Walong sundalo, napaslang sa aktibong depensa ng BHB sa Sorsogon

Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Hulyo 08, 2013

Translation:Eight soldiers killed in Sorsogon in NPA active defense

Hindi bababa sa walong sundalong kabilang sa 31st Infantry Battalion ang napaslang sa matagumpay na maniobra ng aktibong pagdepensa ng isang platun ng Celso Minguez Command sa Sityo Madagusong, Brgy. Macawayan, Irosin, Sorsogon noong madaling araw ng Hulyo 6, 2013.

Matagumpay na nilabanan ng mga Pulang mandirigma ang pagtatangka ng mga pasistang tropa ng 31st IB ang pagkubkob at pagbira sa kanila. Nagawa nilang magdulot ng malaking pinsala sa AFP. Isang Sgt. Canuel ng 31st IB at pitong iba pang sundalo ang napatay sa labanan nang paputukan at pasabugan ng command-detonated na eksplosibo ng BHB ang mga umaatakeng sundalo. Inilihim ng tagapagsalita ng 903rd Infantry Brigade na si Col. Joselito Caquilala ang aktwal na bilang ng mga sundalong napatay sa labanan.

Sa proseso ng labanan, isang mandirigma ng BHB, si Pinky Boticario (Ka Gerald) na nagmula rin sa naturang baryo ang naging martir. Ginawaran ng BHB-CMC ng pinakamataas na parangal ang nasawing Pulang mandirgima.

Nang hapon ding iyon, pinasabugan naman ng isang eksplosibo ng isang tim ng mga Pulang mandirigma ng BHB ang sasakyan ng PNP Public Safety Management Battalion. Isang panlabang yunit ng PNP ang PNP-PSMB na ginagamit sa mga kontra-gerilyang operasyon sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Ang operasyong demolisyon ay isinagawa sa Maharlika Hi-way sa Barangay Panong, Casiguran. Ilang pulis ang nasugatan sa pag-atake. Ligtas namang nakaatras mula sa lugar ang tim ng BHB.