Militante at tauspusong pagbati kay Ka Joema sa kanyang ika-75 kaarawan at ika-55 taon ng paglilingkod

ALAN JAZMINES
NDFP Peace Consultant
Detained at SICA,
Camp Bagong Diwa,
Bicutan,Taguig City
8 February 2014

Translation: Militante at tauspusong pagbati kay Ka Joema sa kanyang ika-75 kaarawan at ika-55 taon ng paglilingkod

Ako, sampu ng iba pang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usapang pangkapayapaan, at iba pang bilanggong pulitikal dito sa Camp Bagong Diwa, ay nakikiisa sa maraming iba pa sa militante at taus-pusong pagbati kay Kasamang Jose Maria "Joema" Sison sa kanyang ika-75 kaarawan ngayong Pebrero 8, at higit sa lahat sa kanyang ika-55 taon ng paglilingkod sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan.

Sa loob ng mahigit na limang dekada ngayon, napakahahalagang ng mga naging naging nina sa sosyo-ekonomiko, kultural, pulitikal at ideolohikal na edukasyon at pakikibaka, hindi lamang sa mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan sa bansa, kundi maging sa buong daigdig.

Malaki ang naitulong ng kanyang mga ambag sa maraming progresibo at rebolusyonaryong pwersa.

Malaki rin, sa partikular, at tuluy-tuloy na nakatulong ito sa akin hanggang sa kasalukuyan.

Noong kalagitnaan ng 1971, dahil sa pagkadismaya sa aking natuklasan sa isang taong pagiging bahagi ng management team sa kumpanyang inaasahan kong magiging tagapamandila ng pambansang industriyalisasyon,subalit walang hangaring at walang salalayan para gawin ito gayundin sa kawalang interes ng naghaharing estado sa pambansang industriyalisasyon, nagpasya akong huwag nang magtrabaho sa mga mapagsamantala, at sa halip ay ibigay ang aking makakaya para sa ikaaangat ng buhay at pag-unlad ng mamamayan.

Nagbitiw ako at nagpultayam, nagsagawa ng malalim na pananaliksik at panlipunang pagsisiyasat sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga akda at sa pag-interbyu sa mamamayan upang makapag-isip-isp at ipirme kung saan ko ilalaan ang aking buong sarili at buong buhay ko.

Kagyat akong nagkonsentra sa pag-aaral ng mga radikal na rebolusyonaryong sulatin hinggil sa lipunan sa Pilipinas at sa daigdig, kabilang ang mga panukalang solusyon sa mga suliraning sosyo-ekonomiko-kultural-pulitikal ng mamamayan.

Ilan sa mga sulating kinonsentrahan ko at natuksalasang tumpak at matalas na nagsalamin sa kalagayan ng bansa at mamamayan, at sa pagiging malaman at malalim sa paglalatag ng solusyon sa malalim at umiiral na mga suliranin ng mamamayan at lipunan ay ang sinulat ni Ka Joema na Struggle for National Democracy at (sa alyas na "Amado Guerrero") Philippine Society and Revolution, maging ang Communist Manifesto at iba pang klasikal na akda nina Marx, Engels, Lenin, Mao Zedong, at ang Political Economy ni John Eaton.

Partikular kong tinutukan ang mga akda ni Ka Joema dahil natuklasan kong kagyat itong kapaki-pakinabang sa kasalukuyang sitwasyon at pakikibaka ng sambayanang Pilipino, habang pinaglaanan ko rin ng panahon ang maraming klasikal na akda nina Marx, Engels, Lenin, Mao at iba pang malalim na nagsuri sa sitwasyon ng kani-kanilang bansa at ng daigdig.

Matapos kong dumalo sa iba't ibang talakayan, sirkulo ng mga pag-aaral at pagpapaikot-ikot sa pag-interbyu ng mga taong may kinalaman sa sari-saring panlipunang kilusan sa bansa (kabilang ang mga aktibista at raliyista), lubusan akong nakumbinsi na ang kilusan para sa pambansang demokrasya ang kasalukuyang pinakatumpak, dahil sa kalasuluyang malakolonyal at malapyudal na kalagyan ng lipunang Pilipino at ng kasalukuyang yugto ng rebolusyong sosyo-ekonomiko-kultural-pulitikal na kinakailangang makumpleto sa bansa -- gaya ng natutunan ko sa mga sinulat ni Ka Joema. Kaya nagpasya akong ilaan ang panahon ko at buhay sa kasalukuyang pambansa-demokratikong rebolusyonaryong pakikibaka at sa rebolusyonaryong sosyalistang perspektiba nito.

