REBOLUSYONARYONG HUSTISYA, iginawad sa hakbang parusa sa Mayor ng Gonzaga!

Ester Falcon
NPA Northeast Cagayan Front Operations Command (Henry Abraham Command)
April 22, 2014

Taas kamao ang buong rebolusyonaryong kilusan at ang mamamayan ng Cagayan sa paggawad ng hakbang pagpaparusa kay Mayor Carlito Pentecostes. Sampal sa kaaway na hindi namamalayan ng PNP at ng pribadong armado ni Pentecostes ang paglapit ng pulang hukbo ang naggawad ng parusa alas- otso ng umaga sa mismong harapan ng munisipyo, ika- 21 ng Abril 2014.

Itinatanggi ng kaaway ang kredito sa nangyaring pagparusa sa alkalde. Pilit nitong pinahihina at binubura ang lakas ng pulang kapangyarihan sa pamamagitan ng paglalabas ng anggulong pagtanggi na NPA ang nagparusa kay Pentecostes.



Napatunayang si Mayor Carlito Pentecostes, ay may- sala sa isinampang kaso laban sa kanya ng mamamayan ng Cagayan sa kasong espionahe. Nakasaad sa Artikulo VI, Seksyon 2 sa “Patnubay sa Hukumang Bayan”.... Ang parusang kamatayan ay ipinapataw sa mga salarin sa mga kaso ng espionahe, pagkakanulo at pagtataksil, pamamaslang, panununog, panggagahasa, malakihang paglustay, marahas at malakihang pagnanakaw kalabaw at iba pang hayop na pantrabaho. Lalong ipinapataw ang parusang kamatayan kung sapat at paulit- ulit ng gumawa ang mga mamamayan at maykapangyarihan ng babala sa mga krimeng nabanggit.”

Sa siyam na huwes, walo (8) ang bumoto pabor na mahatulan si Pentecostes ng kamatayan. Napatunayang si Pentecostes ay nagkasala sa kasong espionahe. Utak siya at kasama sa pagpaplano ng pagkahuli at pagkasugat ng isang kasama noong 2010 sa Tapel, Gonzaga Cagayan.

Nilitis ang kaso ni Pentecostes taong 2012 sa hukumang bayan at agad ding iniakyat sa nakatataas na hukuman bilang paggalang sa karapatan ng akusado na makapag- apela. Sa parehong taon, inaprubahan ng nakatataas hukuman ang hatol na kamatayan kay Pentecostes.

Nakamit ng mamamayan ang katarungan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng pagparusa. Maituturing itong malaking tagumpay sa mamamayan ng Cagayan at sa buong rebolusyonaryong kilusan sa probinsya kahit pilit mang ipangalandakan ng 5ID PA na wala ng NPA sa Cagayan.

Pamalagiang magiging babala sa lahat ang pagparusa kay Pentecostes. Palatandaan itong sa mata ng rebolusyonaryong hustisya, walang sinisino ang rebolusyonaryong batas. Gaano man kalayo o kalapit, kahirap o kabilis ng pagpapatupad, igagawad ito sa bisa ng pulang kapangyarihan ng mamamayan.

Matatandaang naging matunog ang pangalan ni Pentecostes na siyang utak sa pagpapatupad ng mga proyekto ng black magnetite sand mining sa Gonzaga dahil sa malaganap na pagtutol dito ng mamamayan hindi lamang sa nasabing bayan kundi sa buong probinsya.