Jalaur Megadam na proyekto, pinakamalalang paglabag sa karapatang pantao ng mga tumanduk

Jurie Guerrero
Jose Percival Estocada, Jr. Command -NPA-Central Panay
Disyembre 15, 2014

Mahigit apat na  dekada nang dinaranas ng mga mamayang Tumanduk ng Ilog Jalaud at Alibunan ang ibat-ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao mula pa noong rehimeng Marcos hanggang rehimeng Arroyo.  Bunga ng kapabayaan ng gobyerno, hindi nila nakamit ang pag-unlad ng pamumuhay kung kaya’t hanggang ngayon karamihan sa kanila ang dumaranas ng sobrang gutom at kahirapan.  Ang kanilang mga ninuno ay naging biktima ng pang-aagaw ng lupa ng mga panginoong maylupa tulad ng angkan ng Celo at Carreon ng Calinog at ng mga montero ng DENR.  Naging biktima din sila ng pasismo ng estado bunga ng sunod-sunod na mga Oplan at kampanya militar na nagresulta sa malawakang ebakwasyon, pangsasalbyeds at pilit na pagpapatrabaho.  Bantog na tagapagpatupad nito ang dating berdugo na si PC MSgt Porping Cataluña ng Cahigon at ang kanyang uhaw-sa-dugo na mga CHDF noong dekada ’70 at ’80.

Sa kasalukuyan, sa ilalim ng rehimeng Aquino, pagdudusahan ng mga mamamayang Tumanduk ng Ilog Jalaud at Alibunan ang pinakamalubhang paglabag sa karapatang pantao sa pamamagitan ng megadam sa Ilog Jalaud at ang kakambal nito na Oplan Bayanihan.   Sa pagtatayo ng megadam, lulubog sa tubig ang lupa ng kanilang ninuno at unti-unti silang palalayasin sa kanilang mga sakahan sa pagpapatupad ng mga reforestation-watershed at eco-tourism projects.  Kailanman ay hindi na nila mababalikan ang lupa ng kanilang mga ninuno at magiging mas miserable ang kalagayan ng kanilang pamumuhay kabaliktaran ng mapanlinlang na mga pangako ng rehimeng Aquino at mga tagapagsalita nito na si Senador Drilon at Meyor Centena ng Calinog.

Direkta at kaagad na apektado ang tinatayang 17,000 na mamamayang Tumanduk sa 16 na mga barangay ng Aglonok, Hilwan, Caratagan, Marandig, Manaripay, Supanga, Tigbayog, Guinbonyugan, Binolusan Pequeño, Binolusan Grande, Cahigon, Toyungan, Masaroy, Garangan, Agcalaga at Alibunan.  Katumbas ng malawakang paglipol ng mamamayang Tumanduk o henosidyo ang kabuuang epekto ng proyektong Jalaur Megadam. 

Gumamit ng lahat na paraan ang reaksyunaryong estado upang mapatupad lang ang Php11.2 bilyones na Jalaur megadam na pangunahing mapakinabangan ng uhaw-sa-tubo na mga dayuhang kapitalistang bangko at lokal na malalaking burgesyo komprador na papaboran ng rehimen sa mga kontrata sa konstruksyon, pag-quarry, bulk water supply, hydro-electric power at irigasyon alinsunod sa Public-Private-Partnership na programa ng rehimen.  Sa pagsimula pa lang ng proyekto, sumingaw na ang mga baho ng korupsyon ng mabunyag na galing sa DAP ang Php450 milyones na binigay kay Senador Drilon upang masimulan ang proyekto.  Maraming pamilya rin ang pinangakuan ng kompensasyon ng kanilang propyedad na maapektuhan ng proyekto ang nagreklamo na wala o halos maliit ang natanggap.

Noong taong 2005 pa lang, nilinlang  na nila ang mamamayang tumanduk sa pamamagitan ng batas IPRA – kung saan bilang pagkilala daw sa karapatan sa lupa ng kanilang ninuno ay binigyan sila ng CADT (Certificate of Ancestral Domain Title) bilang katibayan ng kanilang pagmamay-ari nito.  Binigyan ng CADT ng dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo ang mga baryo ng GMA (Garangan, Masaroy, Agcalaga) . Sa katunayan, ito ay upang mapadali para sa reaksyonaryong estado ang pagpasok ng anumang proyekto sa lugar dahil kailangan lang nilang kunin ang pagsang-ayon ng itinalaga na tribal chieftain ng NCIP, ang Caballero Brothers.  