Hindi naman nagtagal nang personal kong makilala si Ka Joema. May mga panahong nagkikita kami ni Ka Joema para pag-usapan ang partikular na mga gawaing ginagampanan ko.

Subalit naaresto ako (sa unang pagkakakataon) noong maagang bahagi ng 1974 at pinalaya matapos ang tatlong taon -- matapos ilantad ng Amnesty International ang mga krimen ng pagtortyur ng rehimen ng batas militar ni Marcos laban sa aming mga bilanggong pulitikal, at isinulat at isinampa namin ang mga reklamo sa mga ganitong krimen ng tortyur.

Si Ka Joema noon ay naaresto (noong Nobyembre 1977) sa La Union. Dumanas siya ng brutalidad, at sa buong panahon ng pagkapiit niya noong batas militar, ay nakabartolina siya sa Fort Bonifacio at matinding isinailalim sa malupit na mga restriksyon. Kailangang pa niyang mangunyapit sa pader ng kanyang selda para lamang makipag-usap sa iba pang bilanggong pulitikal na nakabarolina rin sa kaliwa at kanang bahagi ng kanyang selda.

Ang mas mahalaga, kahit sa napakahigpit na kundisyon ng detensyon, nakapagsulat pa rin si Ka Joema ng matatalas na ideolohikal at rebolusyonaryong pulitikal na mga sulatin-- sa tulong at pakikipagtuwang ng kanyang asawa, si Ka Juliet, ang kanyang tagatala at katuwang sa pagsusulat, na nagbigay-halaga at nakatulong sa pambansa-demokratikong rebolusyonaryong kilusan at sa proletaryong rebolusyonaryong partido sa pamumuno. Ang pinakamatalas ay ang kanyang kritisismo sa ilang tulirong sosyo-ekonomikong pagsusuri (kabilang ang eksaheradong pagtaya sa antas ng urbanisasyon at industriyal na pag-unlad na narating na ng bansa, kontra sa nagpapatuloy at lumalala pa ngang pre-industriyal at malapyudal na kalagayang sosyo-ekonomiko ng bansa), at ang mas mahalaga, ang kritisismo niya sa ilang rebisyunistang kamalian sa umiiral na rebolusyonaryong taktika noon, kabilang ang adelantadong “Strategic Counter-Offensive” at ang "Regularisasyon ng Bagong Hukbong Bayan," na kung tutuusin ay nasa maaagang subyugto pa lamang ng estratehikong depensiba ang digmang bayan noong panahong iyon. Pagkalaya niya mula sa piitan at sa panimulang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at ng gubyernong Cory Aquino, pinuna niya ang paghawak ng NDFP sa usapang pangkapayapaan noon at nagsulat siya hinggil sa kung paano ito dadalhin. Ang sinulat niya tungkol sa pagdadala nito ang siya naging paghawak dito mula nang naging punong pampulitikang konsultant siya ng peace panel panel ng NDFP.

Ang pagpupunyagi sa kampanyang pagwawasto sa buong pambansa-demokratikong kilusan, ang aktwal na kalagayan at ang mga sumunod na pagsulong at pag-unlad ay nagpatunay sa katumpakan ng mga kritisismong sinimulan ni Ka Joema.

Matapos siyang mapalaya sa pagkakapiit noong panhon ng batas militar kasama ang ilang iba pang namumunong dating mga bilanggong pulitikal, pana-panahon kaming nagpupulong sa tirahan nina Ka Joema sa isang apartment sa may La Loma, Quezon City.

Sa ilan naming pagpupulong, isa sa mga napagkaisahan namin ay ang pagbubuo ng Partido ng Bayan (PnB), ang inapo ng Makabayan Coalition at mga progresibong organisyong party-list nito.

Si Ka Joema ang Tagapangulo ng Preparatory Committee ng PnB, subalit dahil sa naunang komitment, kailangang niyang umalis dahil sa mga serye ng gawain sa ibang bansa. Nahalal noon si Rolando "Ka Lando" Olalia, Tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, at siyang naging Tagapangulong Tagapagtatag. Ako ang Pangkalahatang Kalihim noon.

