Minumulto ng sariling anino ang 31st IB

Ka Samuel Guerrero
Celso Minguez Command, NPA-Sorsogon
Oktubre 12, 2013

NAGBARILAN ang mga tropa ng 31st IB ng Philippine Army sa Sityo Katorse Puno, Barangay Mabuhay, Bulusan, Sorsogon kagabi, Oktubre 11. Matapos ang humigit-kumulang 20 minutong putukan, hinakot ng ambulansya ang mga kaswalti, ayon sa mga nakasaksi.<!-more-->

Pati sariling anino ay kinatatakutan na ng mga sundalo matapos ang mga pinsalang natamo nila sa pakikisagupa sa mga yunit ng BHB mula pa noong huling linggo ng Setyembre. Wala pa silang pahinga mula sa mga opensiba ng BHB sa mga bayan ng Bulan, Barcelona at Casiguran. Lalo pang lumikot ang guniguni ng mga sundalo nang mag-inuman at malasing sila. Masamang kumbinasyon ang alkohol at bagsak na morale.

Ang kwentong pinalalaganap ngayon ng mga tropang sangkot ay may namataan daw silang mga armadong papalapit kaya pinutukan nila. Ang leksyon: magbiro ka na sa bagong gising, huwag lang sa wala pang tulog at kapwa lasing na sundalo.

Malamang, ililingid ng 31st IB sa midya at sa publiko ang insidenteng ito. Pero hindi nila matatakasan ang katotohanan: banat na banat na ang tropa nila at iniinda nila ang mga bira ng Pulang hukbo.