 Ngayon ay ginagamit nila itong batas upang ipilit na may pahintulot ng mamamayan ang Jalaur megadam project.  Ginagamit nila at binaluktot ito upang magsilbi sa kanilang kagustuhan ang probisyon nitong  dapat may FPIC o Free, Prior and Informed Consent ang anumang proyekto sa lugar.  At sa halip na kunin ang pahintulot ng mamamayan, kailangan lang nila ang pagsang-ayon ng Caballero Brothers na siyang itinalagang tribal chieftain sa lugar.  Nabunyag ang kasinungalingan, pagkamapanlinlang at pagka-ipokrito ng rehimeng Aquino dahil sa katunayan, bago pa man kunin ang FPIC para sa pagtatayo ng megadam ay buo na ang plano, napirmahan na ang kontrata ng paghiram ng pondo sa pagitan ng GRP at EXIM Bank ng South Korea at naumpisahan na ang mga kalsada at iba pang mga imprastraktura na nagsisilbi sa megadam na proyekto.

Upang buwagin ang pagkakaisa ng mamamayang Tumanduk at maipakita na may malawak na suporta ang proyekto, itinayo ng NCIP ang Calinog Indigenous People’s Organization (CIPO) at binansagang peke ang Tumanduk na organisasyon na siyang tunay na nagtaguyod ng interes ng mamamayang tumanduk ng Calinog at mga katabing bayan ng Tapaz, Jamindan at Lambunao.

Sinakyan nila ang kahirapan at kawalang hanapbuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pag-aalok ng trabaho sa kontruksyon ng dam at panunuhol sa ilang lokal na mga lider upang mapatahimik at mapigilan ang pagtutol  sa dam.  Ang hindi nila mapigilan sa ganitong paraan ay ginagamitan nila ng iba’t ibang anyo ng pananakot.

Naglabas ng Executive Order ang Meyor ng Calinog na bawal magpapasok ng anumang grupo o NGO sa mga barangay ng hindi dumadaan at walang pahintulot mula sa kanya.  Ito ay paglabag sa karapatan ng mga mamamayan sa impormasyon at mga pagpapaliwanag na dinadala sa kanila ng mga progresibong organisasyon.  Nais nilang bulagin ang mamamayan sa mapaminsalang epekto ng dam at ang marinig lang ay ang mapanlinlang na mga propaganda ng NCIP, NIA, DENR at iba pang ahensya ng gobyerno.

Itong mga pakana ay dinagdagan pa ng mas pinatinding militarisasyon sa lugar.  Nagtayo ng CAFGU detatsment sa barangay Agcalaga maliban pa sa pagdeploy dito ng isang platun ng PNP-Public Safety Company para diumano sa seguridad ng itatayong dam.  Maliban pa ito sa madalas na mga operasyong militar ng 61st IB na nagdulot ng takot sa mamamayan.  Ginagamit nila ang mga pwersa ng militar upang manmanan, takutin at pigilan ang sino mang patuloy na tumututol sa megadam na proyekto.

Itong mga pakana ay hindi makakapigil sa dinekada nang karanasan ng mamamayan sa paglaban para sa kanilang karapatan sa lupa at buhay.  Patuloy na nagmamartsa sa kalsada at nagsisigaw ng kanilang karapatan ang mga mamamayang Tumanduk.  Kasama ang malawak na mamamayang apektado ng proyekto, kanilang ipagsisigawan ang pagpatigil sa konstruksyon ng dam at pagpapatalsik sa korap at kontra-mamamayang rehimeng US-Aquino.  Dadagundong din ang putok ng mga taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan na siyang solong tagapagtanggol ng kanilang interes.#

---------------------

Hiligaynon version:

Jalaur Megadam nga Proyekto, pinakamalala nga paglapas sang tawhanon nga kinamatarung sang mga tumanduk


Jurie Guerrero
Jose Percival Estocada, Jr. Command -NPA-Central Panay
Disyembre 15, 2014