Mabilis na naorganisa ang PnB sa buong bansa at nakapagwagi ng ilang pwesto sa kongreso at lokal sa mga sumunod na eleksyon. Subalit magmula noon, dumanas ito ng nakapanghihilakbot na ekstrahudisyal na pamamaslang at iba pang malalang paglabag sa karapatang-tao, kabilang ang pagpatay kay Ka Lando at pagpatay at tangkang pagpatay sa maraming iba pang lider ng PnB, tauhan at mga tagasuporta.

Nanganib ang buhay at kaligtasan ng iba pang lider ng PnB, tauhan at tagasuporta at hindi na rin ligtas na makapagmantine ang mga upisina at tanggapan kahit magpalipat-lipat.

Wala na akong ibang mapagpilian kundi ang kumilos nang lihim, na madalas na nakikipamuhay at inaalagaan ng masang manggagawa at magsasaka.

Sa kaso ni Ka Joema, obligado siyang manatiling destiyero sa ibang bansa. Subalit hindi rin siya tatantanan ng reaksyunaryong eatado at ng mga sumununod na reaksyunaryong rehimen kahit siya'y nasa ibang bansa na. Laging may banta sa kanyang buhay at seguridad.

Ginawa na ng reaksyunaryong estado maging ang pagsasampa ng samutsaring inimbentong kriminal na mga kaso laban kay Ka Joema. Ang Inter-Agency Legal Action Group ng rehimeng Arroyo ay laging abala maghapo't magdamag sa pagmamanupaktura ng gawa-gawang kasong kriminal laban kay Ka Joema at sa iba pang lider ng pambansa-demokratikong kilusan.

Sa kutsabahan ng imperyalismong US at mga sumunod na papet na rehimen sa kanyang bansa, inilagay at minantine sa listahan ng "mga teorrista" si Ka Joema kung kaya bulnerable siya sa pagkaaresto at panghaharas.

Noong huling bahagi ng Agosto 2007, umabot ang US at ang papet nitong rehimeng Arroyo sa pagkukutsabahan upang arestuhin at ipabarotolina siya sa pulisyang Dutch. Kinumpiska ang mga dokumento, computer disks at iba pang file nina Ka Joema at mga lider ng NDFP. Dahil walang sapat na batayan ang hukumang Dutch para siya'y ikulong, pinalaya siya matapos ang 16 na araw at ibinalik ang mga file subalit sira na ang mahahalahang file.

Kahit noong panahong nasa destiyero at isinasailalim sa mga pagbabanta at panghaharas, hindi natinag si Ka Joema sa pagpapatuloy ng kanyang gawain at pag-aambag sa pakikibaka ng mamamayan at rebolusyonaryong kilusan sa kanyang bansa at sa daigdig. Ang kanyang komprehensibong pagsapol at pananaw sa lokal at pandaigdigang sitwasyon at ang talas sa malinaw na pagtukoy sa rebolusyonaryong estratehiya at taktika, sa matagalang pakikibaka at ang mayamang pagsusuma ng mga karansan at rebolusyonaryong praktika ay hindi nagmaliw kundi mas naging sulong pa at umunlad sa katagalan.

Bukod sa patuloy na ideolohikal at pampulitikang pamumuno sa rebolusyonaryong kilusan sa bansa at sa pagiging punong pampulitikang konsultant ng NDFP ng peace panel nito, siya rin ang nagungulo sa kasalukuyan sa International League of People's Struggles, isang internasyunal na organisasyon na ang ang layunin ay itaguyod ang pakikibakang masa at mga progresibong organisasyon sa buong mundo.

Ipinupursige din niya ang pangangailangan na mapalakas ang pagkakapatiran ng mga rebolusyonaryong partido at mapaunlad ang internasyunal na kilusang komunista.

Lahat ng mga pagsisikap na ito at gawain ni Ka Joema ay patunay na ang kulungan at pagkadestiyero--mismo na ekstensyon ng bilangguan--ay hindi sapat upang ikadena ang mga rebolusyonaryong tulad ni Ka Joema.

Ang kanyang mga pagsisikap, pagpupursige, gawain at mga tagumpay ay patuloy na gagabay at magbibigay inspirasyon sa aming mga bilanggong pulitikal na may rebolusyonaryo at makamasang aspirasyon at higit laluna na sa rebolusyonaryong kilusan sa labas ng bilangguan.