2013, alas dose ng tanghali sa Brgy. Pugay. Kabilang sa malulubhang krimen ni Orcelada ang sumusunod:

1. Pagiging intel ng Philippine Army mula pa noong dekada 80, at partikular bilang ahente sa paniktik ng 42nd IB;

2. Pagpapakubkob noong 2006 sa yunit ng NPA nina Ka Zandro, Ka Tony, at Ka Ian na nakabase sa Sitio San Jose, Brgy. Pugay;

3. Pagpapakubkob noong 2007 sa parehong yunit ng NPA sa parehong barangay ng Pugay, Baao.

Maliban pa sa kaniyang malulubhang krimen, nagsilbing masigasig na lider din si Orcelada ng kontra-insurhensyang grupong Bantay Bayan mula dekada 80 hanggang 2007. Masugid din siyang rekruter ng mga CAFGU upang supilin ang paglaban ng mamamayan sa Baao. Ang nabanggit na mga aktibidad ni Orcelada ay umani ng matinding pagkasuklam mula sa mamamayan ng Baao.

Nakumpiska mula kay Orcelada ang isang shotgun.

Samantala, nanlaban naman ang anak na sundalo ni Orcelada na si Jaime Jr., kaya’t naobliga ang NPA na magdepensa. Napatay din si Jaime Jr. at nakuha sa kanya ang isang kalibre .45 na pistola.

Nananawagan ang Eduardo Olbara Command sa mga indibidwal na elemento ng AFP-PNP-CAFGU na tumiwalag sa kanilang mga yunit at pumanig na sa hanay ng mga mahihirap at inaapi.  Tatanggapin din ng EOC ang anumang impormasyon mula sa mamamayan, gayundin mula sa mabubuting elemento ng AFP-PNP-CAFGU, upang magsilbing mga batayan sa paglaban sa mga masugid at di-nagwawastong kaaway ng mamamayan.

Mabuhay ang New People’s Army!
Mabuhay ang hukbo ng mamamayan!