Masobra na sa apat ka dekada nga nag-agum sang nagakalainlain nga dagway sang paglapas sang ila  tawhanon nga kinamatarung ang mga pumuluyong Tumanduk sa suba sang Jalaud kag Alibunan halin sa rehimeng Marcos tubtob sa rehimeng Arroyo. Bunga sang kapabayaan sang gobyerno gindingutan sila sang pag-uswag sang ila pangabuhian gani tubtob subong ang kadam-an sa ila wala untat nga naga-antus sang kaimolon kag gutom. Ang ila mga kamal-aman nangin biktima sang pagpang-agaw sang duta sang mga agalon nga mayduta kapareho sang pamilya Celo, Carreon sang Calinog kag sang mga montero sang DENR. Nangin biktima man sila sang pasismo sang estado bunga sang sunod-sunod nga mga Oplan kag kampanya militar nga nagtuga sang malaparan nga ebakwasyon, pagpangsalbeyds, pilit nga pagpatrabaho. Bantog nga tagapatuman sini ang anay berdugo nga si PC MSgt Porping Cataluña sang Cahigon kag ang iya uhaw-sa-dugo nga mga CHDF sang dekada ’70 kag ’80.

Subong, sa idalom sang rehimeng Aquino, paga-antuson sang mga pumuluyong Tumanduk sa Suba sang Jalaud kag Alibunan ang pinakamalala nga paglapas sang ila tawhanon nga kinamatarung paagi sa proyekto nga megadam sa Suba sang Jalaud kag ang katimbang sini nga  Oplan Bayanihan. Sa pagtukod sang megadam magalugdang sa tubig ang duta sang ila kamal-aman kag amat-amat nga tabugon sila sa ila nga mga ulumhan sa pagpatuman sang mga reforestation-watershed kag eco-tourism projects. Tubtob san-o man indi na nila mabalikan ang duta sang ila kamal-aman kag mas mangin miserable ang kahimtangan sang ila nga pagpangabuhi kabaliskad sa mapaniplang nga promesa sang rehimeng Aquino kag mga tagapamababa sini nga si Senador Drilon kag Meyor Centena sang Calinog.

Direkta kag gilayon nga apektado ang mas o menos 17,000 ka pumuluyong Tumanduk sa 16 ka kabaryuhanan sang Aglonok, Hilwan, Caratagan, Marandig, Manaripay, Supanga, Tigbayog, Guinbonyugan, Binolusan Pequeño, Binolusan Grande, Cahigon, Toyungan, Masaroy, Garangan, Agcalaga kag Alibunan. Katumbas sa malaparan nga pagpapas sang mga pumuluyong Tumanduk ukon henosidyo ang kabilugan nga epekto sang proyekto nga Jalaur megadam.

Naggamit sang tanan nga pahito ang reaksyonaryo nga estado agud matuman ang P11.2 bilyones nga Jalaur megadam nga pangunahon nga magabenepisyo sa uhaw-sa-ganansya nga mga dumuluong nga kapitalista sa bangko kag  lokal nga dalagku nga mga burgesya-komprador nga pagapaboran sang rehimen sa mga kontrata sa konstruksyon, pag-quarry, bulk water supply, hydro-electric powerkag irigasyon santo sa Public-Private-Partnership nga programa sang rehimen. Sa pag-umpisa pa lang sang proyekto nagasungaw na ang mga baho sang kurapsyon sang nabuyagyag nga kabahin sang DAP  ang P450 milyones nga ginhatag sa kay Senador Drilon para masuguran ang proyekto. Madamo man sang mga pamilya nga ginpromesahan sang kompensasyon sang ila propyedad nga madalasa sang proyekto ang nagareklamo nga wala ukon tama ka gamay ang nabaton.

Sang tuig 2005 pa lang, gintiplang na nila ang pumuluyong tumanduk paagi sa layi nga IPRA – sa diin bilang pagkilala kuno sang ila kinamatarung sa duta sang ila kamal-aman hatagan sila sang papel (CADT) nga pamatuod sang ila pagpanag-iya sini.  Gintagaan sang CADT ang GMA area (Garangan, Masaroy, Agcalaga) sang sadto anay Presidente Gloria Macapagal Arroyo.  Sa pagkamatuod, ini para mapahapos sa reaksyonaryong estado ang pagpasulod sang anuman nga proyekto sa lugar bangud kuhaon lang nila ang pagpasugot sang gintalana nga mga tribal chieftains sang NCIP, ang Caballero Brothers.

