CPP supports widespread opposition to Aquino's 2014 budget and clamor to end pork barrel

Communist Party of the Philippines
August 20, 2013

The Communist Party of the Philippines (CPP) supports the Filipino people's opposition to the Aquino regime's National Expenditure Program and proposed General Appropriations for 2014. As in previous years, Aquino's 2014 national budget is the epitome of corruption, national wastage, total abandonment of the people's welfare and complete subservience to the interests of foreign big banks and capitalists.

The CPP expresses full support to the groundswelling demand of the Filipino people to end the pork barrel system. Hundreds of billions of pesos of public funds are allocated to so-called "development assistance" and "special purposes." These funds line up the pockets of reactionary politicians through kickbacks and bribes.

Despite widespread clamor from the democratic sectors, Aquino has stubbornly refused to put an end to the pork barrel system. He and members of his ruling clique know full well that the bigger funds allocated for "development assistance", the more that they will cooperate and remain silent even in the grossest forms of bureaucratic corruption and thievery.



The toiling masses of the people, as well as professionals, students, the academic community, women and church people, are particularly incensed over the increased allocation of "unprogrammed funds" which are bound to end up in corruption-laden projects and programs.

This Aquino regime perpetuates the pork barrel system which serve as one of the crucial tools of political patronage and corruption.  This system was taught the Filipino ruling class politicians by their imperialist masters and practiced from the very beginning of the neocolonial republic in 1946.

The bigger the pork barrel for the reactionary Congress, the bigger the "special purpose" funds that Aquino can allocate to himself. Public accounting experts point out that nearly half of the Aquino government's spending go to "special purpose" and discretionary funds; and that around one trillion pesos comprise funds that are to be released under the direct authority and discretion of Aquino. Since assuming power, Aquino has doubled his own "pork barrel" of "unprogrammed funds" from P68 billion in 2011 to P117 billion in 2012 to P139 billion next year.

In addition to opposing the pork barrel system, the Filipino people stand firmly against the wasteful and counter-productive automatic allocation of 1.035 trillion pesos (more than half of the proposed expenditures program) for interests and principal payments of the Philippine government's foreign and domestic debt.

While dutifully allocating funds to satisfy the terms of foreign banks, the Aquino government continues to allocate insufficient funds to cover the needs of state colleges and universities, public hospitals and public housing. Student groups have pointed out that allocations for SCUs are set to be reduced by more than P2.6 billion next year.

Public funds are being diverted to private businesses through so-called "public-private projects" which are nothing but government investments and guarantees for big capitalist profits. In contrast to the education budget cuts, Aquino has allocated at least P30 billion as "unprogrammed funds" for the PPP to serve as buffer fund to guarantee profits. The Aquino regime has also allotted P10.4 billion to carry out demolition operations against urban poor communities.

Aquino is also set to increase allocation to its cash doleout program by 40% (from P44.3 to P62 billion) despite outstanding proof that it has completely failed to deliver on its promises of economic upliftment. Allocation for Aquino's cash dole-out program designed by the World Bank has increased by 300% since 2010. It is a milking cow of bureaucrat capitalists under the Aquino regime and has served as an instrument for politicking by local politicos and as a tool for the AFP's "counter-insurgency" operations.

While cutting back on public social spending, the Aquino regime is set to increase allocations for the AFP and PNP. Aquino has repeatedly made promises to upgrade the equipment and compensation for its military and police personnel despite increasing number of cases of human rights abuses being committed by the state security forces.

The Aquino regime is set to borrow P1.14 trillion (including a $2 billion from foreign creditors). The large amount of funds being borrowed by the Aquino regime reflect the continuing failure of the local economy to produce enough resources to sustain itself. Tax and customs collections continue to be subject to large-scale corruption. Aquino's tax collecting agency has made a big show of "running after tax evaders." The truth is, the Aquino regime continues to provide the biggest capitalists and their foreign partners a slew of tax exemptions. Smuggling (especially of rice) has risen by several hundred percent since Aquino rose to power in 2010.

