Rescue operations ng 8th IB, hinaras ng BHB

Alan Juanito
NPA North Central Mindanao Regional Operations Command (Julito Tiro Command)
September 24, 2014


Translation: Rescue operations sa 8th IB giharass sa NPA

Sa kabila ng hiling ng dalawang bihag ng digma o Prisoner of War (POW) na sina Pfc. Marnel Cinches at Pfc. Jerrel Yorong sa kanilang matataas na upisyal na matulungan sila na ligtas na makauwi sa kani-kanilang pamilya, patuloy na combat operations ang isinasagot ng kanilang mother unit na 8th IB. Nananaginip nang gising ang militar na mare-rescue nito ang dalawang sundalo.

Noong Setyembre 22, bandang alas-6:30 ng umaga, isang kolum ng tropa ng 8th IB ang hinaras ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Sityo Mahan-aw, Bolunay, Impasug-ong, Bukidnon. Pagsapit ng alas-8 ng umaga, hinaras ng isa pang yunit ng BHB ang isa pang kolum ng nasabing batalyon sa Sityo Magawa, Bolunay.


Nagbibingi-bingihan ang mga upisyal ng 4th ID at 8th IB ng AFP sa hinihinging tulong ng mga pamilya ng mga bihag. Batid nila na sa kanilang militaristang hakbang na itinumbas sa panawagan para sa maigsing panahon lamang ay manganganib ang kaligtasan ng kanilang mga sundalo. Kung nagkaroon na sana deklarasyon ng SOMO/SOPO noong nakaraang linggo, nakauwi na sana ang dalawang sundalo, napawi na sana ang pangamba ng kanilang mga pamilya at hindi na sana nadagdagan pa ang mga kaswalti ng 8th IB. Ilang araw na SOMO lamang ang hinihintay ng custodial unit ng BHB na nangangalaga sa dalawang POW upang ipatupad ang atas ng NDF sa ligtas na pagturn-over sa kanila sa Third Party Facilitators at mga kinauukulang upisyal ng GPH.

Samantala, pinaralisa ng isang yunit ng BHB sa ilalim ng South Central Bukidnon Subregional Command ang dalawang payloader at isang dump truck ng Uy Builders Devt. Corp. sa Liboan, Lumbayao, Valencia City, Bukidnon noong gabi ng Setyembre 21. Inaapi at pinagsasamantalahan ng kumpanya ang kanilang mga manggagawa sa pamamagitan ng hindi makataong kalagayan sa paggawa at napakababang sahod.