Ilantad at batikusin ang pananalanta ng 21st Infantry Battalion sa West Cagayan

West Cagayan Front Operations Command (Danilo Ben Command)
New People's Army
October 1, 2013

Dapat maisiwalat ang kasalukuyang pag-atake ng daan-daang tropa ng 21st Infantry Batallion sa mga magkakadikit na mga bayan ng Rizal, Sto. Nino at Lasam, Cagayan. Sa layunin na matakot ang mamamayan upang hindi sila lumaban at tuluyang maipilit ang mga nakaplanong proyekto ng mapaminsalang dayuhang pagmimina, nakapakat ngayon sa pitong baryo sa nasabing mga bayan ang mga sundalo.

Mula Hunyo 2013, pabalik-balik at ngayo'y pirming nakabase ang di bababa sa 270 na tropa sa kabahayan, barangay hall at eskuela roon. Isang platun ang mga sundalong nakabase sa kabahayan ng Barangay Sicalao, Lasam; isang platun sa barangay hall at kabahayan ng Barangay Bural, Rizal; dalawang platun sa eskuela at kabahayan ng Barangay San Juan, Rizal. Nasa barangay hall ng Barangay Illuro at Barangay Gagabutan, Rizal ang tig-isang seksyon ng mga sundalo. Sa bayan ng Sto. Nino, isang platun ang nakatrensera sa Zone 1 ng Barangay Lipatan; at isang platun pa sa kabahayan ng Zone 6, Barangay Balanni.

Pag-aresto sa 18 myembro ng HERRIRA, kinundena ng NDFP

Luis G. Jalandoni
NDFP Chief International Representative
Oktubre 2, 2013

Translation: NDFP condemns arrest of 18 HERRIRA members


Mariing kinukondena ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pag-aresto sa 18 myembro ng HERRIRA ng Guardia Sibil ng Spain noong 30 Setyembre 2013. Ang HERRIRA ay organisasyon sa Bssque ng nagtatanggol sa mga karapatan ng 600 rebolusyonaryong bilanggong pulitikal sa Basque na mga nasa bilangguan ng mga estado ng Spain at France. Mga mandirigmang para sa pagpapalaya ang mga bilanggong pulitikal sa Basque na nagtataguyod ng kalayaan at independensya ng bansang Basque.

Bantog na organisasyon ang HERRIRA na hayag at mapayapang kumikilos sa pagtatanggol ng mga karapatang-tao ng mga bilanggong pulitikal at mga refugee. Ang pag-aresto sa 18 myembre ng HERRIRA ay labag sa pinakasaligang demokratikong karapatan at kalayaan ng mga myembro ng HERRIRA.

NDFP condemns arrest of 18 HERRIRA members

Luis Jalandoni
NDFP Chief International Representative
October 02, 2013

The National Democratic Front of the Philippines (NDFP) strongly condemns the arrest of 18 members of HERRIRA by the Spanish Guardia Civil on 30 September 2013. HERRIRA is the Basque organization defending the rights of 600 Basque revolutionary political prisoners in the jails of the Spanish and French states. The Basque political prisoners are freedom fighters who uphold the freedom and independence of the Basque nation.

HERRIRA is a well known organization which has openly and peacefully acted in defense of the human rights of political prisoners and refugees. The arrest of the 18 members of HERRIRA violates the most fundamental democratic rights and freedoms of the HERRIRA members.

Serye sa mga aksyong militar sa NPA-NCMR, 16 Patay

Allan Juanito
NPA- North Central Mindanao Regional Command
Oktubre 2, 2013

Sulod lang sa tulo ka adlaw, 16 ka sundalo ang napatay ug laing unom pa ang samaron gumikan sa sunod-sunod nga mga aksyong militar sa New People's Army sa North Central Mindanao Region. Ang musunod mao ang detalye sa mga panghitabo:

Sept. 29, 2013 mga alas 6:00 sa buntag - napatay ang usa ka Junjun Versano usa ka aktibong asset-impormer sa AFP ug gikaintapang tulisan nga taga-San Isidro, Calabugao, Impasug-ong, Bukidnon dihang misukol sa yunit sa New People's Army ubos sa Eastern Misamis Oriental – North Eastern Bukidnon (EMONEB)   Subregional Command  nga moaresto kaniya. Nakuha gikan kaniya ang usa ka improvised nga pistola.

2 sundalo ng 31st IB, sugatan sa operasyong partisano ng BHB

Ka Samuel Guerrero
Celso Minguez Command - NPA-Sorsogon
Oktubre 3, 2013

DALAWANG sundalo ng 31st IB ng Philippine Army ang nasugatan sa operasyong partisano ng Bagong Hukbong Bayan sa Barangay Timbayog, Casiguran, Sorsogon nitong Oktubre 1.

Inabangan ng mga operatiba ng BHB sina Cpl. Raymund Recania at PFC Arnel Divinagracia na noo’y nakikipagsabong sa lumang sabungan ng Casiguran. Malapitang binaril ng mga Pulang mandirigma ang dalawa habang pasakay sa kanilang motorsiklo matapos ang sabong. Hindi na nakabunot ng baril ang dalawang sugatang sundalo. Nagtatakbo sila habang hinahabol ng putok ng mga operatibang partisano.

