Isang (1) Dekadang Kawalan ng Katarungan at Mahigit na Kalahating Siglong (57 Taon) Kawalan ng Panlipunan Katarungan para sa Magsasaka ng Hacienda Luisita

Ka Maria Banua
NDF-Bicol
Nobyembre 16, 2014

Nagpupugay ang National Democratic Frong-Bicol Region sa mga martir, naiwang pamilya at mga magsasaka at manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita at manggagawa ng Asukarera na biktima ng masaker noong Nobyembre 16, 2004. Makatarungan ang ipinaglalaban ninyong makabubuhay na sahod, trabaho at karapatan subalit masaker ang kasagutan ng pamahalaan at pamilyang Aquino-Cojuangco sa kahilingang ito.

Nakatatak pa sa ala-ala ng mamamayan, ang naganap ding Mendiola Masaker noong Enero 22 1987, kung saan 13 magsasaka pinatay at 39 ang nasugatan. Pebrero 1987 Lupao Massacre, 17 magsasaka, 6 na bata at 2 matanda naman ang patay. Umabot ito sa total na 135 na mga kaso ng mga masaker laban sa mga magsasaka at mamamayan.

Isang dekada na ang nakaraan nang maganap ang masaker sa pitong (7) magsasaka at manggagawang-bukid sa piketlayn noong Nobyembre 16, 2004 sa Hacienda Luisita subalit nananatiling malabo ang hustisyang nais makamtan ng mga biktima.

Dalawang buwan lamang makalipas ang masaker, walang habas na pinagpuputukan uli ang 20 magsasaka sa piketlayn. Dalawa ang tinamaan at nakaligtas tumestigo sa Senado pero walang naisampang kaso laban sa mga Cojuangco-Aquino.

Sinundan ito ng maraming kaso ng sunod-sunod na pagpatay:

Disyembre 8, 2004-Marcelino Beltran pinatay dahil sa tetestigo laban sa nangyaring masaker noong Nobyembre 16, 2004.

Marso 3, 2005- Abelardo Ladera pinatay, magdadala sana ng dokumento sa gagawin Senate Hearing sa Stock Distribution Option Scheme ng Hacienda Luisita.

Marso 13, 2005 - Fr William Tadena binaril dahil sumisimpatiya sa laban ng mga magsasaka. Ang saksi na kasamahang pari na si Fr Jun Flores ay pinagbantaan din ang buhay kaya nagtatago sa takot para sa kanyang buhay.

Marso 17, 2005 - Victor "tata ben" Concepcion pinatay dahil sumusuporta sa laban ng magsasaka.

Oktubre 15, 2005 -Florante Collante, pinatay  kritiko laban sa pamilyang Aquin-Cojuangco.

Oktubre 3, 2006 - Bishop Alberto Ramento brutal na pinatay, nagsusuporta sa magsasaka at hayagang tumutuligsa sa pamilyang Aquino-Cojuangco.

Marso 17, 2006 - Tirso Cruz, pinatay na lider unyon na nanguna sa protesta laban sa konstruksyon ng Noynoy Superhaywey sa loob ng hasyenda.

Sa loob ng isang dekada, umabot sa isang daang (100) kaso ang biktima ng iba't-ibang klase ng paglabag sa karapatang pantao na may kaugnayan sa Hacienda Luisita. Kahit walang maaasahang katarungan, sinampahan ng kaso ng mga pamilya ng biktima ang mga nakaamerkanong kriminal noong Oktubre 12, 2014 sa kote na tumatahak daw sa "matuwid na daan". Pangunahing kinasuhan ay si Benigno Aquino III kabilang ang tiyuhin niyang si Jose "Peping" Cojuangco Jr, ang kapatid niyang si Maria Elena "Ballsy" Aquino-Cruz at ang kilalang "kabarilan" niyang si Virginia Torres. Kinasuhan din sina Tarlac PNP Provincial Director Alex Sintin at dating hepe ng Tarlac City PNP na si Bayani Razalan.

Mag-aanim (6) na dekada na ang nakalipas nang bilhin ni Jose Conjuangco Sr ang Central Asucarera De Tarlac at Hacienda Luisita na may kabuuang sukat na 6,453 ektarya na sumasaklaw ng 11 baranggay noong 1957. Pera ng mamamayan ang inutang ng pamilyang Cojuangco sa Central Bank of the Philipippines (CBP) at Government Social Insurance Services (GSIS) na may kasunduang ipamahagi sa magsasaka pagkalipas ng sampung taon.

Lumipas ang dalawang dekada walang pamamahagi ng lupa ang naganap.  Nagsampa ng kaso noong 1985 ang mga magsasaka naipalo ang kaso pero hindi naipatupad ang desisyon ng Korte.  Nakaupo sa poder ang nanay ng kasalukuyang Presidente BS Aquino na si Corazon Aquino noong 1986 dahil sa Edsa People's Power kung saan nilikha ang Comprehensive Agrarian Reform Program na nagpaliban sa nasabing kautusan.  Lumipas pa ang isang dekada sa gitna ng paglaban ng mga magsasaka nangyari ang malagim na masaker.

Makasaysayang na ang laban para sa sahod, trabaho at karapatan ng mga magsasaka at manggagawa ng hacienda luisita at asukarera habang nagkakamal ng malaking ganansya ang pamilyang Cojuangco.  Hindi pa ito nasisiyahan, pinagbili pa ng mahal sa halagang 83 milyon ang right of way ng proyektong SCTEX na ipinuwesto sa gitna ng hacienda at sa halagang P170 milyon gumastos ang gobyerno para sa pribadong labasan ng hacienda luisita. Sa bawat sasakyan na lumalabas nagbabayad ng P20 bawat sasakyan na kumikita ng P2.4 milyon bawat buwan.

Tumanggap ng pondo mula sa Development Acceleration Fund ang matatapat na alipures ni Benigno Simeon Aquino na sina baranggay Captain Edgardo Aguas ng brgy Central, sa Hacienda Luisita ng P3.5M para daw sa proyekto. Nabigyan higit lalo na ang 22 senador, 173 kongresista, 51 gubernador, dalawang bise-gubernador, dalawang bokal, 32 alkalde at dalawang bise-alkalde.

Isang (1) dekadang kawalan ng katarungan ang mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita. Mahigit kalahating siglo (57 taon) na ang kawalan ng katarungang panlipunan ang mga magsasaka sa Hacienda para mapasakanila ang lupang kinuha sa kanilang mga ninuo sapamamagitan ng panggigipit  pamilyang Cojuangco-Aquino.

Hindi dapat maging "magpakailanman" ang kawalan ng katarungan sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita at sambayanan.  Sisingilin ng mahal ng rebolusyonaryong kilusan at bagong hukbong bayan ang kapalaluang ito ng pamilyang Aquino-Cojuangco. Higit na kailangan ang pagkakaisa upang likhain ang daluyong na magpapatalsik sa US-Benigno Simeon Aquino sa poder.

Nananawagan kami sa mga kapatiran sa simbahan, masmidya at intelektwal na may natitira pang pagmamamahal sa kalayaan at kapayaan na na tumulong sa tanggalin ng busal sa bibig, takip sa mata't tenga ng karamihan upang makita ang katotohanan.  Yakapin ang pagmamahal sa ating magsasakang tagapaglikha ng ating pagkain at ipagtanggol ang patrimonya.