Million-peso 4Ps fund, stolen by AFP-led syndicate

Apolonio Mendoza Command
NPA - Quezon
October 23, 2013

The reported theft of million-peso fund for the Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps in San Francisco, Quezon on October 18 is orchestrated by a syndicate led by the Armed Forces of the Philippines (AFP), according to the Apolonio Mendoza Command of the New People’s Army (AMC-NPA) in South Quezon Bondoc Peninsula (SQBP).

“The hold-up incident is suspicious. This crime is certainly planned and organized by a syndicate protected or even led by elements of the AFP and the reactionary police,” said Armine de Guia, spokesperson of AMC-NPA.

Based on reports, unidentified men pulled over and held-up the Philpost vehicle used to deliver the 4Ps fund in San Francisco. The vehicle containing millions of public funds was unaccompanied by security personnel, inviting suspiscion that the theft was set-up by reactionary authorities.

Thefts involving the AFP are not uncommon in the province of Quezon, added de Guia.

“In SQBP, elements and units of the AFP-PNP-CAFGU are proven accomplices of common criminals stealing from the people. The most recent case is the hold-up incident in Barangay Tayuman, San Francisco where an official of the 74th Infantry Battalion was uncovered as mastermind behind the armed robbery of a business establishment,” said de Guia.

De Guia also condemned AFP’s coddling of CAFGUs involved in the theft of carabaos in various barrios in SQBP.

Carabao theft has a long history in the province of Quezon, with the most infamous syndicate in the 1970s led by Sgt. Batibot. The NPA imposed capital punishment on Sgt. Batibot and his minions in 1978, and afterwards eradicated the syndicate.

“ It is ironic that the eight battalions of soldiers, police and para-military agents in SQBP could not prevent petty crimes like robbery. Either the reactionary government’s army and police are useless, or they are guilty of committing these crimes against the people,” said de Guia.

According to AMC, the hold-up incident proves that the 4Ps program is a waste of people’s funds and a magnet for corruption. Local politicians conniving with reactionary armed forces milk the billion-worth of 4Ps fund, raising suspicions that the million-peso fund stolen in San Francisco might be used in the upcoming barangay elections.

The 4Ps program began under Gloria Macapagal-Arroyo’s regime and continues as a banner program of the Noynoy Aquino administration.

Various groups and sectors have criticized the 4Ps program, where cash subsidy is directly handed by the Deparment of Welfare and Social Development to the poorest Filipinos, as determined by the government agency.

“The 4Ps program is a dole-out and band-aid solution to the deepening poverty, and only creates opportunities to further deceive and exploit the poor,” said de Guia.

AMC said that the only solution to poverty is the implementation of genuine land reform in the countryside, through the destruction of land monopoly and the confiscation and distribution of lands owned by the landlord class.

-----------------------

Pilipino version:

Holdapan ng miyong pondo ng 4Ps, sangkot ang sindikatong militar



Walang duda, ayon sa Apolonio Mendoza Command (AMC) ng New People’s Army (NPA), na sangkot ang sindikatong Armed Forces of the Philippines (AFP) sa napabalitang panghoholdap sa milyong pondo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps noong Oktubre 18 sa San Francisco, lalawigan ng Quezon.

“Pambihira at di-kapanipaniwala. Maruming krimen ito ng organisadong sindikato na may proteksyon o di kaya’y pinamumunuan ng mga reakyunaryong sundalo at pulis,” ayon kay Ka Armine De Guia, tagapagsalita ng AMC-NPA na nakakasaklaw sa naturang bayan.

Ayon sa ulat, hinarang ng mga di pa nakikilalang kalalakihan ang sasakyan ng Philpost na siyang maghahatid ng pondo sa bayan ng San Francisco. Wala rin umanong kaukulang seguridad o escort ang bumiyaheng sasakyan na may dalang malaking pera kaya tiyak ang NPA na may sapat na proteksyon ang mga nagsagawa nito.

Binalikan ni De Guia ang mga nakaraang insidente ng nakawan sa Quezon na kinasangkutan ngAFP.

“Sa karanasan sa South Quezon-Bondoc Peninsula (SQBP), hindi iilang beses na napatunayang nasangkot ang mga yunit at tauhan ng AFP-PNP-CAFGU sa mga holdapan at panunulisan laban sa kabuhayan at ari-arian ng mamamayan,” ani De Guia.

“Isa sa pinakabago rito ang holdapan na naganap sa Barangay Tayuman, San Francisco kung saan isang opisyal ng 74th Infantry Battalion ang nasa likod ng armadong grupong nagnakaw sa isang kilalang negosyante sa bayan,” pagdidiin ng tagapagsalita ng AMC-NPA.

Tinukoy din ni De Guia ang pangungunsinti ng AFP sa mga CAFGU (Civilian Armed Forces Geographical Unit) na sangkot naman sa pagnanakaw ng kalabaw sa mga lugar sa South Quezon-Bondoc Peninsula sa probinsya ng Quezon.

Ayon sa AMC-NPA, hinding-hindi makakalimutan ng mamamayan ng lalawigan ng Quezon ang sindikato ng magnanakaw ng kalabaw na pinamunuan ni Sgt. Batibot noong dekada 70. Winasak ng NPA ang sindikato ng magnanakaw matapos na maparusahan ng kamatayan si Sgt. Batibot at ang kanyang mga pangunahing galamay noong 1978 at ng mga sumunod na taon.

“Kabalintunaan na walong-batalyong sundalo, pulis at grupong para-mailitar ang itinambak sa SQBP pero nangyayari pa rin ang mga ganitong krimen. Kung hindi inutil ang bata-batalyong sundalo at pulis, sila ang tiyak na may pakana ng mga nakawan,” dagdag ni De Guia.

Ayon sa AMC-NPA, pinatutunayan ng holdapan na balon lamang ng korupsyon ang bilyong pondo na inilalaan sa 4Ps. Naging gatasang-baka lamang ang 4Ps ng iilang lokal na politiko kasabwat ang armadong pwersa ng gobyerno kung kaya hindi maiaalis na magduda ang taumbayan sa diumano’y holdapan lalo pa at paparating na sa Oktubre 28 ang eleksyong pambarangay.

Ang 4Ps ay sinimulan noon pang panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo at ipinagpatuloy ng kasalukuyang administrasyong Noynoy Aquino.

Kabi-kabilang pagkondena mula sa iba’t-ibang grupo at sektor ng lipunan ang inabot ng 4Ps kung saan direktang inaabutan ng pera ng Department of Social Welfare and Development ang mga tutukuying benepisyaryong maralitang Pilipino.

“Malinaw na dole-out at band-aid solution ang 4Ps, at lumilikha lamang ng oportunidad para linlangin at lalo pang pagnakawan ang mamamayan,” ani de Guia.

Ayon sa AMC, hindi 4Ps ang solusyon sa kahirapan ng mamamayan kundi ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa lalo na sa mga kanayunan ng bansa sa pamamagitan ng pagwasak sa monopolyong kontrol ng iilang panginoong maylupa sa malalawak na lupain.