Nakaluklok si Aquino sa tuktok ng bulok na gubyerno ng korapsyon at panunuhol

Partido Komunista ng Pilipinas
Oktubre 2, 2013

Translation:  Aquino sits on top of rotten heap of government corruption and bribery

Ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na ginamit ng Malacañang para makapaglabas ng di-programadong pondo ay walang iba kundi isang dambuhalang pork barrel ng presidente para suhulan o gantimpalaan ang mga konggresista at mga senador at bilhin ang katapatan ng mga upisyal ng gubyerno.

Ipinamamalas na ang paggamit ng pondo ng DAP na ito na si Aquino mismo ay nasa tuktok ng bulok na bunton ng korapsyon at panunuhol.

Aquino sits on top of rotten heap of government corruption and bribery

Communist Party of the Philippines
October 2, 2013

The Disbursement Acceleration Program (DAP) used by Malacañang to carry out unprogrammed disbursements is nothing but a gigantic presidential pork barrel to bribe or reward congressmen and senators and buy the loyalty of government officials.

Malacañang's use of the DAP funds shows Aquino himself sits on top of the rotten heap of corruption and bribery.

Over the past several days, it has been revealed that Aquino, like his much-hated predecessor Gloria Arroyo, has been fully using his pork barrel DAP funds to bribe senators and congressmen and ensure his political agenda.

41st IB, muling pinarusahan ng NPA

Ka Danreb Bringgas
Procopio Tauro Front - NPA-North Abra
September 29, 2013

Matagumapay na isinagawa ang operasyong harassment ng isang tim ng Procopio Tauro front – NPA North Abra sa ilalim ng Agustin Begnalen Command sa Detatsment ng Bravo Coy 41st IBPA sa Mataragan, Malibcong, Abra noong September 29, 2013.  Nag-umpisa ang pag-atake bandang 5:35ng umaga at tumagal lang ng 3 minuto. Ayon saspot report, 1sundalo ang agarang namatay habang ligtas namang umatras ang tim ng NPA.

Isinagawa ang taktikal na opensiba bilang tugon sa matagal nang kahilingan ng mamamayan ng Malibcong na mapaalis ang detatsment at parusahan ang 41st Infantry Battaliondahil sa nagpapatuloy na paglabag sa karapatang pantao at pagpapakita ng kawalan ng disiplina at paggalang ng mga pasistang tropa.Ang detatsment ay nagdudulot din ng takot at pagkaligalig ng mga mamamayan dahil sa mga ginagawang mgareaksyunaryongtulad ng pagnanakaw ng mga pananim, alagang hayop, walang pakundangang pagpapaputok ng mga baril, paglalasing, pananakot at panggugulo, at pagsasamantala sa mga kababaihan.

Deklarasyong "mission ccomplished", paghamak ng AFP, ni Aquino sa mamamayan

Kawanihan sa Impormasyon
Partido Komunista ng Pilipinas
Setyembre 30, 2013


Translation: Aquino, AFP “mission accomplished”, show contempt of people

Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang rehimeng Aquino at ang armadong pwersa nito sa "mapanghamak na deklarasyon ng 'mission accomplished' (natupad na ang misyon) matapos ang halos isang buwan ng todo-tdong pambobomba sa ilang barangay ng Zamboanga City, panununog ng ilampung libong kabahayan, dislokasyon ng daan libong residente mula sa kanilang komunidad, na nagdulot sa kanila ng ibayong kahirapan at pagkaabuso ng kanilang mga karapatan."

Ibinasura ng PKP ang ipinagyayabang ng mga upisyal ni Aquino noong katapusan ng linggo na tapos na "ang misyon ng AFP na iligtas at tiyakin ang kaligtasan ng mga na-hostage". "Ano'ng 'kaligtasan ng hostages' ang sinasabi ng AFP gayong sila'y nagpakawala ng mga bomba, mortar at walang patumanggang namaril kahit ang ilang daan sibilyan ay nasa komunidad na kundi man hostage na hawak ng MNLF, ay mga ordinaryong residenteng naiipit sa labanan? Ano'ng 'kaligtasan ng hostages' gayong hindi man lamang tiniyak ng rehimeng Aqino na makalabas ang mga sibilyan sa pamamagitan ng negosasyon."

Aquino, AFP "mission accomplished", show contempt of people

Information Bureau
Communist Party of the Philippines
September 30, 2013

The Communist Party of the Philippines (CPP) condemns the Aquino regime and its armed forces for its "contemptuous declarations of 'mission accomplished' after nearly a month of all-out bombing of several baranggays of Zamboanga City, razing tens of thousands of homes to the ground, displacing hundreds of thousands of residents from their communities, causing them grave hardships and subjecting them to rights abuses."

The CPP dismissed claims by Aquino's officials over the weekend that the AFP's "mission to rescue and ensure the safety of the hostages" has been accomplished. "What 'safety of hostages' is the AFP talking about, when it dropped bombs, fired mortars and indiscriminately sprayed bullets even when hundreds of civilians were still inside their communities either as hostages held by the MNLF or ordinary residents caught in the crossfire. What 'safety of hostages' when the Aquino regime did not even seek the safe passage of civilians through negotiations."