Election hotspots in Quezon, an AFP scheme – NPA

Apolonio Mendoza Command
NPA - Quezon
October 23, 2013

The New People’s Army mocked the declaration of the Armed Forces of the Philippines (AFP) that 200 barangays in South Quezon Bondoc Peninsula (SQBP) are election hotspots, saying that the armed forces are using the upcoming local elections to intensify militarization and human rights violations in the area.

The 200 hotspots in SQBP are part of the 6,000 barangays identified by the Commission on Elections (Comelec) as having the highest frequency of election-related violence in the whole country.

Armine de Guia, spokesperson of NPA- Apolonio Mendoza Command in SQBP,said that the AFP-Southern Luzon Command is most likely behind the election hotspots, because Comelec declaration enables the reactionary armed forces to infiltrate barangays and implement counter-revolutionary and anti-people schemes.

“The AFP is losing steam and running out of ideas to cover-up the real terror of Oplan Bayanihan, the suppression campaign of the US-Aquino II regime against the growing revolutionary movement,” said de Guia.

The 200 barangays declared as hotspots are covered by the municipalities of San Narciso, Mulanay, San Francisco, General Luna, and Catanauan in Bondoc Peninsula.

Bondoc Peninsula is known as an NPA stronghold and was the site of a military operation involving eight battalions of the AFP, Philippine National Police and the Civilian Armed Forces Geographical Unit in 2012.

“This laughable and dated AFP statement is short of admitting the failure of Oplan Bayanihan to crush the people’s armed struggle. This is the third time that the AFP has bragged that it will quash the NPA forces in SQBP before the year ends. Needless to say, this is the third time they will fail,” added de Guia.

AMC-NPA warned the people of Quezon against illegal arrest, additional checkpoints, manipulation of the local elections and even extra-judicial killings that will be led by the fascist and mercenary army and police of the reactionary government.

The Communist Party of the Philippines (CPP) also issued a statement and guidelines on the conduct of the upcoming barangay elections.

“The senatorial and barangay elections in 2013 are means of the ruling class to set the stage for the 2016 presidential elections. Local elections have a historical role as machinery of the ruling regime to implement the anti-people programs and projects of the reactionary state.”

“The revolutionary movement stands firm that the reactionary elections will never lead to genuine societal change. Nevertheless, the CPP recognizes that the local elections could be maximized for the fortification of revolutionary mass bases in the countryside, especially in areas under the control and influence of the NPA."

------------------

Pilipino Version:

Election hotspot sa Quezon, pakana ng militar – NPA

Kinutya ng New People’s Army ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa diumano’y mga election hotspot sa 200 barangay sa South Quezon-Bondoc Peninsula (SQBP) ng lalawigan ng Quezon.

Napabilang ang lugar sa mahigit 6,000 barangay sa buong bansa na idineklara ng Commission on Election (Comelec) na dapat bantayan dahil sa mga rekord ng karahasan sa panahon ng eleksyon.

Ayon kay Armine De Guia ng Apolonio Mendoza Command ng NPA na kumikilos sa SQBP, kundi man mabiis ang Southern Luzon Command ng AFP sa pakikipagkoro sa Comelec ay sila mismo ang nang-upat na itakdang election hotspot ang mga naturang lugar para magkaroon ng pagkakataon ang tropang militar ng reaksyunaryong gubyerno sa kanilang mga kontra-rebolusyunaryo at kontra-mamamayang pakana.

“Pakana lamang ng AFP ang deklarasyong ito dahil wala na silang bagong masabi para pagtakpan ang tunay na mukha ng Oplan Bayanihan, ang kampanyang supresyon ng rehimeng US-Aquino II laban sa rebolusyunaryong kilusan,” pahayag ni de Guia.

Napabalitang idineklara ng Comelec na kasama sa election hotspot ang mga barangay sa mga bayan ng San Narciso, Mulanay, San Francisco, General Luna at Catanauan sa Bondoc Peninsula ng probinsya ng Quezon.

Kilala rin ang mga lugar sa pagiging balwarte ng NPA. Matatandaang inilunsad dito ang operasyon ng walong batalyon ng AFP-PNP-CAFGU noong 2012.

“Kulang na lamang sabihin ng AFP sa ganitong panis nilang pahayag na bigo silang supilin ang armadong paglaban ng mamamayan. Palagi nilang ipinagyayabang na uubusin nila ang NPA sa SQBP at ngayong 2013 ang ikatlong pagkakataon sa panahon ng hasyenderong rehimen na ibinida nilang malilipol na ang NPA pagdating ng Disyembre,” dagdag ni De Guia.

Pinag-iingat ng AMC-NPA ang mga mamamayan ng Quezon sa posibleng kabi-kabilang ilegal na pang-aaresto, paglalagay ng mga checkpoint tahasang pakikialam sa eleksyong pambarangay hanggang pagsasagawa ng extra-hudisyal na pamamaslang na ayon kay De Guia ay pangungunahan ng mga bayarang sundalo at pulis ng pasistang gubyerno.

Sa kaugnay na balita, may komprehensibong pahayag na inilabas ang Partido Komunista ng Pilipinas sa SQBP tungkol sa magaganap na eleksyong pambarangay.

“Ang magkasunod na halalan ngayong 2013 ay paraan ng mga naghaharing uri para ikondisyon ang isip ng sambayanan sa magagaganap na presidential election sa 2016. Malinaw sa naghaharing-uri ang silbi ng barangay bilang makinarya nila para sa implementasyon ng mga patakaran at programa ng reaksyunaryong estadong papet.”

”Naninindigan ang rebolusyunaryong kilusan na hindi sagot ang reaksyunaryong eleksyon sa pagkakamit ng tunay at pangmatagalang pagbabago sa lipunan. May malinaw ding paninindigan ang Partido Komunista ng Pilipinas na kailangang pakitunguhan ang paparating na eleksyong pambarangay para sa higit na pagpapalakas ng kanyang mga rebolusyunaryong base lalo na sa kanayunan na kontrolado at impluwensyado ng Bagong Hukbong Bayan.”