Masugid na intel at protektor ng sindikato, pinarusahan ng BHB

LUZ DEL MAR
Public Information Officer, Jose Rapsing COmmand - BHB-Masbate
08 Sept 2013

Ipinataw kahapon ng isang tim sa ilalim ng Jose Rapsing Command, BHB-Masbate ang parusang kamatayan kay PO2 Antonio M. Lalaguna, Jr. Si PO2 Lalaguna,Jr. na nakatalaga sa Mobo MPS ay sangkot sa ilang mga kasong kontra mamamayan at paninindikato. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
 

  • Aktibong naglalatag ng barangay intelligence network(BIN) at nagrerekluta ng mga informer, laluna sa mga driver ng habal-habal.
  • Masugid na taga giya sa mga operasyong militar na nagdudulot ng takot sa mamamayan.
  • Protektor ng kanyang pamangkin na si Coycoy Lalaguna na lider sa pagnanakaw ng mga motorksiklo at tricycle sa syudad ng Masbate at iba pang bayan.
  • Protektor ng talamak na bentahan ng shabu sa kanyang baryo at bayan ng Mobo.
  • Protektor ng gang sa kanyang baryo.
  • Nagkakanlong ng mga holdaper na nanghoholdap sa kahabaang kalsada sa Mobo.
  • Kasapi ng isang organisadong armadong grupo na ang mga kasapi ay pawang mga miembro ng PNP at AFP.
Ang pagpaparusa ay isinagawa bandang alas 5:00 ng hapon, Sept.7, 2013 sa harap ng plasa ng Purok 3, Brgy. Umabay Exterior, Mobo, Masbate pagkagaling nito sa sabungan.

Binibigyang babala ng Jose Rapsing Command-BHB, Masbate ang mga pulis at militar, ganundin ang mga sibilyang sangkot sa ilegal na mga gawain na lalabanan ng JRC-BHB, Masbate ang mga ganitong gawain na nakakasira sa mamamayan at lipunan. Nananawagan din ang JRC-BHB,Masbate sa mga inpormer na habang may panahon pa ay umalis na kayo sa trabahong paniniktik.

Ang pagkakasangkot ng ilang mga pulis at militar sa mga iligal na gawain ay sumasalamin kung gaano kalalim ang pagkabulok ng reaksyunaryong gobyerno. Wala itong pinagkaiba sa mga senador at kongresistang ginawang gatasan ang kani-kanilang mga pork barrel na umaabot sa kung ilang bilyon.

Ang kamatayan ni PO2 Lalaguna,Jr. ay isa na namang dagok sa sindikato sa bentahan ng iligal na droga sa prubinsya na kinasasangkutan mismo ng mga tauhan at upisyal ng PNP at AFP.

Nananawagan ang JRC-BHB,Masbate sa mga pulis at militar na tigilan na ang paggawa ng kasong paglabag sa karapatan pantao alinsunod sa pagpapatupad ng oplan bayanihan na susog sa counter insurgency guide ng imperyalisyang Estados Unidos.