{VIDEO] Youth, join the people's war!

Ang Bayan
21 November 2014
(with subtitles in English)



The entire Filipino nation will be commemorating the 50th anniversary of the Kabataang Makabayan (KM) on November 30. The entire nation, especially the mass of workers and peasants hail the huge role KM has played in the last 50 years in advancing the people's democratic revolution and the important role it will be playing in the future.

Watch on youtube:
http://youtu.be/YyhC1yTZA1I
https://www.youtube.com/watch?v=YyhC1yTZA1I

Youth, join the people's war!

Ang Bayan
21 November 2014


Download PDF in Pilipino

The entire Filipino nation will be commemorating the 50th anniversary of the Kabataang Makabayan (KM) on November 30. The entire nation, especially the mass of workers and peasants hail the huge role KM has played in the last 50 years in advancing the people's democratic revolution and the important role it will be playing in the future.

Let us honor all the youth who have offered their lives to advancing the national-democratic movement in the various fields of struggle, especially in the arena of armed struggle. Let us salute the youth who comprise the biggest proportion of Red fighters nationwide. They tread the path of armed revolution for national and social liberation that was first laid by the young sons and daughters of the people under Andres Bonifacio's leadership.

Kabataan, lumahok sa digmang bayan!

Editoryal
Ang Bayan
Nobyembre 21, 2014


Download PDF Here


Gugunitain ng buong sambayanang Pilipino ang ika-50 anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM) sa Nobyembre 30. Kinikilala ng buong sambayanan, laluna ng masang manggagawa at magsasaka, ang malaking papel ng KM nitong nagdaang 50 taon sa pagsusulong ng demokratikong rebolusyon ng bayan at ang mahalagang papel na gagampanan pa nito sa hinaharap.

Parangalan natin ang lahat ng mga kabataang nag-alay ng kanilang buhay sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong kilusan sa iba’t ibang larangan ng pakikibaka, laluna sa larangan ng armadong pakikibaka. Bigyang-pugay natin ang mga kabataang bumubuo ng pinakamalaking hanay ng mga Pulang mandirigma sa buong bansa. Binabagtas nila ang landas ng armadong rebolusyon para sa pambansa at panlipunang paglaya na unang hinawan ng mga kabataang anak ng bayan na pinangunahan ni Andres Bonifacio.

Isang (1) Dekadang Kawalan ng Katarungan at Mahigit na Kalahating Siglong (57 Taon) Kawalan ng Panlipunan Katarungan para sa Magsasaka ng Hacienda Luisita

Ka Maria Banua
NDF-Bicol
Nobyembre 16, 2014

Nagpupugay ang National Democratic Frong-Bicol Region sa mga martir, naiwang pamilya at mga magsasaka at manggagawang-bukid ng Hacienda Luisita at manggagawa ng Asukarera na biktima ng masaker noong Nobyembre 16, 2004. Makatarungan ang ipinaglalaban ninyong makabubuhay na sahod, trabaho at karapatan subalit masaker ang kasagutan ng pamahalaan at pamilyang Aquino-Cojuangco sa kahilingang ito.

Nakatatak pa sa ala-ala ng mamamayan, ang naganap ding Mendiola Masaker noong Enero 22 1987, kung saan 13 magsasaka pinatay at 39 ang nasugatan. Pebrero 1987 Lupao Massacre, 17 magsasaka, 6 na bata at 2 matanda naman ang patay. Umabot ito sa total na 135 na mga kaso ng mga masaker laban sa mga magsasaka at mamamayan.

Pasalubong na Taktikal na Opensiba dagdag na Dagok sa 9th Infantry Division, Philippine Army sa Bicol

Ka Maria Banua
NDFP-Bicol
Nobyembre 14, 2014

Magkakasabay na inilunsad ng Norben Gruta Kumand-Distrito II-Cam Sur at Celso Minguez Command- Sorsogon ang isang ambush  at Jose Rapsing Kumand-Masbate na isang pamamarusa.

Inilulunsad ito ng mga Kumand ng Bagong Hukbong Bayan sa rehiyon bilang hamon sa armadong pwersa na AFP na ipanalo ang labanan sa prinsipyadong taktika at teknika. Igalang at huwag pagbalingan ang walang kalaban-labang sibilyan (non-combatant), makataong pagtrato ng mga bihag sa digmaan (prisoners of war) at mga kalaban na wala na sa kakakayahang lumaban (Hors de Combat) sang-ayon sa batas sa digmaan.