The CPP denounces the hypocrisy of the Aquino regime which has unceasingly portrayed itself as "righteous" and "clean" but which has proven itself as no different from previous regimes in terms of being crooked and dirty. Aquino and his sisters have proven themselves as capable as Arroyo or Marcos, Estrada or Ramos, or their mother Corazon, in wielding political power to advance the interests of their family and their clique of big businessmen and landlords.

-------------------

Pilipino Translation

Malaganap na paglaban sa panukalang badyet ni Aquino para sa 2014 at ang sigaw para wakasan ang pork barrel, sinuportahan ng PKP

Partido Komunista ng Pilipinas
Agosto 20, 2013

Sinusuportahan ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang paglaban ng sambayanang Pilipino sa National Expenditure Program ng rehimeng Aquino at ang panukala nitong General Appropriations o badyet para sa 2014. Tulad noong mga nakaraang taon, ang pambansang badyet ni Aquino para sa 2014 ay ang pinakahalimbawa ng korupsyon, pambansang pag-aaksaya, lubos na pag-abandona sa kagalingan ng mamamayan at ganap na pangangayupapa sa interes ng malalaking dayuhang bangko at mga kapitalista.

Ipinaaabot ng PKP ang lubos na suporta sa lumalaganap na paggigiit ng sambayanang Pilipino na wakasan na ang sistemang pork barrel. Daang bilyong piso ng publikong pondo ang inilalaan sa tinaguriang "development assistance" (tulong sa kaunlaran) at mga "special purposes" (ispesyal na layunin). Napupunta ang mga pondong ito sa bulsa ng mga reaksyunaryong pulitiko sa pamamagitan ng mga kikbak at suhol.

Sa kabila ng malawakang sigaw ng mga demokratikong sektor, buong pagmamatigas na tinanggihang ipatigil ni Aquino sistemang pork barrel. Batid na batid niya at ng mga myembro ng kanyang naghaharing pangkatin na kapag mas malaking pondo ang inilaan para sa "development assistance", mas makikipagtulungan at mananatiling tahimik sila kahit sa pinakalansakang uri ng burukratikong korapsyon at pagnanakaw.

Ang masang anakpawis ng sambayanan, maging ang mga propesyunal, mga estudyante, ang akademya, kababaihan at mga taong-simbahan sa partikular ay pinagsisiklab sa galit ng pinalaking alokasyon ng "di-programadong pondo" na mapupunta lamang sa proyekto at programang batbat ng katiwalian.

Pinananatili ng rehimeng Aquino ang sistemang pork barrel na nagsisilbing isa sa mga krusyal na kasangkapan ng pampulitikang pagtangkilik at korapsyon. Itinuro ang sistemang ito sa mga naghaharing uring pulitikong Pilipino ng kanilang imperyalistang amo at isinagawa mula sa pag-uumpisa ng neokolonyal na republika noong 1946.

Mas malaking pork barrel para sa reaksyunaryong Kongreso, mas malaking pondo para sa "special purpose" na maaaring ilaan ni Aquino para sa kanyang sarili. Tinukoy ng mga eksperto sa Public accounting (pampublikong pagtutuos) na halos kalahati ng gastos ng gubyernong Aquino ay napupunta sa "special purpose" at sa pondong nasa kapasyahan gastusin ni Aquino; na halos isang trilyon piso ay binubuo ng pondo na ilalabas sa ilalim lamang ng direktang basbas at diskresyon ni Aquino. Simula nang maupo si Aquino sa poder, dinoble na niya ang kanyang "pork barrel" ng mga "unprogrammed funds" mula P68 bilyon noong 2011 tungong P117 bilyon noong 2012 tungong P139 bilyon para sa sunod na taon.

Dagdag pa sa paglaban sa sistemang pork barrel, magiting ding naninindigan ang sambayanang Pilipino laban sa maaksaya at kontra-produktibong awtomatikong alokasyon ng 1.035 trilyong piso (mahigit kalahati ng panukalang programa ng pagkakagastusan) para sa pambayad sa interes at prinsipal ng lokal at utang panlabas ng gubyerno ng Pilipinas.

