US to use joint exercises to camouflage US basing in Palawan--CPP

Communist Party of the Philippines
23 September 2014

The Communist Party of the Philippines (CPP) condemns the scheduled joint naval exercises to be conductd by the US and Philippine military forces from September 29 to October 10. This annual Amphibious Landing Exercise (PHIBLEX) is being used by the US to deploy large number of its troops on Philippine soil. The 2014 PHIBLEX, in particular, will be used by the US to pursue its plan of strengthening its military basing in Palawan.

At least 3,500 US troops from the US base in Okinawa, Japan, are set to participate in the PHIBLEX. By descending on the Philippines, these fully armed and combat-ready troops of the US will be trampling on Philippine sovereignty with the full cooperation of its puppet regime.


The US military has long been eyeing Palawan as a forward base for its operations encompassing the Pacific, particularly to project its power and build up its armed presence along the trade routes of the South China Sea. The US military has been provided financing to the AFP to expand the naval bases of the Philippine military on Oyster and Ulugan Bays. The US' objective is to have these serve as military bases for US naval warships, war materiƩl and combat troops under the Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

The Filipino people denounce the hypocrisy behind the US' plans of providing "humanitarian services" during the joint exercises. In exchange for minimal funding, such token services serve only to make US military intervention seem acceptable in order to disarm the people from opposing the massive presence of US troops.

The CPP calls on the Filipino people to protest the PHIBLEX and demand the immediate pullout of all US troops in the Philippines.

==============

Pilipino Version:

Gagamitn ng US ang mga magkasamang ehersisyo upang tabingan ang pagbase nito sa Palawan--PKP


Partido Komunista ng Pilipinas
23 Setyembre 2014

Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang nakatakdang joint naval exercises (magkasamang ehersisyong sa dagat) na gagawin ng mga pwersang militar ng US at Pilipinas mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 10. Ang taunang Amphibious Landing Exercise (PHIBLEX) ay ginagamit ng US upang magdeploy ng malaking bilang ng tropa nito sa Pilipinas. Ang PHIBLEX sa 2014, sa partikular, ay gagamitin ng US upang ituloy ang palano nitong palakasin ang militar na pagbase nito sa Palawan.

Hindi bababa sa 3,500 tropang US mula sa base militar ng US sa Okinawa, Japan, ang nakatakdang lumahok sa PHIBLEX. Sa pagdating sa Pilipinas, lalapastanganin ng todo armado at handa sa bakbakang mga tropang ito ng US ang soberanya ng Pilipinas na may ganap na kooperasyon ng papet nitong rehimen.

Matagal nang sinisipat ng militar ng US ang Palawan para maging himpilang base ng mga operasyon nito na sumasaklaw sa Pacific, partikular, sa pagpapakita ng lakas nito at pagtatatag ng armadong presenya sa mga rutang pangkalakalan sa South China Sea. Tinutustusan ng militar ng US ang AFP upang palawakin ang baseng nabal ng militar ng Pilipinas sa mga look ng Oyster at Ulugan Bay. Ang layon ng US ay magsilbi ang mga lugar na ito bilang mga base militar para sa mga barkong pandigma ng US, mga kagamitang pandigma at tropang panlaban sa ilalim Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Binabatikos ng sambayanang Pilipino ang ipokritong pakana ng US ng pagbibigay ng "mga serbisyong makatao" sa panahon ng mga magkasamang ehersisyo. Kapalit ng kaunting pondo, ang mga pakitang serbisyong ito ay nagsisilbi lamang upang maging katanggap-tanggap ang interbensyong militar ng US para disarmahan ang mamamayan na labanan ang malawakang presensya ng tropa ng US.

Nananawagan ang PKP sa sambayanang Pilipino na magprotesta laban sa PHIBLEX at igiit ang kagyat na pag-aalis ng lahat ng tropa ng US sa Pilipinas.