Pahayag ng Pakikipagkaisa sa mga delegado ng Manilakbayan

Ka Maria Roja Banua
NDFP-Bicol
November 11, 2014

Mainit na pagbati ang nais iparating ng National Democratic Front-Bicol sa mga delegado ng Manilakbayan upang ipagtanggol ang lupa ng mga ninuno, likhang kaunlaran mula sa sariling determinasyon at pagnanais ng kapayapaan ng mga mamamayan ng Mindanao laban sa korap, bulok at sinungaling na rehimeng US-BS Aquino. Binagtas ninyo nang hindi alintana ang hirap at pagod mula dulo ng Mindanao patungong Malacanang na syang luklukan ng Pork Barrel King na No.1 responsable sa paglabag sa karapatang pantao upang maningil at isiwalat ito sa publiko.

Sadyang walang katulad ang bangis at pagkaulol ng US-BS Aquino laban sa mga mamamayan upang  gamitin ang kanyang bayarang makinarya sa panunupil laban sa limang (5) rehiyon ng Mindanao at mga probinsya ng Moro ang halos 60% ng kabuuang lakas ng AFP. Dalawang malalaking kumand ito ng East Mindanao Command at West Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may limang (5) Infantry Division na may 55 total na batalyon na syang may pinamalaking bilang ng batalyon ng AFP.  Tinatayang 60,000 kabuuang tropa palagiang handang mag-operasyon hindi pa kasama dito ang mga Civil-Military Operations (CMO) battalions, intelligence battalions, engineering battalions at mechanized battalions. Pinanatili pa rin ni BS Aquino ang nilikhang abusadong paramilitar na Investment Defense Forces (IDF) para idagdag sa regular na tropa ng AFP maliban pa ito sa CAFGU, Special Civilian Armed Auxiliary (SCAA) at  CAFGU Active Auxiliary (CAA).  Hindi pa nakontento, nagtayo pa ng bagong sampung (10) grupong paramilitar sa hanay ng Lumads na lahat may kinaiimbweltuhan na kaso ng pang-aabuso at pagpatay sa mga datu at ordinaryong mamamayan sa hanay ng Manobos at Lumad. Grandyuso din ang panlilinlang ng Comprehensive Agreement on Bangsa-Moro sa Moro Islamic Liberation Front  habang nilulunsad ang gyera laban sa Sambayanang Moro matapos mabulok ang Moro National Liberation Front.

21 armas nasamsam sa Paluan, Occidental Mindoro

Ka Higom Maragang
Lucio de Guzman Command- BHB Mindoro
Nob 7, 2014

Dalawampu’t isang (21) malalakas na kalibreng baril at iba pang kagamitang militar  ang nakumpiska ng mga Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command (BHB-Mindoro) sa isinagawang reyd sa munisipyo ng Paluan, Occidental Mindoro kaninang  alas- 3 ng hapon, Nob. 7, 2014.   Kinabibilangan ito ng pitong M14 , labintatlong  M16 at isang 12-gauge shotgun, dalawang pistola at marami pang bala at gamit militar.

Napatay   sa humigit kumulang 20 minutong labanan ang 7 sundalo   at nasugatan ang 4  pa na  kabilang sa 76IB (PA), PNP- PSB, at PNP-MPS na noong panahong iyon ay nasa munisipyo ng Paluan.

Mga aksyong militar ng BHB sa isla ng Mindoro--Tagumpay!

Ka Higom Maragang
Lucio de Guzman Command- BHB Mindoro
Oktubre 27, 2014

Tagumpay ang isnayping operation ng isang tim ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)  sa nakakampong mga sundalo ng 4IB at para-militar sa Sityo Anahaw, Bgy. Panaytayan, Mansalay, Mindoro Oriental noong Oktubre 25, 2014 alas 7 ng umaga.  Nasugatan ang isang trainee na CAFGU sa nasabing operasyon.

Target ng operasyon ng BHB ang mga Peace and Development Teams [PDTs] ng Army sa lugar na tuloy-tuloy na nagsasagawa ng mga harasment /pananakot/pag-interoga/iligal na pag-aresto sa mga katutubong mangyan at mga magsasaka. Hindi na lamang sapilitang rekrutment sa mga CAFGU ang ginagawa ng mga sundalo kundi pati ang mga bata at mga binatilyo sa mga pamayanan na pinagkakampuhan nila ay pinagrerekorida at pinatutulog nila sa kanilang baraks   bilang pananggalang sa kanilang mga kalaban.  Ito’y malinaw na paglabag sa mga karapatang pantaong nasasaad sa Ikatlong Bahagi- Artikulo 2 ng CARHRIHL.

