PO3 Jun Gil Escalante, pinarusahan ng kamatayan

Samuel Guerrero
Celso Miguez Command - NPA-Sorsogon

Steyembre 4, 2013
 

IPINATAW ng Celso Minguez Command ng Bagong Hukbong Bayan kay PO3 Jun Gil Escalante ngayong Setyembre 4 ang malaon nang hatol na kamatayan ng hukumang bayan sa mga sumusunod na kaso:
 

  1. Kasapi ito ng mamamatay-taong "death squads" ng AFP-PNP na ekstra-hudisyal na pumaslang kay Ricardo "Ding" Uy noong Nobyembre 18, 2005 sa ilalim ng Oplan Bantay Laya I. Si Ding Uy ay kilalang progresibong lider-masa at aktibista sa lalawigan.
  2. Talamak na pagbebenta ng bawal na gamot. Ang kasong ito laban kay Escalante ay isinampa sa rebolusyonaryong hukuman ng mismong mga residenteng nasusuklam sa kaniyang pagbebenta ng shabu sa iba't  ibang barangay sa syudad.

Ang pagpaparusa ay isinagawa bandang 10:00 ng umaga sa tirahan ng kalaguyo ni Escalante sa Barangay Sampaloc, Sorsogon City.

Napatunayan ang kaniyang pagkakasala noon pang 2006. Nakaligtas si Escalante sa unang pagtatangka ng BHB na ipatupad ang hatol noong taon ding iyon.

Ang kamatayan ni Escalante ay isa na namang dagok sa sindikato sa bentahan ng iligal na droga sa prubinsya na kinasasangkutan mismo ng mga tauhan at upisyal ng PNP at AFP.