Habang matamang naglalaan ng pondo upang tugunan ang obligasyon sa mga dayuhang bangko, patuloy namang pinagkakaitan ng gubyernong Aquino ng pondo ang mga kolehiyo at unibersidad ng estado, mga pampublikong ospital at pampublikong pabahay. Tinukoy ng mga grupo ng estudyante na ang alokasyon sa mga SUC ay nakatakda pang bawasan nang mahigit sa P2.6 bilyon sa isang taon.

Inilalagak ang pampublikong pondo sa mga pribadong negosyo sa pmamagitan ng mga tinaguriang "public-private projects" na walang iba kundi mga pamumuhunan ng gubyerno at mga garantiya para sa tubo ng malalaking kapitalista. Taliwas sa pagbawas ng badyet para sa edukasyon, naglaan naman si Aquino ng kulang sa P30 bilyon bilang "unprogrammed funds" para sa PPP para magsilbing reserbang pondo para garantiyahan ang tubo. Naglaan din P10.4 bilyon ang rehimeng Aquino para sa mga operasyong demolisyon ng komunidad ng mga maralitang lunsod.

Palalakihin din ni Aquino ang alokasyon sa programa ng pamumudmod nito ng pera ng 40% (mula P44.3 tungong P62 bilyon) sa kabila ng nagdudumilat na pruweba na hindi talaga ito tugon sa pangakong pag-angat ng kabuhayan ng masa. Ang alokasyon para sa programa ng pamumudmod ng pera ni Aquino na dinisenyo ng World Bank ay tumaas na ng 300% mula noong 2010. Palabigasan ito ng mga burukrata kapitalista sa ilalim ng rehimeng Aquino at nagsisilbing instrumento sa pamumulitika ng mga lokal na pulitiko at kasangkapan sa mga "kontra-insurhensyang" operasyong ng AFP.

Habang binabawasan ang pampublikong gastusing panlipunan, pinalalaki ng rehimeng Aquino ang alokasyon para sa AFP at PNP. Laging ipinapangako ni Aquino na pauunlarin ang mga kagamitan at sweldo ng mga militar at pulis sa kabila ng papalaking bilang ng mga kaso ng pang-aabuso sa karapatang-tao na ginagawa ng mga pwersang panseguridad ng estado.

Mangungutang pa ang rehimeng Aquino ng P1.14 trilyon (kabilang ang $2 bilyon mula sa dayuhan). Sinasalamin ng malalaking pondong inuutang ng rehimeng Aquino ang patuloy na pagkabigo ng lokal na ekonomya na lumikha ng sapat na rekurso para isustine ito. Nananatiling nasasailalim sa malawakang korapsyon ang koleksyon ng buwis at taripa. Lumikha ng malaking palabas ng "pagtugis sa mga di nagbabayad ng buwis" ang ahensya sa pangungulekta ng buwis ni Aquino. Ang totoo, patuloy na binibigyan ng mga eksempsyon sa buwis ng rehimeng Aquino ang pinakamalalaking kapitalista at mga dayuhang katuwang nila. Mula nang maupo sa poder si Aquino noong 2010, tumaas ng ilan daang porsyento ang ismagling (laluna na ng bigas).

Binabatikos ng PKP ang kaipokritohan ng rehimeng Aquino na walang humpay na inilalarawan ang sarili bilang "matuwid" at "malinis" habang pinatunayan lamang ang sariling di naiiba sa nakaraang rehimen sa usapin ng pagiging tiwali at marumi. Pinatunayan ni Aquino at ng kanyang mga kapatid na kaya nilang maging ala-Arroyo o Marcos, Estrada o Ramos o ng kanilang inang si Corazon, sa paggamit ng kapangyarihang pampulitika upang isulong ang interes ng kanilang pamilya at ng kanilang pangkatin ng malalaking negosyante at asendero.