Ka Lucas: Isang pag-alaala ng Sine Proletaryo

Nobyembre 16, 2014

Inaalala ng Sine Proletaryo si Ka Lucas (Rendell Ryan Cagula), Pulang mandirigma at bayani ng sambayanang Pilipino. Kabilang si Ka Lucas sa mga Pulang mandirigmang napatay noong Nobyembre 4, 2014 sa pakikipaglaban sa mga pasistang tropa ng 27th IB sa Maasim, Sarangani. Kasamang napatay sa labanan sina Ka Payat, Ka Doming and Ka Jappie.

Noong Enero 2014, si Ka Lucas ay itinalagang mapabilang sa pangkat ng Sine Proletaryo na magsasagawa ng mga pag-interbyu sa mga lider at kasapi ng Partido at Bagong Hukbong Bayan sa Far South Mindanao Region para sa proyektong "Istatus: FSMR". Ang "Istatus" ay serye ng maiiksing bidyo na nagtatampok ng kalagayan at pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan sa iba't ibang rehiyon.

Kampanyang-militar ng AFP laban sa BHB, bigo at nagtamo ng mga kaswalti sa hangganan ng Nueva Vizcaya at Aurora

Kasamang Rowena Cervantes
Domingo Erlano Command - NPA-Aurora
Nobyembre 16, 2014

Dalawang magkasunod na engkwentro ang naganap sa pagitan ng mga gerilya ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa pamamatnugot ng Domingo Erlano Command at mga pasistang tropa ng Philippine Army (PA) sa ilalim ng 703rd Infantry Brigade sa hangganan ng Nueva Vizcaya at Maria Aurora nitong nakalipas na ilang linggo.

Nangyari ang unang labanan noong October 22, 2014 sa Sityo Manial, Barangay Lublob, Alfonso Castaneda Nueva Vizcaya. Naghahanda sa pagpakat ng ambus ang mga nag-ooperasyong sundalo nang maramdaman at madikitan sila ng mga Pulang mandirgma bandang 5:45 ng hapon. Ayon sa balita, sugatan sina Sgt. Benjamin Macarrubo at Pfc. Cristopher Estellore. Ang ikalawang labanan naman ay nangyari nitong November 12 sa kagubatan ng Barangay Galintuja, Maria Aurora, Aurora. Tumagal ng halos kalahating oras ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkakasugat ng dalawang sundalo na ginagamot ngayon sa isang ospital sa Baler. May mga ulat na nagsasabing dalawa ang patay sa mga kaaway at marami pang sugatan na pilit nilang itinatago sa publiko. Samantala, walang natamong pinsala ang panig ng BHB na maayos din namang nakaatras.  

Sundalo ng 31st IB, napatay sa operasyong pagdisarma ng NPA

Samuel Guerrero
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)
November 16, 2014

ISANG sundalo ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army ang napatay nang manlaban ito sa isang tim ng New People’s Army na sumita sa kaniya at isa pang kasamahan para disarmahan sila sa Barangay San Antonio, Barcelona, Sorsogon bandang alas-8:00 kaninang umaga.

Ang dalawang sundalo ay kabilang sa tinaguriang Peace and Development Team (PDT) na nakahimpil sa sentro ng naturang barangay mula pa noong Oktubre 22. Hinarang at pinatigil ng NPA ang pampasaherong traysikel na sinasakyan ng dalawang sundalo para kumpiskahin ang kanilang maiiksing baril. Tumalon mula sa sasakyan at bumunot ng baril ang isang sundalo kaya naobliga ang mga Pulang mandirigma na putukan at mapatay siya. Sinamsam ng NPA ang kanyang pistolang kalibre .45.

Makakamit ang katarungan sa Masaker sa Hacienda Luista sa pamamagitan ng digmang bayan

Partido Komunista ng Pilipinas
Nobyembre 14, 2014

Translation: Justice for Hacienda Luisita Massacre can be attained through people’s war
 

Kaisa ng magsasakang Pilipino at sambayanan ang PKP sa paggunita sa ikasampung taon ng masaker sa Hacienda Luisita sa Nobyembre 16, 2014.

Sampung taon na ang nakararaan mula nang magwelga ang mga manggagawa ng Hacienda Luisita na naggigiit ng mas mataas na sahod. Inaniban sila ng libu-libong magsasaka at manggagawang bukid na isinisigaw ang pamamahagi ng 6,000-ekataryang lupain na inagaw sa kanila ng  panginoong maylupang mga Aquino at Cojuangco. Noong Nobyembre 16, ilang libo katao ang sumama sa isang demonstrasyon sa harap ng pangunahing tarangkahan ng Hacienda Luisita.