Ginagamit nila subong ini nga layi para ipilit nga may pagpahanugot ang pumuluyo sa Jalaur megadam nga proyekto.  Ginagamit nila kag ginatorse para magserbe sa ila kagustuhan ang probisyon sini nga dapat may FPIC ukon Free, Prior and Informed Consent antes sang anuman nga proyekto sa lugar.  Kag imbes nga kuhaon ang pagpahanugot sang pumuluyo, kinahanglan lang nila ang pagpahanugot sang Caballero Brothers nga amo ang ila gintalana nga mga tribal chieftains sa lugar.  Nahublasan ang pagkabutigon, pagka-mapaniplang kag ipokrito nga rehimen ni Aquino kay sa pagkamatuod, antes pa man himuon ang FPIC para sa pagtukod sang megadam, nahuman na ang plano, napirmahan na ang kontrata sa paghulam sang pondo sa tunga sang GRP kag Koreano nga Exim Bank kag naumpisahan na ang mga karsada kag iban pa nga imprastruktura nga nagaserbe sa megadam nga proyekto.

Agud maguba ang paghiliusa sang mga pumuluyong tumanduk kag mapakita nga may malapad nga suporta ang proyekto gintukod sang NCIP ang Calinog Indigenous Peoples Organization (CIPO) kag ginbansagan nga peke ang Tumanduk nga organisasyon nga amo ang tunay nga nagatib-ong sang interes sang mga pumuluyong tumanduk sa Calinog kag kaiping nga mga kabanwahanan sang Tapaz, Jamindan kag Lambunao.

Ginasakyan nila ang kaimulon kag kawawad-on sang mga pumuluyo paagi sa pagtawtaw sang trabaho sa konstruksyon sang dam kag pagpangsuhol sa pila ka lokal nila nga lideres para lang mapahipos kag mapunggan ang pagpamatuk sa dam. Ang indi madala sa ginatawtaw nga benepisyo ginapaagi sa lainlain nga dagway sang pagpamahog.

Nagpagwa sang Executive Order ang Mayor sang Calinog nga indi magpasulod sang anuman nga grupo ukon NGO sa kabaryuhanan sang banwa nga wala nakaagi ukon permit halin sa iya.  Ini paglapak sa kinamatarung sang pumuluyo sa impormasyon kag mga pagpaathag nga ginadala sa ila sang mga progresibo nga organisasyon.  Luyag nila bulagon ang pumuluyo sa makahalalit nga epekto sang dam kag ang mabatian lang amo ang mapaniplang nga propaganda sang NCIP, NIA, DENR kag iban pa nga ahensya sang gobyerno.

Ini nga mga padihot, gindunganan pa gid sang mas pinasingki nga militarisasyon sa lugar.  Gintukuran sang CAFGU detatsment ang barangay Agcalaga magluwas pa sa pagdeploy diri sang isa ka platun sang PNP-Public Safety Company para kuno seguridad sa pagatukuron nga dam.  Ini magluwas pa sa masunson nga operasyon militar sang 61st IB nga nagatuga sang kahadlok sa mga pumuluyo.  Ginagamit nila ang mga pwersa sang militar para panilagan, pahugon kag punggan ang sin-o man nga padayon nga nagapamatuk sa megadam nga proyekto.

Ini tanan nga mga padihot indi makapugong sa dinekada na nga eksperyensya sang pumuluyo sa pagpakigbato sang ila kinamatarung para sa duta kag kabuhi.  Padayon nga nagamartsa sa dalanon kag nagasinggitan sang ila kinamatarung ang mga pumuluyong Tumanduk.  Upod sa malapad nga pumuluyo nga apektado sining proyekto, ila igasinggitan ang pagpauntat sa pagtukod sang dam kag pagpatalsik sa korap kag kontra-pumuluyo nga rehimeng US-Aquino.  Magalanog man ang lupok sang taktikal nga opensiba sang bag-ong hangaway sang banwa nga amo ang solo nga tigpangapin sang ila interes.#