Intelligence officer ng militar, patay sa operasyong partisano ng NPA

Ka Samuel Guerrero
Tagapagsalita

Marso 21, 2014

NAPATAY ng mga Pulang mandirigma si Philippine Army Sgt. Jo Estrada sa isang ispesyal na operasyon sa palengke ng Casiguran, Sorsogon nitong Marso 20.

Si Estrada, na nagkukubli sa alyas na Joel DiƱo, ay nagkukunwang kontratista sa _construction_ habang aktibo bilang ahente ng _military intelligence_. Nagmula siya sa 49th IB at naging kumander ng _special operations team_ (SOT) ng naturang  batalyon sa mga barangay ng Rizal, Burgos at Sta. Cruz sa Casiguran noong 2010-2011. Personal na sangkot si Estrada sa mga abuso laban sa mga residente ng naturang mga barangay na isinailalim sa SOT.



Noong Nobyembre 2012, kabilang si Estrada sa isang grupo ng mga operatibang militar na dumukot at nagtortyur sa sibilyang si Jeffrey Hapin sa Sta. Cruz, Casiguran.

Si Sgt. Estrada ay lehitimong _military target_ ng NPA at ang pagpatay sa kanya ay pagbibigay ng rebolusyonaryong hustisya sa kanyang mga naging biktima.